━━━━━━♡ Third Person’s POV ♡━━━━━━
“Don’t worry. Tatanggapin ka nila dun ng parang isang pamilya.” Zach kay Meg, “Right, Frank!” sabay baling ng tingin kay Frank at tumango naman ito.
“Of course dahil simula ngayon, parte ka na ng pamilya namin.” Lumapit si Meg kay Zach at niyakap ito.
“Salamat ng marami, Zach. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko na hindi na mag relapse pa ulit.” tinatapik-tapik ni Zach ang likod ni Meg,
“I’ll hold on to that.” bumitaw na sa pagkakayakap si Meg kay Zach ng makita niyang lumabas si Praise ng bahay.
Si Praise naman ay napahinto ng saglit ng makita niya ang grupo, “Hala! Nandito nanaman yung mga masusungit.” papasok na ulit dapat si Praise ng bahay ng bigla siyang tawagin ni Meg,
“Praise.” tumakbo si Meg patungo kay Praise at hinawakan ang kamay nito,
“Hi.” nag-aalinlangang pagbati ni Praise kay Meg at napabaling ito ng tingin kay Zach,
“Huwag mong pababayaan si Zach hanggang nandito siya ah. Tsaka sana lagi mo siyang intindihin. Masungit man yan sa una pero kapag nakilala mo yan, napakabait niyang tao. Kapag naging mabait ka sa kaniya, magiging mabait din yan sayo. Trust me. I’ve been there. Ayan kasing si Zach, matigas ang ulo niyan. Gagawin niya lahat ng gusto niya at walang makakapagpigil sa kaniya. Sayang lang dahil hindi ko na siya mapagsasabihan. Tsaka sayang din dahil saglit na oras lang kitang nakilala.” ani ni Meg kay Praise.
Hindi agad nakapag-salita si Praise matapos magsalita ni Meg. Napahawak siya ng mahigpit sa kamay ni Meg at niyakap ito ng mahigpit. “Mamamatay ka na ba?”
“Huh?” tinulak lang ng mahina ni Meg si Praise para magkaharapan sila, “Hindi ah.” natawa si Meg,
“Ha? E bakit parang nagpapaalam ka na?” naguguluhang sinabi ni Praise, “Nagpapaalam na talaga ako pero not in a way na mamamatay na ako. Ikaw naman. Aalis lang ako ng baryo ulit. Gusto ko lang sabihin sayo na ikaw na muna ang bahala kay Zach.”
“Ahh, ayun lang pala.” napakamot ng ulo si Praise, “Huwag kang mag-alala. Kaya niya na ang sarili niya.” natawang sinabi ni Praise.
Nginitian ni Meg si Praise at tumalikod na ito para tunguin ang sasakyan ni Frank.
“Alis na kami bro.” ani ni Frank at ang ibang grupo ay nagpaalam na rin bago paandarin ang mga dalang sasakyan. Nang mawala na ang grupo, naiwan sina Praise at Zach sa harap ng bahay.
Napansin ni Praise ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Zach, kaya't nagdesisyon siyang kausapin ito. "Sir, okay ka lang ba? Tsaka, kamusta yung lakad nyo po kanina?" tanong ni Praise pero tinignan lang siya ni Zach at pumasok na ng bahay.
“Oo okay lang ako.” Ani ni Praise sa hangin, “Nagtatanong lang yung tao e. Suplado.” napa-erap na lang si Praise, “Wala na! Wala na akong ganang magluto. Hindi naman dito kakain sina tita kaya bahala na. Kung ano na lang mahanap ko, yun na lang ang kakainin ko. Bahala na yung isa dyan.”
Pumasok na lang din si Praise ng bahay at dumiretso sa kusina. Kumuha ng isang itlog at niluto ito. Kumuha na din siya ng tinapay at isinama sa plato kung saan niya nilagay ang nalutong itlog.
Ipinatong niya ang plato sa lamesa at umalis ng saglit upang kuhanin ang librong binabasa niya ngunit sa pagbalik niya, nakita niya ang pagkaing niluto niya na nilalantakan na ni Zach.
“Sir! Akin yan e!” naiinis na sinabi ni Praise.
Napatingin si Zach kay Praise, “Bakit? May pangalan mo ba?” habang dahan-dahang sinusubo ang tinapay sa bibig.
“Akin yan sir. Magluto ka na lang ng sayo, nagugutom na ako e.” kinuha ni Praise ang plato ngunit mabilis na binawi ni Zach,
“May bawas na oh! Magluto ka na lang ulit.”
“Hindi sir! Sayo na yung tinapay. Hindi mo pa naman nagagalaw yung itlog.” at babawiin pa sana ulit ni Praise ang plato ng mabilisang sinubo ni Zach ang kutsara at pinahid ito sa itlog.
“Sige na nga. Ang damot mo pala.” sabi ni Zach at binabalik na kay Praise ang plato.
“Yuch sir! Ayoko na niyan. Balahura ka pala sir. Akala ko susyalin ka.” at tinalikuran na ni Praise si Zach. Si Zach naman ay napapatawa sa kalokohan niya habang pinapanuod si Praise na papalayo sa kusina. “That’s what I thought.”
Matapos kumain ni Zach, lumabas ito para manigarilyo. Si Praise naman ay saktong nasa labas kasama ang mga kaibigan niya,
“Bwisit talaga yang lalaking yan. Hindi na nga nakakatulong nakakaperwisyo pa.” nanlaki ang mata ni Lorie na kasalukuyang nakatingin sa likuran ni Praise, “Alam mo bang nagluto ako kasi syempre, gutom na ako pero yung timaw—” habang nagsasalita si Praise, biglang hinarangan ni Lorie ang bibig nito na kinagulat naman ni Praise pati na rin ni Henry.
“Huy! Ano ba yang ginagawa mo kay Praise?” gulat na tanong ni Henry sabay tanggal ng kamay ni Lorie sa bibig ni Praise,
Nanlalaki naman ang mata ni Praise, “Nasa likod siya no?” bulong nito at tumango naman si Lorie,
“No, please continue.” sabi ni Zach sa tenga ni Praise habang nakatayo sa likod nito.
Agaran namang humarap si Praise. Ang kanilang labi ay halos magkadikit na sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa.
Ang oras para kay Praise ay tila ba huminto. Sa mga sandaling iyun, habang ang kanilang mukha ay magkadikit, hindi mapigilang mapatingin si Praise sa mga naglalambutang mga labi ni Zach, “I know you wanna kiss it,” mahinang sabi ni Zach, ang hanging binubuga nito ay dumadampi sa mukha ni Praise,
“Praise! Praise! Huy! Ayos ka lang ba?” unti-unting lumalakas ang mga tunog na nanggagaling sa paligid, pati na rin sa kaniyang mga kaibigan.
Praise snapped, at tila nagising sa katotohanan. Mabilis niyang inilayo ang mukha niya sa mukha ni Zach at duon niya nakita ang ngisi sa mga mukha nito. “S-saan nga pala ulit tayo pupunta?” binaling niya ang pansin sa mga kaibigan niya, “T-tara na para hindi na tayo abutin pa ng gabi.” utal-utal na wika ni Praise at lumakad na ito palayo.
Sila Henry at Lorie naman ay naiwan sa harapan ni Zach. Habang si Zach ay napapangisi, sila Henry naman ay naiilang sa nangyayari kaya nakuha na rin nilang magpaalam. “U-una na po kami. Hehe.” at sabay nang umalis ang dalawa.
“Boy! Bakit mo naman kami iniwan dun,” ani ni Henry ng abutan nila si Praise na nakaupo sa kolong-kolong nito.
“Saan mo ba balak pumunta? Nakakaloka ka gurl!”
“Kahit saan, huwag lang dito.” walang nagawa sila Henry kung hindi ang sumakay na din at paandarin ang sinasakyan nila.
Zach took a drag from his cigarette, the cool night air providing a backdrop to his contemplation. The events of the evening played over in his mind like a broken record. The unexpected encounter with Meg, the tension with Praise, and the unsettling revelation about Meg's involvement with the drug cartel—it all weighed heavily on him.
Hindi maiwasang mag-alala ni Zach sa naging harapan kanina. What if balikan nila si Meg? But at the same time, naisip din ni Zach ang kinalalagyan ngayon ni Meg. She’s with the Mafia group at alam ni Zach na magiging ligtas si Meg sa kamay ng mga pinagkakatiwalaan niyang tao.
Kay Praise naman, unti-unti na siyang naniniwala na wala talagang kinalaman si Praise sa lahat ng mga nangyari sa kaniyang bestfriend. Besides, she was also a victim of a foul play. Ang pagkakaiba lang nila, hindi pa alam ni Praise ang totoong ikinamatay ng mga magulang niya.
“But what about the papers?” ani ni Zach. Itinapon niya ang upos ng sigarilyo niya at agad na pumasok sa bahay. “I need to see it bago pa makauwi si Praise.”
Maingat na hinalungkat ni Zach ang mga gamit ni Praise. In-isa-isa niya ang drawer ni Praise pero wala siyang nakita. “Where would she hide it?” muli niyang sinuri ang bawat sulok ng kwarto, sa ilalim ng kama, loob ng aparador at pati na rin sa likod nito pero wala pa rin siyang nakita. “Damn it!” Zach said with furrowed brows, his lips pursed into a tight line.
Nawawalan na siya ng pag-asang mahanap ang mga papel. Lalabas na sana siya ngunit ng mapatingin ulit siya sa kama, nakita niyang may nakadungaw na maliit na papel sa pagitan ng bed frame at foam.
Zach smirked, “of course.” agad niyang binalikan ang kama at pagtaas niya ng foam, bumungad sa kaniya ang folder na hinahanap niya pero bukod dito ay may iba pang mga papel ang nakatago dito pero hindi na iyun binigyan ng pansin ni Zach. Kinuha niya ang folder at binuklat.
“Sir? Anong ginagawa mo dito?”