Episode 1 - Unexpected Events (Part 1/3)
"MA! AYOKO PANG IKASAL!" Anikong nagmamakaawa sa aking ina at ama.
Sino ba naman ang gustong magpakasal sa disi otsong gulang?! Marami pa akong pangarap para sakanila!
"Anak, 'yon lang naman ang paraan para maiahon natin ang kumpanya natin.Hindi mo naman puwede pang panghawakan ang pagiging tagpagmana mo dahil wala ka pang alam sa pagpapalago." Sabi nito.
"Mama, ako ang nagiisa ninyong anak, pero bakit parang wala kayong tiwala sa pagpapalago ko nito?" Tanong ko. Nahihimigan ang lungkot sa boses ko.
"Hindi iyon ang gusto 'kong ipahiwatig. Pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang, please!" Pagmamakaawa nito.
Punyetang 'please' na 'yan. Ayokong makakarinig niyan dahil paniguradong bibigay ang kaluluwa ko.
"Mahal ko kayo at ayaw 'kong suwayin kayo kaya pagbibigyan ko kayo ngayon. And for pete's sake! Don't use the word 'please' to me! Alam na alam niyo kung paano ako bibigay." Sabi ko. Sumilay naman ang magandang ngiti ng aking mama.
Ngumisi lamang ang aking papa. Hindi talaga kami magkakasundo nitong ama ko. Ang laki ng galit ko sakaniya, hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin noon.
"Halika, samahan mo ako dahil nasa sala sila ngayon." Pagaaya ni mama sa akin.
Bumungad sa akin ang mala-manyak na ngiti ng isang Cole Mateo Garcia.
Putangina! Kung itong lalaki na ito ang mapapangasawa ko ay punyeta! AYOKO NA!
"Kung minamalas ka nga naman oh!" Bulong ko at napasapo na lang sa noo ko.
Pinaparusahan 'ata ako ng langit at lupa.
Ngumiti ang mokong kay mama, bumaling ang tingin niya sa akin. Binigyan niya lamang ako ng masamang tingin, ginantihan ko naman iyon ng pekeng ngiti.
Kaya naman pala hindi maganda ang kutob ko sa ginagawang plano ng papa ko.
Nako! Kahit kailan talaga!
"Batid 'kong kilala mo na siya, rang." Sabi ni mama.
"Hindi ko 'yan kilala. Sino ba 'yan nyeta na 'yan?" Himig sa boses ko ang pagkainis sa lalaking nakatayo ngayon.
"Umayos ka, Rang at baka hindi ko matantiya ang ganyang ugali mo." Banta ng magaling 'kong ama. Lihim akong tumingin ng masama sakaniya.
"I'm Cole Mateo Garcia, a famous actor and a billionaire. Also the heir of the Garcia." Pagpapakilala ng lalaking ito.
Ah talaga?
"Siya ang mapapangasawa mo, anak."
Palihim akong ngumiti ng mapait. Hindi ko ginusto ito, ayaw ko lang talaga silang suwayin.
Natatakot din ako sa gagawin ni papa kapag hindi ako pumayag.
Kilala ko si papa, once na hindi ako pumayag, my grave is the only my way home.
"I'm Maria Adrianna Villamor, you can call me 'Rang' if you want." Pagpapakilala ko.
Kung isang Cole Garcia ang mapapangasawa ko? Araw-araw may sabong sa titirhan naming bahay.
Lumipas ang dalawang oras na nandito ang mokong. Puro kasal at negosyo lang ang pinaguusapan nila.
"Paano pagaaral ko? Ano 'yon, pagkatapos naming ikasal ng nyeta na 'to, tatambay lang ako?" Tanong ko.
"Makakapag-aral ka pa rin. Huwag ka ngang OA." Sabi ni mama.
Ako OA?! Mahalaga ang pagaaral ko kaysa sa kasal na 'yan kaya hindi OA ang tawag doon, sadyang masipag lang ako!
"Hindi ako naiinis." Mahinang saad ko.
***
Mahigit limang oras ang tinagal ng mokong na 'yon dito.
Starting from now! Mrs.Villamor ang Mr. Garcia are now divorce!
Makibaka, wag matakot, makibaka, wag matakot!
Ay puta mali!!
"Anong divorce!? May kantutan pa kayong magaganap kaya walang divorce, divorce na 'yan!" Mapang-asar
na sabi niya.
MIND READER NA HO ANG NANAY KO!
SINO HO MAGPAPAHULA?
"MA! BAON KO!" Sigaw ko. Inabutan niya ako ng dalawang libo.
Pamasahe, pangkain, pang commute.
Marunong naman ako mag drive, kaya bakit hindi na lang nila ako bilan ng kotse? Okay lang.
'Yung dalawang libo na ito, sapat na 'to para sa tatlong araw 'kong pagpasok. Tinitipid ko kasi.
***
Kakatapos lang ng isang subject namin so may free time pa ako para pumunta sa library.
"RANG! SANDALI!" Sigaw ni Lea.
Oo, baklita 'yan. Leo Quevedo talaga ang totoo niyang pangalan.
Half Filipino, Half Spanish. Hindi ko nga alam kung paano ko siya naging kaibigan. Nilunod siguro ako nito sa drum.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Library, may hihiramin lang akong libro." Sagot ko.
"Samahan mo ako pagkatapos mong pumunta sa library. May pinapakuha si Ms. Almaden sa office niya."
Pagkatapos namin pumunta sa library ay kinuha na ni Leo ang pinapakuha sakan'ya. Tinulungan ko na din magbuhat dahil marami-rami iyon.
LEO'S POV
Napansin ko ang pagiging tahimik nitong si Rang. Hindi ako sanay sa pagiging tahimik niya, madalas na siya ang nagbubukas ng topic namin pero ngayon? Parang wala siyang balak.
"Puno, magsalita ka naman." Pangungumbinsi ko. Nilingon niya lamang ako pero hindi siya sumagot.
Kapag ito hindi pa rin magsasalita, magwawala ako dito.
Isa
.
.
.
.
.
.
Dalawa
.
.
.
.
.
.
Tatlo
"Ikakasal na ako bukas." Aniya.
Gusto talaga magbibilang pa ako, bago magsalita. Tangina nito!
Batuka- Ano?! Ikakasal? Sino?
"Ikaw?! Hindi pwede!" Sabi ko.
Talagang hindi puwedeng ikasal 'tong si puno! Magiging Mrs.Quevedo pa siya!
"Papatayin ako ni papa kapag umayaw ako. " Saad niya.
"Wala na akong magagawa. Saturday na bukas." Aniya.
"Free ka ba mamaya? May ipapakita lang ako sa'yo." Tanong ko.
"Oo." Sagot niya.
Dapat pala matagal ko na siyang ini-reto kay kuya thiago.
***
Rang's POV
"Akin Ito?" Namamanghang tanong ko.
WAHHHHH!! I HAVE MY OWN CAR!!
"Oo, regalo ko na sa'yo. Kasal mo naman na bukas, tsaka para hindi kana nahirapan mag commute. Mahirap na baka.." Aniya.
Lumapit ako sakan'ya at niyakap siya ng mahigpit.
"Put*ngina mo, sangay! Thank You!" Sabi ko.
Ganyan ako magpasalamat with matching mura, oh bless kayo kay Ninang!