Chapter 23: Sumbat?

1594 Words
━━━━━━♡ Praise’s POV ♡━━━━━━ Tinignan ko ang bawat sulok ng kwarto ko at sa isang tingin pa lang, alam ko na na naghalungkat siya ng mga gamit ko. Huminga ako ng malalim at naglakad patungo kay Zach upang kuhanin ang folder na hawak niya. “I—” napahinto siya sa sasabihin niya ng iginilid ko ang katawan ko, nagpapahiwatig na pinapalabas ko na siya ng kwarto. I don’t even know what to say right at this moment. I felt betrayed. “It’s not what it looks like.” ani niya pa as soon as he stepped out my room, pero wala na ako sa mood marinig pa ang mga sasabihin niya kaya sinarado ko na agad ang pinto. Napabuntong hining ako bago ako umupo sa kama. Binuksan ko ang folder. I am so disappointed. Surpresa ‘to nila tita at tito para sa birthday ng anak nila pero dahil sa pagiging careless ko, nahanap niya yung plan sheets. Pano ko sasabihin kila tita na alam na ni Zach yung plano? Sasabihin ko ba? Pano kung sinabi ko tapos mapaalis ako ng bahay? Sobrang importante ng surprise birthday na ‘to para kila mayor kaya alam kong pag nalaman nilang nabasa ni Zach yung mga plano, sobra silang madi-disappoint sa akin. Bwisit kasi! Ano bang ginagawa nung lalaking yun sa kwarto ko? Hindi na ako nakapagpigil kaya lumabas na ako ng kwarto at sinugod siya sa kwarto niya. ━━━━━━♡ Third person’s POV ♡━━━━━━ “Anong ginagawa mo sa kwarto ko ha? Hinalungkat mo yung buong sulok ng kwarto ko. Bakit ha? Ano bang gusto mong malaman? Sabihin mo nga sa akin, anong hinahanap mo? Ano? Naghahanap ka ng butas para hindi ako pagkatiwalaan? Kung ayaw mo ng tulong ko, sabihin mo lang hindi yung nangingielam ka ng mga gamit na hindi naman say—” bago pa matapos ni Praise ang sasabihin niya, ang malalambot na labi ni Zach ay nakadikit na sa mga labi niya. Nanlaki ang mga mata ni Praise at dahil sa gulat ng pangyayari, agad niyang tinulak palayo si Zach. Napaatras si Zach sa pagkakatulak sa kaniya ni Praise. Zach gave a snarky smile on the side of his lips as he stand in front of Praise’s shocked face. Nag init ang pisngi ni Praise at napahawak siya sa mga labi niya. “Ang dami mong kuda.” “Siraulo ka talagang lalaki ka.” dumiretso si Praise sa kama ni Zach. Kinuha ang unan at ipinaghahampas kay Zach. “Kinuha mo na nga yung first kiss ko, pumangalawa ka pa.” lalong lumakas ang mga palong natanggap ni Zach at si Zach naman ay natatawa pa ngunit nawala ito ng pumasok sa kokote niya ang huling sinabi ni Praise. Pinigil ni Zach ang ang paghampas ng unan ni Praise, “What do you mean? Kailan kita ki-niss bukod ngayon?” nalilitong sinabi ni Zach pero hindi natatanggal ang mapang-asar na ngisi sa mga labi. “Kita mo! Hindi mo natatandaan.” lalong nainis si Praise. Binawi kay Zach ang unan at umupo sa kama. Ang inis sa mukha ay humupa at nanaig ang lungkot sa mga mata. “Bakit mo ginawa yun?” muling tanong ni Praise, Nakatingin naman si Zach sa kaniya, “Which one?” nakangisi namang tanong ni Zach. “I did quite alot.” Kumunot ang noo ni Praise at napatingin sa mukha ni Zach, “Yung paghahalungkat mo sa kwarto ko, pati na rin yung ano— halik.” “Yung halik, dahil ang dami mong dada. Yung paghahalungkat naman, I just wanna know kung ano yung nakasulat sa mga papel na nasa loob ng folder.” Lumapit si Zach upang umupo rin pero hindi na siya tumabi kay Praise. Umupo siya sa kabilang bahagi ng kama at sinarado ang laptop dahil nakabukas ang link ng totoong nangyari sa mga magulang ni Praise. “Alam kong mali yung ginawa ko pero can you blame me? Nalaman mo ang plano ko without me realizing. Gusto kong makasigurado na wala kang kinalaman sa lahat ng nangyari. I can’t just trust anybody.” ang mapang-asar na mukha ni Zach ay napalitan ng seryosong ekspresyon. Nilingon ni Praise si Zach, “Edi dapat tinanong mo na lang sa’kin.” “I’m not stupid. Whether I ask you or not, paano ako makakasigurado na nagsasabi ka ng totoo. That’s why I do my research first before doing any actions. Lucky you, I didn’t see anything that would prove my suspicion.” “Wala ka talagang makikita dahil wala akong kinalaman sa kahit ano pa mang rason kung bakit ka nandito. Kung alam ko lang na mamasamain mo yung pagtulong ko, dapat hindi na lang ako nag magandang loob. Tinutulungan ka lang, nang bibintang ka pa. Ano yun? Wala ka bang utang na loob?” Zach’s expression changes from being serious to being perplexed. “Sinusumbatan mo ba ako?” “Nagsasabi lang ako ng totoo.” “Well, you can stop helping me from now on. I never asked you for any in the first place.” seryosong sabi ni Zach at hindi na siya muling nagsalita hanggang makalabas siya ng kwarto. Lumabas si Zach ng bahay upang manigarilyong muli. Nagpapahangin muna ito dahil sa nangyari. Besides, para sa kaniya ay wala rin naman siyang pakielam kung tumulong sa kaniya si Praise or hindi. Zach is the kind of person na hindi namimilit ng tao. Help him or not, agree with him or not, he doesnt give a crap. Meanwhile, si Praise naman ay bumalik na sa kwarto niya. “Talagang hindi na kita tutulungan.” ani nito bago humiga sa kama niya, “Siya na nga nangielam ng gamit tapos parang siya pa ang galit. Aba magaling.” Kinabukasan. Bumalik na si Praise sa dating gawi niya. Gumising ng maaga at ipinagluto sila Nancy at Fred kaya ng magising ang mga ito, laking gulat nila ng makita nila si Praise na naglalapag ng pagkain sa hapag kainan. “Oh iha, akala ko ba ay may inaasikaso kayo ni Zach?” nagtatakang tanong ni Nancy, Ngumiti si Praise at hinila na ang mga upuan nila Fred, “Maaga pong natapos.” dahilan na lang niya, “Ibig bang sabihin nito na matitikman na ulit namin ang masasarap mong luto?” napangiti si Praise sa sinabi ni Fred, “Naku tito baka inuuto nyo lang po ako ah. Pero magpapauto naman po ako.” natawa silang tatlo. Si Praise ay pinagsawalang bahala ang pinagdadaanan. “Basta ako nagsasabi lang ako ng totoo, iha.” Habang kumakain ang tatlo, si Zach ay lumabas ng kwarto niya at dumaan sa harap nila, “Good morning mom, dad.” bati nito at dire-diretso ng lumabas. Sinundan lang ng tingin ni Praise si Zach hanggang sa makalabas ito. Kinahapunan na ng araw, si Praise ay pumunta sa opisina ni Mayor Fred at Nancy upang pag-usapan ang surprise birthday para kay Zach na magaganap sa ikalawang linggo. “Praise, are you okay?” pagtatanong ni Nancy dito, Napatigil si Praise sa pagmumuni-muni ng marinig niya ang pangalan niya. Agad siyang napatingin kay Nancy, “Ah, opo!” “Alright! So, kamusta ang plano? May mga invitation na ba? May mga na-contact na bang mga event coordinator?” Ni-isa ay wala pang nagagawa si Praise dahil sa na busy siya sa pagtulong kay Zach, “I’m working on it na po,” kaya ayan na lang ang nasagot niya, “Good! Kailangan na nating makumpleto ang lahat bago pa matapos ang linggong ito para perpekto ang lahat.” wika ni Fred sa lahat. Dumaan na ang ilan pang araw, patuloy pa rin sa pag-aasikaso si Praise ng mga kailangang gawin para sa surprise birthday ni Zach. Hindi niya ito ginagawa para kay Zach, bagkus ay ginagawa niya ito para sa kaligayahan nila Nancy at Fred. Pero habang nag pi-print si Praise ng mga invitation card, bigla niyang naalala si Zach. ━━━━━━♡ Praise’s POV ♡━━━━━━ Ilang araw na rin pala kaming hindi nagkikibuan. Pero okay na rin siguro yun. Dahil din naman sa pagtulong ko sa kaniya, nawalan na din ako ng oras sa mga bagay bagay na talaga namang ginagawa ko. Okay na rin siguro na intindihin ko na lang yung mga gawain ko dito sa bahay kaysa naman parang isinisiksik ko yung sarili ko sa pagtulong sa kaniya. Hindi niya rin naman na-aappreciate yung pagtulong ko kaya wala ring sense. Matapos kong maiprint ang lahat ng invitation card, lumabas na ako ng opisina ni Mayor at pumasok na sa kwarto ko. Nilagay ko na isa-isa ang card sa loob ng envelope at makaraan ang halos isang oras ay natapos din ako. “Finally, at natapos din. Ang dami naman kasi.” Tinawagan ko si Henry at Lorie upang tulungan akong ipamigay ang mga invitation card. Saglit lang at dumating na din sila. “Magbi-birthday na pala si sir Zach? Ano kayang ireregalo ko sa kaniya?” kinikilig na sabi ni Lorie, “Kahit wag na.” pabirong sabi ko. Hindi niya rin naman deserve. Binigay ko na muna ang invitation nila bago ko hatiin sa tatlo ang mga envelope. “Sa bayan na ako.” ani ni Henry, “Ako sa palengke na.” sabi naman ni Lorie. Tumango ako, “Dito na ako magbabahay-bahay.” Naghiwalay na kaming tatlo upang masimulan na. Buti na lang talaga at may mga kaibigan akong maaasahan. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala sila. Lagi silang nandyan sa kasiyahan at kalungkutan kaya naman pinapangako ko sa sarili ko na ganun din ang ibabalik ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD