Chapter 20: Drug Cartel

1563 Words
━━━━━━♡ Third Person’s POV ♡━━━━━━ Habang nagluluto si Praise ng pagkain na madadala niya kay Mang Anton, hindi niya maiwasang mapaisip sa mga sinabi ni Zach. “Saan ba kasi siya pupunta? Bakit ba kailangan niyang magsolo?” Dahil sa hindi na siya mapakali, iniwan niya muna saglit ang niluluto niya at kinuha ang cellphone. Nilagay niya ang numerong nasa card sa phone niya at tinawagan niya ito. “Bakit? Okay lang ba kayo dyan?” pagtatanong ni Zach, “Oo. Kamusta naman yung ginagawa mo?” “Diba sabi ko important matters lang? Don’t call me again kung hindi naman importante.” hindi na siya nagpaalam at binaba na agad ang tawag. “Apaka sungit! Edi huwag. Nagtatanong lang yung tao e.” Bumalik na si Praise sa niluluto niya at ng matapos ay naglagay na agad siya ng ulam at kanin sa tupperware. Tinungo na niya agad ang bahay ni Mang Anton. “Nagluto po ako ng adobong baboy Mang Anton. Sabay na po tayong kumain.” pumasok na si Praise sa loob ng bahay ni Anton at naghain para sa kanilang dalawa. “May nagustuhan ka bang libro? Hindi na kasi kita naabutan.” wika ni Anton bago sumubo ng kanin, “Hindi po ako nakakuha ng kahit ano kasi po may kinailangan po akong gawin. Hinanap ko nga po kayo para makapagpaalam kaso po hindi ko po kayo nakita kaya umuwi na lang ako.” Tahimik silang kumakain ng biglang tumunog ang phone ni Praise, “Si sir!” at agad niya itong sinagot. “How’s everything there?” seryosong tanong ni Zach habang nakaupo ito sa loob ng kaniyang sasakyan at nagmamasid sa paligid ng warehouse. “Okay naman po sir. Baki—” hindi pa natatapos ni Praise ang sasabihin niya ay nagsalita na agad si Zach, “Okay, good!” at binaba na agad ang phone. “Bakit daw siya tumawag?” tanong ni Mang Anton. Si Praise na naiinis pero at the same time ay naguguluhan, sinagot ang tanong ni Mang Anton, “Tinatanong lang po niya kung okay lang daw po tayo.” “Bakit daw niya natanong?” “Hindi ko nga po siya maintindihan. Alam nyo po ba na sabi niya sa akin kanina, bantayan daw kita at delikado daw ang pupuntahan niya kaya kailangan niyang magsolo.” hindi na nakapagpigil si Praise at ng marealized niya ay agad siyang napatakip ng bibig. Mabuti na lang at busy na kumakain si Mang Anton, hindi naintindihan ang mga sinabi ni Praise, “Ano yun? Pasensya na iha, ang sarap kasi ng luto mo. Alam mo ba iha, paborito ko ‘to.” sabi ni Mang Anton kaya nakahingang muli ng maayos si Praise. “Ah! Wala po. Sabihin nyo lang po sa akin kung gusto nyo pa, ipagluluto ko po ulit kayo.” napangiti si Praise, nagpapasalamat sa dyos na hindi narinig ni Mang Anton ang mga sinabi niya dahil alam niyang kapag may naka-alam na iba sa mga sinasabi sa kaniya ni Zach, walang ibang sisisihin kung hindi siya dahil kagaya nga ng sinabi ni Zach, hindi niya pinagsasabi sa iba ang mga plano niya. Matapos nilang kumain, naisipan ni Praise na ayain si Mang Anton sa labas para maglakad-lakad at para na din mawala sa isip niya ang sinabi ni Zach. “Kung hindi lang talaga siya anak nila Mayor, okay lang sakin kahit anong gawin niya sa buhay niya. Nakakainis talaga. Tapos ang alam pa ng parents niya na kasama ko siya. Hay naku!” ani ni Praise sa sarili niya. “Hi! Mang Anton!” bati ng dalawang kaibigan ni Praise sa malayo at papalapit pa lang sa kanila, “Oh, ayan na pala yung dalawa mong makulit na kaibigan.” mahinang sabi ni Mang Anton sabay tawa, Natawa din si Praise sa statement ni Mang Anton “Hay naku! Sinabi nyo pa ho!” “Tanong mo, iha. Baka may chismis nanaman sila.” at muling nagtawanan ang dalawa. Dahil dito, nang makalapit sina Henry ay Lorie sa dalawa, napatanong sila kung ano ang pinaguusapan ng mga ito. “Wala! Ang marites nyo talaga.” sabay napakamot ang dalawa sa sinabi ni Praise, “Bakit hindi na lang kayo sumama sa amin. Lakad-lakad lang at kwentuhan na rin.” dugtong ni Praise, ━━━━━━♡ Zach’s POV ♡━━━━━━ Habang binabantayan ko ang bawat galaw ng mga grupo ng drug cartel, napansin ko na unti-unting sumasakay ang mga ito sa dalawang puting van. I counted them at seventeen silang sumakay. Seven ladies and ten guys. “Puting Van?” biglang pumasok sa utak ko ang van na nilapitan ni Praise nung sinundan ko siya. On my research, eighteen ang miyembro but there were only seventeen that was written. Tama ba ang hinala ko? Praise could be one of them or worse, the leader? Inantay ko muna silang makalayo ng bahagya bago ko pinaandar ang sasakyan. I followed them until makarating sila sa paruruonan nila. Huminto sila sa isang club. Huge club actually, and it looks private. Isa-isa silang pumasok at ang bawat isa ay may pinakitang kung hindi ako nagkakamali ay invitation card o hindi kaya ay isang membership card. Mabilis kong kinuha ang laptop ko na nasa passenger seat lang at ni research ang pangalan ng club. ‘Beats and Echoes Club in Goldstain City’. “It is a private club that only elites can enter.” Ayan ang nakasulat sa deep web. Elites? Huh! Habang nag re-research ako, napansin ko na ang isa sa mga babaeng grupo ng drug cartel ay lumabas ng club. This is my time. Binaba ko ang laptop ko at lumabas ako ng sasakyan. Naglakad ako palapit sa kaniya ng hindi niya nahahalata and when I get closer to her, sinadya kong bungguin ang kalahati niyang katawan. “Oh! What in the—” ng makaharap siya sa akin, napahinto siya, “angel am I seeing right now.” pinagpatuloy niya ang sinasabi niya at napangisi ako. This would be easy. “I’m sorry for bumping into you. Are you alright?" tanong ko sa kaniya, pretending to be concerned. Hindi niya tinatanggal ang tingin niya sa akin at tila sinusuri ang katawan ko, "Uh, yeah, I'm fine. It's just a little surprising. Hindi ko alam na may makakasalubong akong isang gwapong kagaya mo." inilagay niya ang daliri niya sa dibdib ko at dahan-dahan itong ipinadausdos sa katawan ko. Napangisi ako at pinigilan ang kaniyang kamay ng malapit na itong bumaba sa batuta ko. “Not so easy there, lady.” nilapit ko ang mukha ko sa tainga niya, “But if you really want to, we could look for a place to—” hindi pa ako tapos sa pagsasalita, naramdaman ko na agad ang kamay niya na hawak-hawak ang manggas ng t-shirt ko na nakapaloob sa black tuxedo ko. Hinatak niya ako sa loob ng club. Wow! It worked. Ngayon, poproblemahin ko naman kung paano ako makakatakas sa babaeng ‘to. Hawak niya ang kamay ko, hinihila ako sa gitna ng nagsisiksikang mga tao. My hand slipped from hers and I took that opportunity to scape her sights. Sinigurado kong nakalayo na ako sa kaniya bago ako naglibot-libot. Tinanggal ko muna ang tuxedo ko and I snached one of the guy’s hat without them noticing at sinuot ito. Umupo ako sa isang bar stool, “Whiskey on rocks.” sabi ko sa barista at agad din naman niyang binigay sa akin. “Hey, new guy.” tawag ng isang lalaki galing sa gilid ko kaya napatingin ako. “Ngayon lang kita nakita dito.” sabi nito sa akin sabay bangga ng baso niya sa baso ko at tinungga ito. “It is my first time here.” I played along, “may nakabangga kasi akong babae kanina tapos pinasok niya ako dito.” “I don’t see anyone with you right now. Asan siya and what’s her name?” he asked like he wanna make sure I was telling the truth, “Ahh! Hinahatak niya kasi ako kanina tapos dumulas yung kamay naming dalawa. Sobrang daming tao kaya hindi na kami nagkakitaan. Sayang nga kasi hindi ko manlang nalaman pangalan niya.” tumawa ako ng mahina bago ininom ang whiskey. “Oh! By the way, I’m Zach.” pagpapakilala ko ng hindi ko binibigay ang buo kong pangalan, Natawa ng mahina ang lalaki at nagsabi ulit ang lalaki sa barista, “I’m Ron. The owner of this club.” ani niya sa akin pagtapos niyang umorder sa barista, “And don’t worry about the girl you met earlier. Maraming magagandang babae dito. If you want, ipakilala pa kita sa mga elite members dito.” nag kunwari akong nagulat pero pumayag din naman agad. Dumating ang higit pang mga tao sa loob ng club, at sa loob ng ilang oras, nagkaroon ako ng ilang bagong kakilala. Ngunit habang nagpapanggap akong nakikipag-kilala, patuloy pa rin ang aking pag-iisip tungkol kay Praise at ang kaniyang posibleng koneksyon sa drug cartel. Naisip ko na kailangan kong gawin ang aking sariling pananaliksik. I excused myself from the group at naghintay sa isang sulok, nagmamasid sa paligid habang inaaral ang kilos ng mga tao. As I wait, may napansin akong isang nakatalikod na babae. Familiar siya para sa akin. Hindi ko na sana lalapitan ngunit bigla itong humarap sa direksyon ko kaya nakita ko ang mukha niya. “Meg?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD