━━━━━━♡ Third Person’s POV ♡━━━━━━
“Meg?” Zach said, hindi makapaniwala sa nakikita,
Nanlaki naman ang mata ni Meg. Lumapit siya kay Zach, “What are you doing here, Zach?” nakangiting tanong ni Meg kay Zach habang may hawak-hawak na glass of wine.
“What are you doing here?” binalik lang ni Zach ang tanong ni Meg.
Nagkatinginan silang dalawa, the tension between them grew. Pareho silang alam na may mga bagay na hindi nila dapat pag-usapan, ngunit ang presensya ng isa't isa ay nagdulot ng hindi maipaliwanag na damdamin.
Napalunok si Meg bago sumagot, "I'm just here... mingling." Hindi niya maipaliwanag ng maayos ang totoong dahilan kung bakit siya nasa lugar na iyon, lalo na't nadatnan niya rin si Zach roon.
Zach's expression remained guarded, his eyes narrowing slightly as he observed Meg. "Mingling, huh? With the wrong crowd, it seems."
Napasinghap si Meg, alam niyang may punto si Zach. Ngunit hindi niya maipaliwanag sa kaniya ang kaniyang mga motibo. "I can take care of myself, Zach," she replied firmly, trying to assert her independence.
Ngunit sa kabila ng kaniyang pagiging matatag, alam ni Meg na may mga bagay na hindi niya kayang itago kay Zach. "And what about you? What brings you here?" Tanong niya, nagbabakasakaling maiwasan ang usapan tungkol sa kaniya.
Ngunit hindi rin nagtagal at napagdesisyunan ni Zach na magbahagi ng kaunting impormasyon. "I'm here on... business," he replied vaguely, his tone implying that he couldn't divulge more information.
Nagkasalubong ang kanilang mga tingin, parehong alam na may mga lihim at mga hindi nasasabi sa kanilang pagitan.
“What’s that on your nose?” tanong ni Zach sabay dampi ng hintuturo niya sa ilong nito at inamoy. Si Meg naman ay mabilis na pinunasan ang ilong gamit ang kamay.
Napakunot si Zach ng noo ng maamoy ang puting pulbo. Napaiwas ng tingin si Meg kay Zach. “Meg!” mahina ngunit rinig ni Meg ang tawag sa kaniya ni Zach pero hindi niya ito pinansin at pilit na iniiwas ang tingin. “Meg!” mariin na ulit ni Zach kaya napabuntong hininga na lang si Meg at walang nagawa kung hindi ang tignan ito sa mata.
“Okay! Okay! Sasabihin ko na ang totoo.” napakamot si Meg sa ulo niya. “Tara dito.” hinila ni Meg si Zach at dinala sa upuan na nakapwesto sa isang sulok.
Umupo ang dalawa, “Explain.” Zach,
Huminga ng malalim si Meg bago nagsalita, “Promise me to not tell anyone.” at tumango naman si Zach. Napayuko si Meg, “I have been using drugs.”
Napalunok si Zach, hindi makapaniwala sa narinig. Ngunit sa kaniyang mata, hindi galit ang makikita kundi pag-aalala. "Meg," sabi niya nang mahinahon, "why?"
Napagtanto ni Meg ang bigat ng kaniyang mga salita. "It's complicated, Zach," sagot niya, ang mga mata'y naglalaman ng pait at pangamba. "It started as a way to cope with stress... pero ngayon, hindi ko na alam kung paano titigilan."
Naramdaman ni Zach ang pagnanais na tulungan si Meg, ngunit alam niyang hindi iyon madaling gawin. "You need help," aniya, nagpapakita ng kaniyang pag-aalala. "I can help you find support, Meg. You don't have to go through this alone."
Ngunit tila nawalan na ng pag-asa si Meg, nakikita sa kaniyang mga mata ang damdamin ng pagkabigo at pagkalito. "I've tried, Zach," sabi niya, ang boses ay pabagsak na. "But it's not that simple. I don't know if I can change."
Pumasok sa utak ni Zach ang mga ala-ala nila nung bata sila. Nung mga panahon na mangmang pa sila sa mga ganitong bagay.
Hindi niya inakalang sa dami ng mga taong nakapaligid sa kanila nung mga bata sila, si Meg pa ang mauuwi sa ganitong kalagayan.
“Natanggal na din ako bilang isang Journalist. Kaya ako bumalik dito para sana makapag-isip-isip. Sabi ko sa sarili ko na mag sisimula ulit ako sa pinanggalingan ko dahil baka sakaling magbago ako. I stopped using for two weeks and now here I am, doing the same s**t that I’ve been running away from. Wala na akong pag-asa.”
Hinawakan ni Zach ang kamay ni Meg, “You’re like a sister to me, Meg. I’ll try my best to help you.” sabi ni Zach but Meg took her hand back,
“Huli na Zach!”
Napakunot muli ang noo ni Zach, “What do you mean?”
Napailing ang ulo ni Meg at hindi na napigilang umiyak. “Sumali ako sa isang drug cartel, Zach. Hindi na ako makakaalis dito. Alam ko na kapag sinubukan kong umalis, mapaparusahan lang ako or worse, kamatayan ang kapalit.”
Hindi makapaniwala si Zach sa naririnig niyang lumalabas sa bibig ni Meg, “Paano ka nakakasiguradong hindi ka pwedeng umalis dun?” pagtatanong ni Zach,
Tinignan ni Meg si Zach sa mata, “Nakasulat sa kontrata. Binasa ko yun. Alam ko ang mga rules and consequences kapag hindi mo sinunod ang rules nila but I already accepted my fate na hindi ko na rin naman kayang itigil pa ‘tong ginagawa ko kaya kahit alam kong delikado, pinirmahan ko pa rin yung kontrata.”
“No! Whatever happens, you’re leaving that group.” hinila ni Zach si Meg pero hindi ito nagpahila. “Sasama ka sa’kin, sa ayaw o sa gusto mo.” muling kinuha ni Zach ang kamay ni Meg and this time, kahit anong pagpipigil ni Meg, wala na siyang nagawa dahil sa lakas ni Zach,
"Kailangan mong sumama sa akin, Meg," sabi ni Zach, "Hindi mo kailangang harapin ang mga ito mag-isa. I'll be there for you." He added.
Nanginginig si Meg sa takot at kaba. Ngunit sa puso niya, alam niyang si Zach ang kaniyang sandigan sa oras ng pangangailangan. Sa huli, tumango siya, isang bahagyang senyales ng pagtanggap sa tulong ni Zach.
Palabas na sana sila ng club ng may biglang humarang sa kanila na isang lalaki tila pinipigilang palabasin si Meg. “Pinapatawag ka ni Boss.” sabi nito. Napatingin si Meg kay Zach at dahan-dahang tinanggal ang pagkakahawak nito sa kaniya,
This time, binitiwan ni Zach si Meg. Hinayaang maglakad papalayo sa kaniya. Ngunit dahil sa kagustuhan niyang makatulong at makilala ang pinuno, sinundan niya ang mga ito sa malayo hanggang sa makaharap na ni Meg ang sinasabi ng lalaking boss. Ito ay walang iba kung hindi ang may-ari ng club. Si Ron.
Nakikinig si Zach sa usapan ng dalawa. “May nakapagsumbong sa akin na may kausap ka daw and you’re giving some private information.” nakapamewang si Ron habang si Meg naman ay nakayuko sa takot,
“Alam mo naman siguro kung ano ang mga consequences sa ginawa mo diba?” mayabang ang tinig ni Ron, “Dahil alam kong wala ka namang kalahating milyon na pang terminate sa kontrata mo, I just need to do some business and I want you naked in that room—” sabay turo ni Ron sa isang nakasaradong silid, “—when I come back. See you, slut!” narinig ni Zach ang usapan na iyun, narinig din niya ang mga yapak papalapit sa direksyon niya kaya mabilis siyang umiwas ng tingin hanggang sa makalagpas si Ron sa kaniya.
Agad kinuha ni Zach ang phone niya, “Hello, Frank.” nang sagutin ni Frank ang kaniyang tawag, “Nasan kayo?” mabilis na tanong ni Zach,
“Nandito sa pinag i-stay-an naming hotel not too far from your place. Bakit?”
“I need you to bring me half a million pesos. Right now. It’s urgent. I’ll send you the address.”
Habang umiiyak kanina si Meg, wala itong kaalam-alam na kinuha na pala ni Zach ang membership card nito kaya wala nang problema si Zach maglabas-masok sa club.
Lumabas si Zach ng club, sumakay sa sasakyan niya at kumuha ng papel at ballpen at nagsimulang magsulat.
Makaraan ng ilang minuto lang ay dumating na agad si Frank kasama si Tyler na may dala-dalang suitcase.
“What’s going on dude?”
“Thanks. Papalitan ko ‘to after this.” sabi ni Zach hindi sinagot ang katanungan ng dalawa. Kumuha ng mask sa loob ng sasakyan, sinuot niya ito at iniwan na niya ang dalawa upang bumalik sa loob ng club.
“f**k! Am I late?” sabi ni Zach sa sarili ng hindi na niya nakita si Meg kung saan niya ito huling nakita.
“I need to do something.” inayos ni Zach ang sarili at lumapit na sa pinto kung saan may isang lalaki ang nagbabantay.
“May pinapadala lang po si Sir Ron sa loob.” ani ni Zach sa lalaki at ipinakita ang suitcase na bitbit.
Binuksan ng lalaki ang pinto at mahinahon namang pumasok si Zach. Tumambad sa kaniya ang hubot-hubad na katawan ni Meg. Ang kaniyang mukha ay basang-basa sa mga luhang bumubuhos dahil sa takot.
“Meg!” iniiwasan ang tingin kay Meg habang inaabot ang tuxedo niya.
“Zach?” hikbing ani ni Meg,
“Bilisan mo. Aalis na tayo dito.”
Buhat-buhat ni Zach ang bukas na suitcase habang nagtatago sila sa gilid ng pinto.
Pagbukas ng pinto ng silid, agad na inihagis ni Zach ang suitcase na punong-puno ng pera at sumaboy ito sa loob at labas ng kwarto kaya maraming mga guess ang nagkagulo at nakikiagaw sa mga perang nagliliparan habang si Zach at si Meg naman ay tumakbo palabas ng club.
Si Ron ay hindi makapaniwala sa nangyayari. “What is going on?” ani niya at pagtingin niya ng silid ay wala na si Meg.
“Boss! May letter na kasama.” ani ng isang lalaking kasapi nito.
Binasa ito ni Ron.
“Ron, I hope this letter finds you well, though I must confess, I’m not particularly concerned about your well-being. No, my concern lies more with your compliance, your obedience to my demands. You see, I don’t like how you treat your members. Alam kong wala akong lugar makielam sa pagpapatakbo mo ng so called business mo but this has to happen.
You may wonder why I bother with such formalities, why I don't just take action without warning. But you see, Meg, is like a sister to me. Ayokong may umaapi sa kahinaan niya. I get heated. Nakakagawa ako ng mga bagay na hindi maganda.
So consider this your final warning. Half a million for her contract termination. A paltry sum, really, considering the alternative. But if you insist on making things difficult, on continuing to be a thorn in her side, then rest assured, I will not hesitate to escalate matters.
Send the termination papers to the address provided as soon as possible. And do yourself a favor, Ron, leave well enough alone if you don't want to lose those you hold dear.
Yours with disdain,
Unknown”
Halong ngisi at galit ang bumalot kay Ron ngunit sa huli ay wala din siyang nagawa. “PULUTIN NYO YUNG MGA PERA.” utos nito sa mga kasapi niya.