Chapter 17: May taas na 5'9 to 5'11

1585 Words
━━━━━━♡ Third Person’s POV ♡━━━━━━ Habang mag-isa si Zach sa bahay, muli niyang tinignan ang mga litratong nakuha niya sa internet. He was looking at some pictures na nahagip ang kaibigan niya when suddenly, may napansin si Zach na nahagip din ng camera. Isang lalaking naka hoodie ng itim. Nakatayo sa isang sulok at nakatingin sa direksyon nilang dalawa. Sa litrato, hindi suot ng taong iyun ang hood kaya mas naging malinaw kay Zach na lalaki ang pumatay sa kababata niya. Ang buhok ay itim pero blur ang mukha dahil sa kalumaan na rin ng litrato. Para kay Zach, enough na iyun para magpatuloy sa next step. Crinop ni Zach ang litrato at ini-enhance ito. Thou, hindi gaanong kita ang mukha pero at least ay may maikukumpara na siya. Prinint niya ang litrato sa printer ng kaniyang ama na nasa loob ng kwarto ng mga ito. “Finally!” Lumabas si Zach upang antayin ang pagdating ni Praise, pero madilim na ang paligid ng makabalik ito ng bahay. “Praise. May ipapakita ako sayo.” nilapitan ni Zach si Praise ngunit hindi siya pinansin nito at dinaanan lang siya. Kita sa mukha ni Zach ang pagkalito habang sa mukha naman ni Praise ay bakas ang pagkapagod. Sinundan ni Zach si Praise sa loob ng bahay pero si Praise ay nagdire-diretso naman sa kwarto niya. “Akala niya papansinin ko siya? Pagtapos ng pagpapahiya niya sa akin kanina?” Kumuha si Praise ng damit niya at kinuha na din ang tuwalya bago muling lumabas at pumasok sa banyo. Pagtapos maligo ni Praise, pinalupot niya sa katawan niya ang tuwalya at bumalik na ng kwarto niya. Pagpasok niya ng kwarto, hindi niya napansin na nakaupo pala si Zach sa sopa na nasa gilid ng kama niya. She wasn’t paying attention and accidentally flashed Zach by taking off the towel. “Ehem!” pagpaparinig ni Zach habang nakaiwas ng tingin. “Ay Ehem!” ani ni Praise at napasigaw ito ng makita si Zach. “SIR!” muling kinuha ang tuwalya at itinakip sa kaniyang katawan. “SIR! ANONG GINAGAWA MO DITO?” rinig sa boses ni Praise na naiinis siya. ━━━━━━♡ Praise’s POV ♡━━━━━━ “It’s not my fault na bigla ka na lang naghuhubad ng hindi tumitingin sa paligid mo.” ay! Siraulo ata ‘tong lalaking ‘to! “Kwarto ko to. Malamang iisipin kong walang tao dito kung hindi ako lang. Ano ba kasing ginagawa mo dito? Ano? Wala ng privacy? O baka kaya hindi rin tumatak sa utak mo yun nung tinuturo sayo?” sa sobrang inis ko, hindi ko na napigilin ang bunganga kong matabil, “Bakit ka ba nagagalit? Hindi ba’t ikaw ang nauna? You saw my body aswell without my permission.” humupa ang inis ko. Shemay! Oo nga pala. Napakamot na lang ako dahil, ano pa nga bang masasabi ko. “Huwag kang titingin. Magbibihis lang ako saglit.” mabilis na akong nagbihis. “Sa susunod huwag kang pasok ng pasok sa kwarto ko.” “Tsk! Buti ka nga nung nakita mo yung katawan ko, nabusog yang mata mo. Ako para lang akong nakakita ng pader na may hugis.” seryosong sabi ni Zach kaya napatingin ako sa kaniya, “Nanglalait ka ba?” at nag kibit balikat lang siya. Siraulo ‘to ah! Ano naman kung flat ako? At least, maganda ang hugis ng katawan ko. Tsaka, bawi naman ako sa busog kong pwet. Che! “Bakit ka ba nandito?” tanong kong muli sa kaniya ng makapagbihis na ako, “Pwede na ba akong tumingin?” tanong niya na sinagot ko naman ng “Oo” Inangat niya ang hawak niyang litrato. “This is the guy we need. Siya yung nakita ko sa labas ng bintana ko. Ito lang ang nagiisang picture na nakita ko.” Lumapit ako at tinignan ang pinupunto ng daliri niya. Malabo ang litrato pero kita mo na lalaki ang nasa picture. Pinagmasdan ko ang litrato at kitang-kita na hindi niya inaalis ang tingin niya kila Zach. Isang tingin pa lang, halata mo na na may masamang balak ‘tong lalaki na ‘to. Sa mga oras na ito, duon ko lang na-realized na hindi pala madali itong pinasok ko. Bakit ba kasi padalos-dalos ka sa pagdedesisyon. Jusko naman Praise. “Now! Kung titignan mo ng mabuti ang picture, nakatayo siya sa tabi ng isang puno. From that, pwede nating malaman yung height niya.” ani niya sa akin, “Pero marami ng naputol na mga puno dahil tinayuan na ng mga building.” sabi ko naman. “Hindi ba parang mahihirapan tayo hanapin yan?” dugtong ko, Tinignan niya ako at muling binalik ang tingin sa mga litrato. “Hindi natin malalaman kung hindi muna natin pupuntahan.” Suhestiyon niya, “Prepare for tomorrow. Mas maaga, mas maganda. Less people around, mas mabilis nating matutunton ang lugar.” Tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Galit dapat ako sa kaniya e. Anong nangyari? Hay naku! Napapakamot na lang talaga ako ng ulo. Makatulog na nga lang. Bahala na bukas. Nagising ako sa katok. “Ahh! Ang sakit ng ulo ko.” napahawak ako sa ulo ko. Madilim pa sa labas kaya tinignan ko ang oras sa phone ko. Alas-singko pa lang ng umaga ah. Bakit may kumakatok na sa pinto ko. Sinundan pa ulit ng mahihinang katok. “Ayan na!” at bumangon na ako upang buksan ang pinto. Sa pagbukas ko ng pinto, bumungad nanaman sa mukha ko si Zach. Napa-irap na lang ako sa inis. “Ano nanamang kailangan mo? Ang aga aga pa oh! Hindi pa nga nagpapakita ang araw.” pagsusungit ko. Sino ba naman kasi ang matinong manggigising ng ganitong oras. At tsaka, pagod ako. Sobrang kulang ako sa tulog. “You insisted to help, didn’t you? Now wake your ass up and let’s begin the investigation.” tinalikuran na niya ako at napa-padyak na lang ako sa sobrang inis. “Natutulog yung tao e.” Nang makapag-ayos ako, sumunod na rin ako sa labas. Naka-sandal siya sa sasakyan at naninigarilyo. “Ang aga niyan ah!” sabi ko sa kaniya pero tinignan niya lang ako at tinapon na sa sahig ang upos. “Hindi nga tapunan yan.” pagsusungit ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at pumasok lang siya sa sasakyan. Nang makarating kami sa lugar kung saan nakuhanan ang litrato, mabilis kaming bumaba. Marami pa rin naman ang puno pero hindi ko alam kung saan kami magsisimula kaya sinundan ko na lang siya. Tinignan niya ang litrato. “Hindi ko na maalala ang eksaktong lugar lalo na at dati lang tong isang malaking bakante na bukid. It’s so different now and then.” naiintindihan ko ang sinasabi niya dahil ayun din talaga ang naalala ko nung una akong mapunta sa lugar na ito. Kagaya nga ng sinabi ko kanina, mahihirapan siyang hanapin ang eksaktong lugar lalo na at marami na rin ang punong naputol dito. “May iba ka pa bang litrato dyan?” tanong ko sa kaniya at mabilis niya namang kinuha ang phone niya, “Here!” at binigay niya sa akin ang phone. Nagbabakasakali lang ako na nahagip pa ang lalaki sa ibang litrato kaso nakailang ulit ako pero wala e. “Oh s**t!” wika ni Zach at agad kinuha ang phone niya. “Here!” ani niya at pinakita sa akin ang isang litrato. “Ano? Anong gagawin ko dyan?” tanong ko sa kaniya dahil wala naman akong nakitang kakaiba at lalong wala din naman ang lalaking hinahanap niya sa litratong pinapakita niya sa akin. “No! Look! Dito nakatayo yung lalaki.” zi-noom in ni Zach ang litrato sa phone niya, “Oo nga noh! Tapos may katabing sign.” napapatango si Zach. “Alam ko kung nasaan ang sign na yan. Ang galing mo ah.” nagsimula na akong maglakad. Alam na alam ko ang lugar na yan dahil malapit lang yan sa kainan nila Henry. “Ito!” kinuha ko ulit ang cellphone at izinoom in sa sign. “Kita mo? AG street.” sabi ko sa kaniya. Nilapitan niya ang poste. “So, kung ikukumpara ko ang dalawang litrato, the guy was about 5’9 to 5’11 inches tall” sabi sa akin ni Zach. Akala ko ay mahihirapan siyang kalkulahin ang height nung nasa litrato dahil wala na ang puno, pero infairness, magaling siya sa math. “Si Henry 5’11” sabi ko at napatingin sa akin si Zach, “Oh! Hindi ko sinasabing si Zach yung lalaki ah!” “Alam ko! That time, he must be my height.” “Tama! Ibig ko lang sabihin, pwede natin gamitin yung height ni Henry para may reference tayo kung gaano kataas ang 5’11” sabi kong muli. “No need! Wala nang dapat pang makaalam ng mga plano ko. You are enough! Besides, I’m 6’3. I just need to find someone na hindi gaanong nalalayo sa height ko and yung may nunal sa kilay.” Sumakay na kami ng sasakyan. “Ano na ngayon?” tanong ko. “We’ll wait hanggang sa magsigisingan ang mga tao dito.” sabi niya. “Okay! Panigurado niyan, maya-maya lang ay may magbubukas na sa palengke at may mga mamimili na rin.” sabi ko naman. Habang nag-aantay kami, hindi ko na napansin na nakapikit na pala si Zach. “Ay wow! So ano? Ako na lang ang titingin?” Ano ba yan! Gigising ng sobrang aga tapos sa huli, siya din pala ang bibigay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD