Chapter 14: Maganda nga ba ang intensyon?

1546 Words
━━━━━━♡ Third Person's POV ♡━━━━━━ Gabi na at nakahiga na si Praise sa kaniyang kama, hindi mapakali dahil sa gulo ng kaniyang isipan. "Jusko! Paano ako makakatulog nito?" nalulungkot niyang sabi. "Paano ko kaya matutulungan si sir Zach? Ni hindi ko nga alam ang mga plano niya. Ang alam ko lang ay may plano siya pero ayun lang." napahawak si Praise sa kaniyang mukha. "Bahala na nga.” Kinabukasan, maagang gumising si Praise at naglinis para wala na siyang gagawin pagtapos ng agahan. Matapos silang kumain, napansin ni Praise na umalis na agad si Zach, kasabay ng mga magulang nito. "Jusko! Bakit naman ang bilis." mabilis na naghugas ng pinggan si Praise at lumabas ng bahay. Sinigurado niyang nilock ito. May dala naman siyang susi kaya wala na siyang problema sa pagbubukas nito. "Asan na kaya si sir Zach?" habang naglalakad siya papuntang palengke, naglilingon-lingon na rin siya, nagbabakasakaling makita si Zach. Nakarating na siya sa palengke pero hindi pa rin niya nahahanap si Zach. "Nasaan na kaya ‘yun?" pumunta siya sa pwesto nila Lorie, "Bes, nakita mo ba si sir Zach?" tanong ni Praise sa kaibigan niya, "Kanina. Pero kanina pa yun. Bakit??" tugon naman ni Lorie, "Ah ganun ba? Sige, salamat." naglakad na papalayo si Praise at napakamot na lang sa ulo si Lorie, "Bakit kaya niya hinahanap?" napakibit-balikat na lang sya at bumalik na sa pagwiwisik ng tubig sa mga gulay. Meanwhile, si Zach ay nakaupo lang sa sasakyan niya, nakaparada sa harap ng bayan, pinapanuod ang mga taong nagdadaan. "Kapag wala pa akong nakita ngayong araw, baka sign na yun na lumipat ako sa ibang baryo." sabi ni Zach sa kaniyang sarili habang ang mga mata ay patuloy na nagmamatyag. Zach had his eyes wide open when Praise suddenly started knocking on his window. Startled by the noise, Zach roughly opened the door. "What do you want?" mariin na tanong nito, "Ang sungit naman. Gusto ko lang naman sabihin na gusto kitang tulungan sa paghahanap dun sa pumatay sa kababata mo." nagulat si Zach sa narinig nya kaya agad niyang tinakpan ang bibig ni Praise, "How the fu— Get in." at pumasok naman si Praise sa sasakyan, "Pano mo nalaman ‘yan? Are you some kind of investigator— or a stalker?" panghihinala ni Zach, hindi tumitingin kay Praise, bagkus ay naglilingon-lingon sa paligid, sinisiguradong walang malapit na mga tao sa sasakyan ng sabihin ni Praise ang mga katagang iyun. "Huy! Ang OA." sabi ni Praise sabay hampas ng mahina sa braso ni Zach na sya namang ikinatingin ni Zach sa kaniya sabay pagpag sa braso. "Excuse me! Sa ganda kong 'to tatawagin mo akong stalker? Huh! Excuse me." pagtataray ni Praise, "Pano mo nalaman?" ulit ni Zach, "Sinabi mo kaya sa akin nung nag-inuman tayo. Ayan!" napansin ni Praise na pilit inaalala ni Zach ang nangyari nung gabing iyun. "Ayan kasi. Lasing pa more! Ikaw naman pala yung hindi nakaalala tapos ako pa sasabihan na stalker. Ugh! I cannot!" Napabuntong hininga si Zach dahil sa ingay na ginagawa ni Praise, "May pinagsabihan ka ba?" mahinahon na tanong ni Zach, "Wala. Hindi naman ako tsismosa." "At wala dapat makaalam!" natahimik silang dalawa ng saglit. "How much do you need?" tanong ni Zach, Napakunot naman ang noo ni Praise, "Ha?" Hindi agad naintindihan ang tanong ni Zach. "Anong 'how much do you need'?" balik-tanong niya, tila naguguluhan. Zach sighed, realizing he wasn't being clear. "I mean, how much money do you need to bury everything you know about my plans?” Praise's confusion deepened at Zach's question. It seemed like Zach was implying something more than just helping with the investigation. "Uh, I don't need money," sagot ni Praise, still trying to process the sudden turn of events."Tsaka, ano ba yang tanong mo. Sa lugar nyo ba talagang lahat ng ikikilos mo may bayad?" Zach raised an eyebrow, surprised by Praise's response. "Then what do you need?" tanong ni Zach, hindi pinansin ang mga katanungan ni Praise. Nag-atubiling sumagot si Praise ng sandali bago sabihin, "Gusto ko lang tulungan kang alamin kung sino ang pumatay sa kaibigan mo. yun lang," sinabi niya nang buong katapatan, hindi tinatanggal ang tingin kay Zach, Napangisi si Zach, "And why would you do that?" tanong nito, Napasandal si Praise, "Gusto ko lang tumulong," "Okay!" "Okay?" paguulit ni Praise, "Okay! Since, alam mo na rin naman yung dahilan kung bakit ako nandito diba?" tumango si Praise, "Gamitin natin yang kaalaman mo. Besides, mas kilala mo yung mga tao dito, and we can use that para mas mapabilis ang pag angat ng steps." dugtong ni Zach, With a mutual understanding, Praise and Zach began to work together, using their respective strengths to advance the investigation. Praise, familiar with the local community, proved to be an asset in navigating through the intricacies of the town. ━━━━━━♡ Zach's POV ♡━━━━━━ I don't know what's her plan pero hahayaan ko siya sa ngayon. Aalamin ko kung ano talaga ang intensyon niya. She could be part of them. "Bukas na tayo mag simula. Today isn't a good day to start." sabi ko sa kaniya at hinatid ko na siya sa bahay. Habang naglalakad siya papasok ng bahay, pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. I’ll start with her. Ilang oras na ang nakakaraan at nasa ilalim lang ako ng malaking puno, nakasandal at hinihithit ang sigarilyong sinindihan ko. Inaatay ko ang paglabas ni Praise pero simula kanina’y hindi pa siya lumabas. I wonder what she’s doing. I decided na pumunta sa gilid ng bahay. Sinilip ko ang bintana niya patago, nakatali ang kurtina kaya kita ko ang loob ng kwarto niya. Nasa sulok siya ng kwarto at tila may isinusulat sa isang papel. I wonder kung ano ang sinusulat niya dun. Habang pinapanuod ko ang ginagawa niya, biglang nag ilaw ang phone na nakapatong sa desk nya. Sinagot niya ito pero hindi ko marinig ang usapan nila dahil sarado ang bintana. Maya-maya pa, inayos niya na ang lamesa at tumayo na kaya mabilis naman akong bumalik sa pwesto ko kanina, kunwari ay walang nangyari. Ilang saglit pa at lumabas na din si Praise ng bahay. Hindi niya ako napansin dahil dire-diretso siyang lumabas ng gate. Inihagis ko na sa damuhan ang sigarilyo at sinundan na si Praise. Sakto lang ang layo ko sa kaniya, yung tipong tanaw ko pa rin siya. Nag gigilid lang din ako para madali akong makapagtago kapag lumingon siya sa likod niya. Saan kaya siya pupunta. Nasa palengke na kami pero hindi pa rin siya humihinto sa paglalakad. Huminto lang siya ng makita niya ang mga kaibigan niya at saglit lang ay nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad. Habang sinusundan ko siya, nakita kong may nilapitan siyang isang black na van. Mabilis akong nagtago sa gilid ng stall. Napansin kong may inabot sa kaniyang mga papel galing sa tao sa loob ng van na hindi ko makita. Matapos nun ay tumalikod na si Praise at sinarado na rin ng kung sino man ang nasa loob ang pinto ng van at umalis na din. Sa mga oras na yun, lumayo na ako ng direksyon. “s**t! Hindi ko nakuha ang plate number.” Mabilis kong kinuha ang phone ko at bumalik, saglit pa lang naman at baka maabutan ko pa ang van. Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na napansin na may tao pala sa dinadaanan ko kaya nagkabungguan kami. Nagkalat ang mga papel sa daan at pagtingin ko, mabilis din niyang kinuha ang mga papel. “Sir Zach. Ano pong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin at napansin kong nilagay niya sa likuran niya ang mga papel. “Sorry sir! Hindi ko po kayo napansin agad.” natatawa-tawa niya pang sabi. Dahil sa pagtago niya lalo akong nagduda. “Wala! Hinahabol ko lang yung aso.” sabi ko dahil may nakita akong asong tumatakbo. Tinignan niya naman ito, “Bakit sir? Kinagat ka po ba?” “Hindi! Nevermind!” at naglakad na palayo sa kaniya, “Hoy sir! Antayin mo ako.” little did I know, nasa likod ko na pala siya. Hindi ko na siya pinansin dahil napapaisip talaga ako kung ano ang nasa mga papel na iyun. Nakauwi na kami sa bahay at ako naman ay bumalik sa pwesto ko kanina habang si Praise ay pumasok na agad sa bahay. Sumindi ulit ako ng sigarilyo. Sakto namang lumalabas si Praise ng bahay. Nakatingin siya sa akin at ako naman ay tinitignan siya pabalik. “Sir!” sabi niya habang papalapit sa akin, “Anong gusto mong hapunan?” tanong niya, “I can eat whatever.” sabi ko naman sa kaniya, akala ko ay papasok na ulit siya sa loob pero mali ako. Tinabihan pa niya ako pero napansin ko na nakatingin siya sa akin. “What?” “Ay! Wala sir!” nakangiti, “Namamangha lang ako kasi laging ganyan yung suot mo. Para ka laging a-attend ng kasal.” nakangisi siyang sinabi iyun kaya napatingin ako sa suot ko, “I never thought about it that way,” sabi ko na lang sa kaniya dahil kahit ako ay hindi ko alam ang sagot. Malamang ay nakasanayan ko na lang din lalo na at madalas akong nasa meeting nung nasa east venue ako. Besides, I like it this way. Pormal at kagalang-galang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD