Chapter 16: Allergy

1621 Words
━━━━━━♡ Third Person’s POV ♡━━━━━━ “Malapit na rin ang pyesta dito noh!” ani ni Meg kay Zach, “Yup! And I’m hoping to see myself as the cover for your final product.” tugon naman ni Zach na ikinatawa ni Meg, “Of course! Paniguradong maraming magbabasa ng blog ko kapag nakita ka nila sa cover.” Zach and Meg laughed, “By the way, Zach! I’ve been meaning to ask you this,” “What is it?” nakangiting tanong ni Zach, “Kaya ka ba nandito dahil—” napahinto si Meg at tila naintindihan agad ni Zach ang gusto niyang ipahiwatig. Buti na lang at biglang lumitaw si Praise sa likod nila. Walang kaalam-alam ang dalawa na nakikinig si Praise sa likuran nila. “Sir! Pinapatawag ka po nila tita.” “Oh! Tell them I’m coming.” ani ni Zach kay Praise at nagpaalam na siya kay Meg, “Sorry! I have to go. We’ll catch up again next time.” at tumayo na si Zach upang pumasok. “Hindi ko alam na nandito pala sila mama.” ani ni Zach, Napakamot si Praise ng ulo, “Wala sir! Segway ko lang yun para hindi ka maipit sa tanong ni Ma’am Meg.” napatingin si Zach kay Praise bago mapangisi. “So, you’re eavesdropping?” “Eavesdropping? Hindi no. Malakas lang kayo magsalita. Tsaka, mas nauna ako sa pwesto na yun. Kasalanan ko po bang hindi kayo tumingin sa likod ng puno. Kung tutuusin nga sir, ako pa ang naistorbo e. Ganda-ganda na ng pagbabasa ko oh. Tsaka sir. I saved you sa tanong ni Ma’am Meg. Kung hindi dahil sa akin. Buking ka na.” “Okay! God! Ang dami mong sinabi.” hindi na napigilang matawa ng mahina ni Zach dahil sa kadaldalang taglay ni Praise, “But seriously tho, thank you. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Buti na lang at nandyan ka para mang tsismis.” natatawang sabi ni Zach, Nanlaki naman ang mata ni Praise, “Huy sir! Tsismis ka. Hindi ako tsismosa. Narinig ko lang talaga.” “Mhm! Bye!” at pumasok na si Zach sa kwarto niya. ━━━━━━♡ Praise’s POV ♡━━━━━━ Natawag pa akong tsismosa. Siya na nga lang ang tinulungan, nilait pa ako. Wow ha! Salamat! Bumalik na ako ng kusina. “Makapagluto na nga.” Binuksan ko ang fridge at tinignan ang mga pwede kong maluto. “Hala! May mga gulay pa pala dito.” Ito na nga lang ang lulutuin ko bago pa masira. Ang dami ng pechay. Saktong-sakto pang kare-kare. Nilabas ko na ang mga kailangan ko. Ang ribs ng baboy, pati na rin ang iba pang mga ingredients na kailangan ko. Malamang ay pinadala nanaman ng mga magulang ni Lorie ang mga gulay na to kila tita kaya ngayon ko lang nakita. Hay naku! Wala talagang makakatalo sa lugar na ito. Lahat ay nagtutulungan kahit na walang hinihinging kapalit. Hindi tulad sa lugar namin dati, mabait lang ang tao sayo kapag may pera ka. Habang nagluluto ako, muling lumabas si Zach. “Dagdagan mo na yang niluluto mo. May mga bisita akong darating.” utos niya kaya wala akong choice kung hindi ang sumunod. Malamang ay kasama nanaman yung Meg na yun. Bago pa ako makatapos magluto, narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng bahay. May boses ng mga kalalakihan at mayroon ding mga babae. Hindi lang isa. Basta, marami sila. “Bro! Tagal na nating magkakaibigan, ngayon lang kami nakapunta dito? Grabe ka! Bakit mo naman ginate keep ‘tong sariwang hangin na ‘to.” rinig kong sabi ng isang lalaki. “Oo nga! Pwede ba kaming mag stay dito?” sabi pa ng isa, Hindi na ako nakinig sa usapan nila at nag focus na lang ako sa niluluto ko. Matatapos ko na rin kasi at titimplahan ko na lang. “Ang bango naman nun!” sabi ng isa. Babae ang boses nito pero hindi si Meg. So Sobrang curious ko, nakuha kong sumilip ng mabilisan. Wow! Mukhang ang yayaman ng mga bisita ni sir ah. Kumuha na ako ng pagkain ko at inilagay sa kwarto bago ako naghain ng para sa kanila. “Sir! Kain na po kayo.” sabi ko sa kaniya, “Ahhh! Kaya naman pala!!” ani ng isang lalaki nung makita ako at sabay-sabay silang nagtawanan. Nakangiti akong tinalikuran sila. Kaya pala ano? Pumasok na ako sa kwarto ko at nagsimula ng kumain. “MMHHH! Ang sarap ko talagang magluto.” Habang payapa akong kumakain, narinig kong para bang may nagkakagulo sa labas kaya naman dali-dali akong lumabas. Nagkukumpulan sila kay sir Zach habang ang isang babae naman ay may tinuturok sa kaniya, “Anong ginagawa nyo kay sir?” mariin kong sabi at mabilis silang tinulak para mabigyan ako ng way makapunta sa kaniya, “Hindi mo ba alam na allergic yung amo mo sa mani?” What the? Allergic si Sir sa mani? Ang dami ko pa namang nilagay na dinurog na mani sa ulam. “Anong klase kang katulong?” sigaw ulit ng isa pang babae. “What the f**k is wrong with you? Papatayin mo ba ako?” Mangiyak-ngiyak ako ng sabihin sa akin ni Sir Zach yun. Hindi ko naman alam e. Tsaka, kare-kare yan, malamang ay may mani yan. Paanong hindi nila alam yun? “Sorry po sir.” at inabot ko sa kaniya ang tubig na tinabig niya naman kaya natapon. “Hindi ko kailangan niyan.” sabi niya, ang mukha niya ay sobrang namumula at may maliliit din na pantal sa leeg. Tumayo na si sir Zach at tinalikuran ang hapag kainan. “Sa iba na lang tayo kumain. Yung hindi sana bobo yung nagluto.” sabi nung isang lalaki at lumabas na sila ng pinto. Sobra akong nanlambot. Hindi ko pa nga talaga kilala si sir. Grabe pala talaga siyang magalit. Ipapahiya ka niya sa ibang tao. Habang nililinis ko ang natapong tubig sa sahig, hindi na napigilang pumatak ng mga luha ko na mabilis ko rin namang pinunasan at nagpigil sa pag-iyak. Pupunta pa dito sila Henry, ayokong pumangit. Mabilis ko na lang nilinis ang hapag kainan at mabilis ding bumalik ng kwarto. Ngayon lang ako napahiya sa harap ng ibang tao. Masakit pala sa dibdib. Tinititigan ko lang ang pagkain sa plato ko. Nawalan kasi ako ng ganang kumain. Napabuntong hininga ako bago ko kinuha ang plato at inilabas. Baka maya-maya lang ay bumalik na rin sila sir. Kailangan ko nang umalis kahit mamaya pa kami magkikita nila Lorie. Kumuha ako ng dalawang maliit na tupperware at nilagyan ito ng kanin at ulam. Lumabas na ako at dumiretso sa bahay nila mang Anton. Kumatok ako. “Tao po.” at saglit pa ay pinag buksan din ako ng pinto ni Mang Anton. “Oh iha! Anong ginagawa mo dito?” tanong niya at iniangat ko ang dala kong pagkain. “Naku! Nag-abala ka pa. Tara at pumasok ka muna.” Dahil maliit lang naman ang bahay nila mang Anton, kita ko na agad kung saan nakalagay ang mga kasangkapan niya. Naghain na ako at nagsimula ng kumain si Mang Anton, “Ikaw ba iha? Hindi ka ba kakain?” tanong niya sa akin, “Ang sarap pa naman ng niluto mo.” Nginitian ko siya, “Kumain na po ako e. Pero huwag ka pong mag-alala, sa susunod po, sasabay na lang din akong kumain sa inyo.” sabi ko kahit na kumikirot ang dibdib ko dahil hindi ko makalimutan ang nangyari sa bahay. “Alam mo po mang Anton, mas mabuti po siguro na maglabas-labas kayo para po hindi ka po manghina.” sabi ko sa kaniya, “Hindi pa naman ako mahina ah!” natawa siya, “Tsaka, okay naman ako dito sa bahay. Nanunuod-nuod lang at basa-basa din paminsan.” dugtong niya pa, “Tsaka iha, lumalabas-labas din naman ako paminsan, Kaso mabilis lang mapagod.” Marami din kaming napagusapan kaso kinailangan ko na ring magpaalam dahil magkikita-kita pa kami nila Lorie. Hinugasan ko na rin ang pinagkainan niya, pati na rin ang mga tupperware para itataob ko na lang sa bahay. “Una na ho ako mang Anton.” paalam ko sa kaniya at umalis na rin ako. Malayo pa lang ako, tanaw ko na ang mga sasakyan na nasa labas ng gate nila tita. Andito na pala sila. Dahil dun, sa likod ng bahay na lang ako dumaan para hindi nila ako makita. Binilisan ko lang at lumabas na din agad ako. Sakto naman, narinig ko na ang kolong ni Henry kaya mabilis akong naglakad patungo sa kanila. “Tara na!” nagmamadali kong sabi, “Kaninong mga sasakyan ‘to? Ang gaganda ah!” usisa ni Henry, “Mamaya ko na ikwento sa inyo. Tara na muna.” ulit kong sabi kaya naman pinaandar na ni Henry ang kolong niya. “Ano bang problema? Bakit madaling madali ka?” tanong sa akin ni Lorie, “Oo nga! Sayang naman at hindi ko na enjoy tignan yung mga sasakyan dun sa labas ng bahay nyo. Ang yaman talaga nila no. Kahit mga bisita mayayaman din.” nakangiting sabi ni Henry na in-agree-han naman ni Lorie, “May pogi ba? O lahat sila pogi?” kinikilig na tanong ni Lorie, “Hindi ko na napansin.” tugon ko, “Basta ang alam ko, lahat sila may attitude.” simpleng sagot ko at hindi ko na pinansin ang mga iba pa nilang sinabi. Ayokong mabadtrip lalo na at kailangan naming humarap sa maraming tao. Tsaka, ayoko ding umiyak noh. Katulad nga ng sinabi ko kanina, nakakapangit yun. Nagmuni-muni na lang ako hanggang makarating kami sa baranggay upang tumulong sa pa feeding program sa mga public school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD