Isang taon na nang maganap ang kasal namin ni Cole.
Walang imikan na nagaganap. Minsan ay pumupunta ako sa company niya at sa mga shooting niya, part daw kasi iyon ng pagiging mabuting asawa ko.
Sa couch siya natutulog, at ako naman sa kama. Nagtataka nga ako na baka sumasakit na ang likod ng taong 'yon.
Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kape.
Sunday ngayon kaya wala akong pasok, ewan ko na lang dito sa asawa ko.
“Hindi ako makakauwi mamaya, madaming akong gagawin sa office.” Aniya. Tumango na lamang ako bilang pang sang-ayon.
Nang makaalis na siya ay dumiretso ako sa sala at binuksan ang TV.
Nagtataka nga ako kung bakit walang mga maid dito, tanging guards at tauhan lang ni Cole ang nandito.
“Ano kaya magandang panoorin?” Tanong ko sa sarili.
Mahilig akong manood ng horror movies kagaya ni mama. Namana ko talaga pati 'yon.
Kay papa naman ay pagiging seryoso,wavy na buhok, singkit na mata, at pagiging expert sa paghawak ng matatalim na bagay.
“The Curse of Llorona.” Sabi ko. Pinindot ko ang 'okay' sa remote.
***
Lumipas ang dalawang oras na panonood ko. Medyo naka-idlip lang ako ng kaunti.
Natapos ko ang movie, maganda naman ang kinalabasan. Pinatay ko na ang TV.
Kinuha ko ang cellphone ko sa kwarto namin ni Cole para tignan ang oras.
9:41 a.m na, kailangan kasi pumunta ako sa office ni nyeta ngayon. Every week pumupunta ako do'n para lang bantayan siya.
Well, hindi naman kami nagki-kibuan dahil ayaw niya raw ng maingay kaya pinagbibigyan ko na lang.
Minsan sinisilip-silip ko din kung anong ginagawa nila nung secretary niya na ang landi kung maglakad.
Kapag sa meeting naman, tinatanong-tanong ko lang siya kung anong naging resulta ang sinasagot niya lang ay " mabuti naman ".
Nahahagip ko pa nga 'yung ka-business partner nitong si nyeta na tingin ng tingin sa'kin.
Nakaligo na ako at nagbihis. Formal beige suit lang ang suot ko at black high heels. Nakalugay ang wavy 'kong buhok. Hindi ako mahilig sa dress, kaya nga inis na inis ako sa off-shoulder dress na pinasuot sa'kin nung kasal.
***
Nandito ako sa office ni gov nyeta.
Ang sabi ng sekretarya ay nasa meeting pa daw si gov kaya pinapasok niya na muna ako dito.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng opisina. Hindi kasi ako pinapayagan ni gov na libutin itong office niya, baka daw madumihan. May pagka-arte kasi.
Bigla na lamang bumukas ang pinto. Nilingon ko iyon at bumungad sa'kin si gov na naka kunot-noo.
Badmood si gov.
“What are you doing here?” Maotoridad niyang tanong. Nilapitan ko siya at sinuri ang mala demonyo niyang mukha.
“Babantayan ka.” Sagot ko. Dumiretso siya sa office desk niya at umupo sa swivel chair.
“Mr.Cortez is asking me about you.” He said. Ako naman ang naka kunot-noo ngayon.
“Si Levi Cortez? 'Yung anak nung mayabang na senador? Bakit naman ako hahanapin ng taong 'yon?” Tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya sa'kin.
Umupo na ako at inilabas ang cellphone ko.
Narinig ko ang pagkatok sa pinto, pinapasok naman iyon ni gov.
Unang bumaling ang tingin ni Cortez sa'kin.
Cole's POV
Nakita ko ang simpleng tingin ni Mr. Cortez sa asawa ko.
Nakaramdam ako ng pagka-inis.
“Mr. Cortez, what brings you here?” I asked. Lihim 'kong tinignan ng masama si rang.
“I just want to talk with you about something, pero parang hindi na matutuloy.” He said. Nakatingin parin siya kay rang,ito naman si rang ay wala man lang paki sa paligid niya.
“Is she your sister? Reto mo naman ako.” Aniya.
Masasapak ko 'to!
“May asawa ako.” Sagot ni rang.
“Kung ang jowa nga naaagaw, asawa pa kaya.” Saad ni Mr.Cortez.
Napatayo naman si rang at walang emosyon na tumingin sakaniya.
Muling nag-ring ang cellphone ko. Hindi ito tungkol sa negosyo, tungkol ito kay rang kaya sinagot ko ang tawag.
Hindi ako umalis sa kinaroroonan ko.
[“Hoy gov! Magpakilala ka nga.”] Aniya sa telepono.
“I,Cole Mateo Garcia the husband of Maria Adrianna Villamor Garcia.” I said. Tumayo ako at hinapit ang bewang ni rang.
“Farewell, Senator Cortez.” Adri said.
Lumabas na Mr. Cortez na masama ang tingin sa'ming mag asawa.
Rang's POV
“Bitaw na, gov. Tapos na palabas.” Aniko. Sinunod niya naman ang utos ko.
Hindi naman governer itong si cole pero nasasanay ako na gov ang tawag ko sakan'ya.
Walang shooting ngayon si gov dahil kakatapos lang raw nung film-movie nila nung friday. 2-6 months ang tinagal niya do'n.
Once the script has been optioned by a studio, there is a period before the work can begin which is on average 309 days. After that, the averages are 146 days in pre-production, 106 days to shoot, and 301 days in post-production.
Magaling na aktor si Cole kaya nga sanay na sanay siyang memoryahin ang scripts niya. Many studio and production wants Cole to be the most famous and amazing actor. Director Rafael Abella, really do his job.
“Gov, uwi na ako.” Sambit ko. Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya, lagi namang gano'n. Umalis na ako dahil gusto daw akong makita ni mama.
I think she just miss me.
***
“Ma.” Bungad ko kay mama na nakaupo sa couch. Napansin ko ang pagiging aligaga niya. Hindi ganito ang palaging bungad naming mag-ina.
Lumapit si mama sa'kin. Nakita ko din ang pagbaba ni papa kasunod ang taong ayaw 'kong makita.
Pinili niya na magpa loko do'n sa hayop na nanggahasa sa'kin! Tapos ngayon babalik na naman siya?! Putangina tanging matatanggap ko lang puro sermon?! Nakakasawa!
“What the heck is he doing here?!” Pagalit 'kong tanong. Kulang na lang sugurin ko siya, pero hinaharangan ako ni mama.
“It's been a long time my dear sister, I've missed you a lot.” Sabi niya habang prenteng naka ngiti. Binigyan ko naman siya ng matalim na tingin. Nawala ang mga ngiti na nakapaskil sa mukha niya at napalitan ng walang emosyon.
“Talaga? Pwes! Hindi kita namiss! Kapal naman ng mukha mo magpakita dito!” Aniko.
“Maria!” Suway sa'kin ni papa. Binalingan ko din siya ng matalim na tingin.
“Isa ka pa.” Sabi ko at dinuro siya.
“Anak, tama na. Tapos na 'yung nangyari noon sa'yo..” Saad ni mama.
Lucas Dincent Villamor is a part of my nightmare. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa nila ng Torres na 'yon sa'kin.
He's my brother but he betrayed me. Hindi ko nga alam kung paano nakapasok sa buhay pa namin 'yan.
“Pinapunta mo lang ba ako dito para magalit? Kung Oo, f**k! all of you succeed.” Sabi ko. Natigilan ako nang magsalita si Lucas.
“Wala ka paring pinagbago, rang. Ang sakit mo pa rin magsalita...” Aniya, mahihimigan ang lungkot sa boses nito.
I don't like to cry, because my grandparents and mama taught me that "crying is for weak" so i won't crying.
Naiiba ang sitwasyon ngayon.
“You choose to hurt me,Lucas. Don't expect na hindi po ako magagalit at hindi rin mawawala ang tiwala ko sa'yo.” Sabi ko.
Hindi ko malilimutan ang araw na iyon, naiinis ako tuwing naaalala ko 'yon.
Nagulat ako nang biglang dumating si Cole dito sa bahay namin. Pumasok ito, nabungaran ko ang galit sa mata niya nang makita niya si Lucas.
“I didn't know that my beloved dear baby sister is married now. Hindi ko man lang nasaksihan ang pagiisang-dibdib niyo.” Sabi niya. Lumapit siya kay Cole at itinapik ang balikat nito.
“Take a good care of her. Mahal ko 'yang kapatid ko.” Aniya, bumalik naman ang tingin niya sa'kin. “ I'm still waiting for your forgiveness, rang. I'm waiting.” Dagdag niya at hinalikan ang noo ko.
'I'm willing to forgive him? Right?