━━━━━━♡ Third Person’s POV ♡━━━━━━
Lumulubog na ang araw at sa paglilikom ni Zach ng mga detalye patungkol sa mga suspects, si Praise naman ay tila nakakatulog na sa kakaantay kay Zach.
Sa mga nalikom ni Zach na mga detalye patungkol sa mga nakaraan ng suspects, marami siyang natanggal na mga tao. Tinanggal niya ang mga may malilinis na background at ang dating labing-tatlong suspecs ay bumagsak na lang sa lima.
Sa limang natira, may hindi mabitawan si Zach. Ang pangalan ni mang Anton. Ang ama ng kababata niya.
Hindi makapaniwala si Zach na sa dinami-rami ng mga taong maaari niyang maging suspects, nakasama pa ito.
“I’ll have to start with you to clear my mind.” sabi ni Zach,
Kinatok niya ang pinto ni Praise ngunit dahil hindi na ito nagbukas ng pinto, pinagpabukas na lang niya ang lahat.
Pag-gising ni Zach, nag-ayos na agad siya at hindi na niya naisip pang isama si Praise. Sumisilip pa lang ang araw at may mga tao na rin sa labas.
Ang kauna-unahang pinuntahan ni Zach ay ang harap ng bahay ni Mang Anton. Kakatok na sana siya ng bigla niyang maalala ang kababata niyang si Justin.
Ang mga masasayang memorya nilang magkasama ay naglalaro sa kaniyang utak. Dahil dito, hindi niya magawang kumatok at lalong lalo na ang pumasok sa bahay nito.
“This is wrong. Hindi kayang gawin ni Uncle yun sa anak niya. Sinong ama ang kayang gawin yun sa anak niya.” napa-atras si Zach at mabilis na tumalikod.
Habang naglalakad siya palayo, bigla namang may tumawag sa pangalan niya, “Zach, Iho!” kaya napatalikod siya,
“Uncle! Ang aga nyo naman po ngayon.” sabi ni Zach at walang nagawa kung hindi ang lumapit.
“Kamamatayan ngayon ng Auntie mo. Pupunta ako sa puntod niya. Ikaw? Bakit naparaan ka?” tanong naman nito,
“Gusto ko lang po sana kayong dalawin. Sakto po at gising ka na. Gusto nyo po bang samahan ko kayo sa puntod ni Auntie?” ayan na lang ang naging alibi ni Zach.
Sa ganitong paraan, magagawa din ni Zach ang totoo niyang tinukoy ng hindi mahahalata ni Mang Anton.
Habang naglalakad sila patungo sa sementeryo, si Mang Anton ay hindi mapigilang mag kwento patungkol sa masasayang ala-ala niya kasama ang kaniyang asawa.
“Alam mo ba, kami ng Auntie mo dati, lagi kaming gumigising ng maaga para tumulong sa baranggay hanggang sa kinuha nila kami bilang taga linis dun. Tumutulong din kami sa community cleaning sa buong baryo at dahil dun, unti-unti kaming nagkakilala ng Auntie mo hanggang sa niligawan ko siya at sinagot niya ako.
Sobrang saya namin nun. Naalala ko, dahil dun, nakilala namin ang mga magulang mo at naging magkakasundo kami.” natatawa-tawa niyang sabi pero kita sa mga mata nito ang lungkot.
Habang patuloy si Mang Anton sa pagke-kwento, sinasabayan niya ito ng unti-unting pamimitas ng mga halaman at bulaklak sa mga nadadaanan nila at iniipon ito sa kaniyang kamay.
Nang makarating sila sa puntod, ibinaba muna ni Anton ang mga naipon niyang bulaklak sa sahig at unti-unting tinanggal ang mga d**o at mga ligaw na halaman na pumaibabaw na sa libingan ng pamilya niya. Tumulong na din si Zach kaya mas mabilis nilang nalinis iyun at si Anton ay muling kinuha ang mga naipong bulaklak. Hinati ito sa dalawa at nilagyan ang parehas na puntod ng asawa niya at ng anak niya.
“Hay naku kayo. Kailan nyo ba ako kukuhanin?” mahinang sabi ni Anton habang nakatingin sa mga lapida ng mga mahal niya sa buhay.
Si Zach, nakatitig sa puntod ng bestfriend niya, “I’ll get the justice you deserve.” ani niya sa kaniyang isipan.
Habang nakaupo sila sa tabi ng mga puntod, hindi magawang magtanong ni Zach ng mga gusto niyang itanong kay Anton. Gusto niyang malaman kung bakit niya nagawang gumamit ng mga pinagbabawal na gamot dati at kung may kinalaman ba siya sa pagkamatay ng anak niya.
“Alam mo ba Iho, nung namatay ang Auntie mo, napasok ako sa isang iligal na gawain na sobra kong pinagsisisihan.” Napangisi si Zach, naisip na hindi na niya pala kailangang tanungin pa ito dahil kusa na nitong inaamin sa kaniya.
“Huwag na sana makalabas pa ‘to dahil matagal ko na rin namang inihinto. Sayo ko lang to sinasabi dahil may tiwala ako sayo.” dugtong pa ni Mang Anton. “Nagawa ko lang din yun dahil gusto kong patayin yung lungkot na nararamdaman ko at nakuha ko yun nung unang beses kong matikman ang droga.”
“Umuuwi ako sa bahay ng wala ako sa katinuan. Nung una ay nakokontrol ko pa ang paggamit ko hanggang sa napansin kong parang nilalamon na ako ng droga. Unti-unti nang nagbabago yung ugali ko. Natauhan ako ng minsan kong masaktan si Justin. Kahit na nawawala yung lungkot ko sa tuwing nakakagamit ako ng droga, pinagsawalang bahala ko yun. Nahirapan man akong huminto pero kinaya ko para sa anak ko. Kaso kinuha rin agad siya sa akin.” hindi na napigilan ni Mang Anton na maluha,
“May nakagalit po ba kayo o si Justin na satingin nyo po ay nagkaroon ng intensyon na patayin kahit isa sa inyo?” pagtatanong ni Zach kay Anton.
Pinunasan ni Anton ang mga luhang bumagsak sa pisngi niya, “Wala Iho. Pero pinagbantaan ako ng grupo ng mga drug addict nung humiwalay at huminto na akong gumamit na kapag pinagkalat ko daw ang grupong ‘yun, ipapapatay niya daw ako. Pero hindi ko naman pinagkalat kaya imposibleng sila ang pumatay. At saka, kung sakali ay ako ang papatayin nila at hindi ang anak ko.”
Hindi makapaniwala si Zach sa mga narinig niya. “Ibig nyo po bang sabihin na may chance na sila ang pumatay?”
“Nung una pero isa sila sa mga tumulong nung namatay yung anak ko. Kinausap pa ako ng lider ng grupo at sinigurado niyang maaasahan ko siya kung magkakaroon pa man ulit ng problema. Pero hindi na ako lumapit pa sa kahit na sino sa kanila matapos ang libing ni Justin.”
Gusto man tanungin ni Zach ang pangalan ng drug cartel na tinutukoy ng uncle niya, pero mas inisip niya na huwag na lang dahil ayaw niyang mapahamak o madamay pa ito sa plano niya.
Inihatid na ni Zach si Anton sa bahay nito, “Salamat sa pagsama at sa pakikinig sa akin iho.”
“Walang anuman ho. Pahinga ka na po dyan. Balik na lang po ulit ako.”
Nang maka balik na si Zach sa bahay, naisipan niya agad na pumasok sa kwarto ngunit bago pa siya makapasok, hinarang na siya ni Praise, “What are you doing?” inis na tanong ni Zach kay Praise,
“Bakit hindi mo ako sinama aber?” tanong naman ni Praise habang ang katawan niya ay nakaharang sa pinto ng kwarto ni Zach,
Napailing si Zach at pwersahang tinanggal si Praise sa pinto niya. “Not today! I have a lot in my mind.” wika ni Zach habang binubuksan ang pinto niya at sinarado ito bago pa muling makapagsalita si Praise.
Muling binuksan ni Zach ang laptop niya. Binuksan ang isang deep web at duon hinanap ang mga sinabi ni Mang anton sa kaniya.
Dahil sa taglay ni Zach na husay sa mga ganitong bagay, mabilis niya lang nahanap ang drug cartel na tinutukoy ni Mang Anton.
Inaral niya ang buong lugar ng cartel. Isang warehouse na nakapwesto sa labas ng Silverdale. Lahat ng member ng drug cartel na iyun ay nakasulat. Nakalagay din dito na Labing-walo ang nakapaloob sa cartel na ito. Ang pinagtataka lang ni Zach ay nung bilangin niya ito, labing pito lang ang nakasulat dito.
It’s either may natanggal sa kanila or may tinatago silang isang tao. “This time, I have to go solo.” ayan na lang ang nasabi ni Zach.
Matapos aralin ni Zach ang bawat detalye ng Cartel. Inihanda na niya ang mga kailangan niyang dalhin bago tuluyang puntahan ang warehouse. “Is this it? Makukuha na ba ni Justin ang Justice? I really hope so.” Mahinang wika ni Zach.
Nilagay na ni Zach ang exact location ng cartel sa phone niya at lumabas na ng bahay.
Meanwhile, si Praise ay nasa labas ng bahay, sinisiguradong hindi na siya muling maiiwan ni Zach. “Saan ang punta natin?” tanong nito ng makita si Zach na patungo sa sasakyan nito.
“It’s none of your business this time. Kailangan kong gawin ‘to ng mag-isa. This is a serious matter at pwede kang masaktan dito. I’m prepared at sanay na ako sa mga ganito kaya don’t worry about me and never tell anyone.”
“Here!” binigay ni Zach ang contact details niya kay Praise. “Watch over Uncle Anton.” dugtong niyang ani, “Kontakin mo ako kapag may napansin kang kakaiba or may something important na nag come up.” sumakay na si Zach ng sasakyan at hindi na nakapagsalita pa si Praise.