Chapter 18: "over my dead sexy body"

1525 Words
━━━━━━♡ Third Person’s POV ♡━━━━━━ Habang ang araw ay unti-unting sumiklab sa kalangitan si Praise ay masuyong nagmamasid sa paligid, habang si Zach naman ay patuloy na natutulog. Habang nagmamasid si Praise, bigla siyang may naalala kaya ginising niya si Zach, “Shemay ka!” ani nito at nagulat naman si Zach, “What?” mariin niyang tanong, “Kailangan na nating bumalik sa bahay. Kailangan ko ng magluto ng agahan nila tita.” Tuluyan nang nagising si Zach, “No need! Pinaalam na kita ng isang buwan kaya huwag kang mag-alala.” “Isang buwan?” ani ni Praise. “Wow! Ang galing mo ah! Ayos yun. Mas makakapag focus tayo.” dugtong ni Praise at nagpatuloy na ulit sa pagmamasid. Besides, magiging off din ni Praise ‘to sa mga gawaing bahay. “Nakatulog pala ako.” Said Zach, “Anyway, may nakita ka ba na sakto sa description ng hinahanap natin?” dugtong nito, Umiling si Praise, “Pero maraming matatangkad na dumaan.” sagot naman ni Praise, “Okay! Mag-antay pa tayo ng saglit at pagwala pa, lumipat na tayo ng pwesto.” Zach and Praise was eager to find someone that fits the description of who they’re looking for. Ilang beses na rin silang nagpalipat-lipat ng pwesto pero wala pa rin silang nakikitang pwedeng maging suspect sa pagkamatay ng childhood bestfriend ni Zach. Natapos ang araw ng wala silang napala kung hindi ang pagod lang. Sa mga sumunod na araw, walang nagbago sa ginagawa nila. Ang mag masid sa iba’t ibang parte ng baryo. “Sir, wala talaga e.” sabi ni Praise, halata na ang pagkaburyo sa ginagawa nila, “Tatlong araw na nating ginagawa ‘to. Paulit-ulit na lang.” Napatingin sa kaniya si Zach, “Kung napapagod ka na, bumaba ka na ng sasakyan hanggat malapit pa tayo.” mariin at seryosong sinabi ni Zach kaya napakamot naman ng ulo si Praise na kasalukuyang nakaupo sa passenger seat. “Hindi naman iyun ang ibig kong sabihin.” Gumilid si Praise ng upo at ngayon ay nakaharap na siya kay Zach. “Ang akin lang, paulit-ulit na lang yung ginagawa natin. Bakit hindi natin baguhin ng kaunti. Tsaka diba sir naka ilang ikot na tayo. Maraming 5’9-5’11 ang nakikita natin pero walang may nunal sa mukha.” “Okay, I’m listening.” ani ni Zach ng hindi tinatanggal ang tingin sa kalsada, “Yung nunal sa kilay? Parang deliks na tayo dun eh.” sabi ni Praise, “Isipin mo sir, sa panahon ngayon, ang dami ng nagbago. Advance na ang teknolohiya. Pwedeng nagpatanggal na yun ng nunal.” Inihinto ni Zach ang pagpapatakbo ng sasakyan at itinigil sa isang gilid ng kalsada. “So, what are you suggesting?” kita sa mukha ni Zach ang pagka interesado sa pinapatunguhan ng mga sinasabi ni Praise, “I’m suggesting na huwag tayo mag focus sa nunal lang sa mukha. Hindi natin alam na sa pag fo-focus natin sa detalyeng yun, nalalagpasan na pala natin ang hinahanap mo.” Napaisip si Zach sa sinabi ni Praise. Tama nga naman ito. Baka nga nararapat nilang baguhin ang kanilang approach sa paghahanap. "Tama ka," sagot ni Zach habang pinag-iisipan ang mga sinabi ni Praise. "Kailangan nating maging mas flexible sa pagtingin sa mga detalye. Baka nga nakakalampas na tayo sa tamang tao." Nagkasundo silang baguhin ang kanilang diskarte. Simula noon, hindi na lang sila nakatuon sa mga detalyadong pisikal na katangian ng kanilang hinahanap. Sa halip, nagsimula silang magbigay-pansin sa iba't ibang aspeto ng mga tao sa paligid, tulad ng kilos ng mga taong kanilang pinagtutuunan ng pansin. “So, ito ang mga nahanap nating lead.” inilapag ni Zach ang mga papel na may detalye ng mga suspektido nilang mga tao. Kinuha ni Praise ang mga papel sa study table niya upang tignan isa-isa. “Wow ah! Ang galing mo naman sa mga ganto. Pano mo nakuha yung mga details nila ng hindi mo naman sila nakakausap?” “Just a talent.” Palusot naman si Zach, “Uy… Tinatawag mo akong stalker pero ikaw naman pala talaga yung totoong stalker.” tinaasan ni Zach ng dalawang kilay niya si Praise pero hindi na niya pinaglaban ang side niya dahil ayaw niyang may maungkat pa na iba. “Huy! Bakit naman pati si Henry sinama mo dito?” gulat na tanong ni Praise, “Look! It’s not like that. Sinama ko siya dahil pwedeng suspect din ang ama niya.” Binitawan ni Praise ang iba pang mga papel at iniwan na lang sa kamay niya ang kay Henry at pinilas-pilas ito sa harap ni Zach, “Hindi ‘to pwedeng makita ni Henry. Ayokong kung anong isipin niya.” napailing na lang si Zach, “Alright! Whatever!” dahil dito, napaisip nanaman si Zach kung may kinalaman ba si Praise. Ano ang totoong rason kung bakit pinunit niya ang papel na may lamang detalye ni Henry. Pinagtatakpan niya ba ito. “Huwag mo kong titigan ng ganyan. Pinoprotektahan ko lang ang pagkakaibigan namin nila Henry. Ayokong mangyaring dahil sa pagtulong ko sa kaso mo, magkakawatak-watak kaming magkakaibigan. Over my dead sexy body.” Habang nasa loob sila ng kwarto, may biglang kumatok sa bintana ni Praise. Dahil dito, mabilis na kinuha nila Praise ang mga papel at mabilis na itinago sa drawer ng desk. Hinawi ni Praise ang kurtina at bumungad sa kanila sina Henry at Lorie. Binuksan ni Praise ang bintana niya, “Gurl! Anyare sayo? Hindi ka na namin nakikita. Sabi samin ni Mayor nung hinahanap ka namin kahapon, kasama ka daw ni—” napahinto si Lorie sa pagsasalita ng mapansin niya ang lalaking nasa kama ni Praise, “—sir Zach.” tuloy niya, Kita sa mukha ni Lorie at Henry ang pagtataka. “Gurl! What is the meaning of this?” nakataas ang kilay ni Lorie. Si Praise naman ay hindi agad nakapagsalita, “Tsk! Saglit nga lang! lalabas ako dyan.” sabi ni Praise at mabilis na sinarado ang bintana at binaba ang kurtina. “Sir Zach naman! Bakit naman humiga ka pa sa kama ko.” at si Zach ay nag kibit balikat lang. Mabilis na lumabas si Praise upang puntahan ang mga kaibigan niya at magpaliwanag ng maayos. Pagkalabas ni Praise, agad siyang sumalubong sa kaniyang mga kaibigan na naghihintay naman sa labas ng bahay. “Guys, sorry sa gulat kanina. Ipapaliwanag ko na lang sa inyo,” sambit niya habang hinahabol ang hininga. “Ano ba ‘yan, bakit kasama mo si Sir Zach sa kwarto mo?” tanong ni Lorie, tila hindi pa rin makapaniwala sa nakita. Si Henry naman ay nakahalukipkip, kagaya ni Lorie ay nag-aantay din ng kasagutan. Alam ni Praise na hindi niya pwedeng sabihin ang totoo kaya nagawa niyang magsinungaling sa mga kaibigan niya, “May pinapagawa kasi sa amin si Mayor pero hindi ko pwedeng sabihin sa inyo kasi confidential.” “Ahhh!! Jusko! Akala naman namin ay kung ano na. Mas okay na na nagkakaunawaan tayo.” ipinalupot ni Lorie ang kamay niya sa braso ni Praise at isinandal ang ulo sa balikat nito. “Pero alam mo, iba yung gusto kong marinig. Sayang naman! Bagay pa naman kayo.” nanghihinayang na sinabi ni Lorie, Si Henry naman ay nakikisabay lang pero may iba siyang naaamoy. Hindi siya naniniwala sa palusot ni Praise. Alam niyang may tinatago aang mga ito. “Ikaw talaga Lorie, kung ano-anong sinasabi mo.” napapangising sabi naman ni Praise. “Bakit nyo nga pala ako hinahanap?” tanong ni Praise, “Kasi kahapon, nakita namin si Aling Pres tapos hinahanap ka niya kasi namimiss ka na daw ni Carl.” Lorie said, Sakto namang lumabas si Zach at narinig ito, “Who’s Carl. This is not the first time I’ve heard that name.” Nagulat naman sila Praise at napatingin sa pinanggalingan ng boses. “Hi sir, Zach!” malambing na bati ni Lorie, “Hi Zach!” nagulat sina Lorie dahil Zach lang ang itinawag nito sa lalaki. Tinignan ni Lorie ng masama si Henry, “Anong nakain mo at hindi mo na ginagalang si SIR Zach huh?” Hindi natinag si Henry at nakahalukipkip pa rin kaya hinila na siya ni Lorie palayo, “Hehe! Sige sir, Praise, una na kami dahil parang gutom ‘tong si Henry.” Naiwan na lang si Praise at Zach na nakatayo sa harapan ng bahay, “So, tell me. Who’s Carl?” “Wala yun sir. Tara na para mapabilis ang paghahanap natin.” Habang nasa loob sila ng kwarto ni Praise, hindi makapagfocus ng maayos si Zach. Hindi niya maiwasang mapaisip kung sino ang Carl na iyun. “Praise,” tawag ni Zach, “I have to go. Mamaya na lang ulit.” at lumabas na ito para pumasok sa kwarto niya. Binuksan ni Zach ang laptop niya at sinearch ang pangalan ni Carl. “Bakit walang lumalabas?” wika ni Zach na paulit-ulit na sinesearch ang pangalan na iyun. May mga lumalabas naman pero malayo sa baryo. “Who are you, Carl?” napasandal na lang si Zach habang iniisip ang mga posibilidad sa pagkatao ng Carl na iyun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD