Chapter 15: May sumabit

1626 Words
━━━━━━♡ Third Person's POV ♡━━━━━━ Dalawang araw na ang nakaraan at si Zach ay patuloy na patagong iniimbistigahan si Praise. Habang naglilinis ang magkakaibigan sa malaki at malawak na bakuran ni Mayor Fred, si Zach naman ay nakaupo sa isang foldable chair, pinapanuod ang bawat kilos ni Praise. Masaganang naglilinis si Praise ng biglang tumunog ang phone niya. Tinigil niya muna ang pagwawalis upag tignan kung sino ang nag text sa kaniya. “Si Lorie?” napatingin si Praise sa direksyon ni Lorie, hindi kalayuan kung saan siya nakatayo ngayon. Napangisi siya, “Ano nanaman kayang chismis ng bruhang ito.” mahina na sinabi ni Praise at binuksan na niya ang text. “Si sir Zach, kanina ka pa sinusundan ng tingin., OMG! OMG! OMG!” nakasulat sa text. “Ha?” para mapatunayan ang sinasabi ni Lorie, pasimpleng tinignan ni Praise si Zach at tama nga ang sinasabi ni Lorie, nakatingin nga pala si Zach sa kaniya. Naramdaman ni Praise ang kilig kaya hindi niya napigilang mapangiti ng palihim bago replyan si Lorie, “Bumalik ka na nga sa ginagawa mo.” reply niya bago binaba ang phone at binalik sa bulsa niya. Binitawan muna ni Praise ang hawak niyang walis tingting at iniayos ang buhok habang pasimpleng sinisilip si Zach. “Kaylangan maganda ako.” ani ni Praise sa hangin bago muling kinuha ang tingting at nagpatuloy na sa pagwawalis. Ang kaninang masaganang pagwawalis ni Praise ay napalitan ng pagkamahinhin. Napansin naman ito ni Zach kaya napangisi siya, napailing at hinithit ang sigarilyo niya, “Huy! Ano yan?” sabi ni Henry habang natatawa sa kinikilos ni Praise, “Okay ka lang ba? Para kang sinto-sinto dyan.” patuloy na pinagtatawanan ni Henry si Praise kaya nainis na ito, “Dun ka nga! Nagmamaganda ako dito oh, di mo ba nakikita?” bulalas na sabi ni Praise kay Henry habang ang mga noo ay nakakunot, “Nagmamaganda, nagmamaganda. Hindi mo na kailangang gawin yan. Maganda ka naman talaga sa paningin ko.” sabi naman ni Henry sabay talikod at napakamot sa kaniyang ulo. Napatingin naman si Praise kay Henry dahil sa sinabi nito. “Bwisit! Ang lakas talagang mang-asar.” ani ni Praise bago muling inayos ang sarili at nagpatuloy sa ginagawa. Tumayo na si Zach sa pagkakaupo niya at pumasok na sa kaniyang kwarto. Kinuha ang laptop at sinearch muli ang pangalan ni Praise sa internet. Muling binasa ang mga nakasulat. Si Praise ay anak ng namatay na businessman at businesswoman. Walang kaalam-alam si Praise sa totoong dahilan ng pagkamatay ng kaniyang mga magulang dahil sa mga balita at sa mga ordinaryong source. Ang nakasulat sa mga ordinaryong balita ay nagkaroon lang ng chemical contamination sa building ng mga magulang niya na agad na nag cause ng sunog at kumitil sa mga ito. At ang balita na iyun ay naging dahilan kung bakit ipinasara ito at kalauna’y giniba din. Dahil may access si Zach sa deep web, nalalaman niya ang mga totoong nangyari na hindi pinapalabas sa mga ordinaryong website. “She would be heartbroken kapag nalaman niya ang totoong nangyari sa mga magulang niya.” ani ni Zach sa kaniyang sarili. Hindi alam ni Zach kung maaawa siya o pagdududahan niya si Praise, gayong kahit siya ay pinagtaguan ng karapatang malaman ang totoo. “Damn! I wish I could find such links sa kung sino ang totoong pumatay sa kababata ko.” sabi ni Zach at sinarado na niya ang laptop. Habang nagpapahinga ang tatlong magkakaibigan sa ilalim ng malaking puno, si Zach na kanina lang ay nasa kwarto, ngayon ay nasa harap na nila. “Come with me.” utos ni Zach kay Praise, “Sir, yes sir!” sagot naman ni Praise at mabilis na tumayo, “Balik ako mamaya ah!” wala ng paliwanag pa sa mga kaibigan niya at tuluyan ng sinundan si Zach sa sasakyan nito, “Yari sakin yang si Praise.” ani Lorie, “May utang siya sa ating kwento mamaya.” dugtong nito habang si Henry naman ay sinusundan lang ng tingin si Praise na kasalukuyan namang sumasakay na sa sasakyan ni Zach. “Saan tayo pupunta sir?” tanong ni Praise, “You’ll see.” tugon ni Zach, no clue has been spilled. Pinaandar na ni Zach ang sasakyan niya at lumabas ng kanilang baryo. Walang kaalam-alam si Praise sa kanilang pupuntahan at lalong hindi niya alam na pupunta pala sila sa dating kinatatayuan ng kumpanya ng mga magulang niya. Natulala si Praise. Bata man siya nung huli siyang makapunta sa lugar na iyun pero hinding hindi niya makakalimutan ito. Huminto si Zach sa harap ng lupa na iyun, nag-aantay ng sasabihin ni Praise, “Wala na pala yung dating nakatayong building dito noh sir.” napiyok pero nagpatuloy sa pagsasalita si Praise, pilit ang pag ngiti. “I searched about it. Kailan kailan lang din giniba.” tugon naman ni Zach, nakatingin sa mukha ni Praise, “Ahh..” napabuntong hininga si Praise, hindi nagpapahalata ng kalungkutan, “So, bakit tayo nandito sir?” Balik sa normal, masiglang boses at humarap kay Zach. “Someday, I'll buy this land. Tatayuan ko ng malaking building.” ayan ang lumabas sa bibig ni Zach kahit hindi niya naman talaga binabalak. Well, I guess balak na niya talaga ngayon. “Ahh ganun po ba. Sabagay, okay din yun para mabura yung lungkot sa lugar na yan.” Pilit parin ang ngiti sa mga labi ni Praise, “Anong ibig mong sabihin?” “Bali-balita kasi sir na—” napahinto si Praise sa pagsasalita. Alam niyang hindi niya mapigilan ang lungkot sa mga mata niya kaya umiwas siya ng tingin at ibinaling na lang ang mata sa bakanteng lote. “—na namatay daw sa mismong building yung mag-asawang may ari ng kumpanya na dating nakatayo dyan.” Nararamdaman ni Zach ang lungkot ni Praise. Hindi niya alam kung bakit parang nalulungkot din siya para sa babaeng kasama niya ngayon sa sasakyan. Nararamdaman niya ang lungkot nito. That's new. Lalo't sa tagal ng panahon, ngayon niya na lang ulit iyun naramdaman tapos sa babae pa na kaylan niya lang naman nakakasama. “Gusto mo ng ice cream?” Tanong ni Zach, inisip na makakatulong ito sa kalungkutan ni Praise. Napatingin naman si Praise sa kaniya sabay ngisi, “Si sir naman. Para naman akong bata niyan, pero sige. Sabi kasi ng mga nakakatanda, bawal tumanggi sa grasiya. Mabubulag ka.” At sumandal na si Praise sa kaniyang inuupuan. Si Zach naman ay napangisi bago pinaandar ang sasakyan. Sakto namang bibili na sila ng ice cream, tumunog naman ang phone ni Zach, “Hello?” ani niya ng sagutin ito, “Sure. I’ll be right there.” at binaba na din ito ni Zach. Matapos maka-order ng ice cream, kinuha na ni Praise ang para sa kaniya at si Zach naman ay nagmaneho na. “Bakit kaya tatlo yung Ice cream na binili niya?” tanong ni Praise sa kaniyang sarili. Hindi pa napapangalahati ni Praise ang ice cream, huminto naman si Zach sa isang gilid. Bumaba siya at sinalubong si Meg. Nang makita ito ni Praise, napakunot ang noo niya. “Ano ba yan!” ani niya na hindi narinig nila Meg dahil papasok pa lang ang mga ito. Binuksan ni Meg ang passenger door pero nagulat siya ng makita niya si Praise, “Oh!” napatingin si Meg kay Zach at wala siyang nagawa kung hindi ang isaradong muli ang pinto at pumasok sa back seat. “Wala ka bang dalang sasakyan?” tanong ni Zach kay Meg habang tinitignan si Meg at inaabot ang isa pang Ice cream. Si Meg naman ay nakatingin kay Praise habang kinukuha naman ang ice cream na inaabot ni Zach sa kaniya, “Hindi ko na dinala kasi sa naaalala kong Silverdale, hindi kasya yung mga sasakyan sa dinadaanan.” “Ah!” natawa si Zach, “Yeah! I remember that.” dugtong nito. Hindi man makasingit si Praise sa usapan, masaya pa rin siyang kinakain ang ice cream na binili ni Zach para sa kaniya. “At least, ako pa rin ang nasa passenger seat.” ani ni Praise sa kaniyang isipan. Muling bumalik sila Zach sa kaka diskubre pa lang nilang tambayan. Bumaba si Zach at pinagbuksan niya ng pinto si Meg. Si Praise naman ay binuksan ang sa kaniya dahil hindi siya pinagbuksan ni Zach. “Okay lang! May kamay naman ako.” Nagkekwentuhan at nagtatawanan lang si Zach at Meg sa isang parte ng field habang si Praise naman ay nakaupo lang sa isang gilid, malayo sa kanila ng bahagya, ineenjoy ang paligid. “Ang ganda pala dito kapag umaga.” pinagmamasdan ni Praise ang isang waterfalls, hindi kalayuan sa kanila. “Ayun lang nakakatakot dahil baka malaglag ka sa bangin lalo na kapag madilim tapos tatanga-tanga ka.” natawa ng mahina si Praise sa mga pumapasok sa utak niya. Ang falls ay halos walang tubig na umaagos kaya hindi ito rinig nung gabing nanduon sila ni Zach. Malilim ang lugar dahil sa mga punong nakatakip sa araw. Humiga si Praise at nagmuni-muni. “Kapag nagkasasakyan din ako, dadalhin ko sila Henry at Lorie sa lugar na ‘to. Paniguradong magugustuhan din nila dito kagaya ko.” It was barely an hour at nag-aya na agad si Meg na umalis kaya naman tinawag na rin ni Zach si Praise. “Ugh! Ayan na po.” sabi niya at tumayo na rin. Dahil tinted ang windshield at mga bintana ng sasakyan ni Zach, hindi nakita ni Praise na nakasakay na pala si Meg sa passenger seat kaya ng buksan niya ito, mabilis niya rin itong sinarado. Napa irap si Praise. “Psh! Pwesto ko yun e. Sabit na nga lang, nang-aagaw pa ng pwesto.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD