
Ako si Ligaya. Isang simpleng babae lang na nag-aaral sa isang sikat na unibersidad kung saan marami kang makikitang sikat na mga modelo at artista ang nag-aaral doon.
Bakit ganyan ka makatingin? Artista din naman ako ah. Extra nga lang. Yung tipong mahahagip ka lang ng camera.
"Ayan na si Giaaan!" Sigaw ng mga fan girls ng isang sikat na artista.
Nakangiting sinundan ko siya ng tingin papalapit sa isang nerd na student.
Well, kung sa TV may eksena, dito din sa school meron ding isang matelenobelang eksena.
Ang binubullyng nerd, ang tinitingalang heart throb at ang mga spoiled brats na mga kontra-bida o mga panira moment sa eksena.
*Blaaag!* (wag kayong magulo. Tunog yan ng banggaan ni Gian at Gail.)
"Watch where you're going, you fool." Maangas na sabi nito kay Gail. Hindi din nagpatalo si nerd.
"Baka ikaw ata itong tatanga-tanga sa dinadaanan. Alam mong may tao babanggain pa. Alam na alam na sinadya mo." Sagot din nung Gail.
Biglang na-trigger yung mga fans nung Gian.
"Ang kapal talaga ng mukha niya." Sigaw nung isang babae.
"Hindi mo ba ako kilala?" Maangas na tanong ni Gian.
"Kilala syempre. Ikaw lang naman ang mayabang na artistang nag-aaral dito. Tsk! Bano naman umakting." Pang-aasar nung Gail. Napangisi ako dahil sa mga reaksyon ng mga tao sa paligid. Ang o-oa. Gulat na gulat ba naman sa sinabi nung nerd.
Nag walk out si nerd na may kasama pang pagflip ng buhok habang naiwang asar na asar itong si Gian.
Sabi sa inyo eh mala-drama itong school na to.
Susubaybayan nalang natin ang pag-iibigan nina Gian at Gail. Habang ikukwento ko sa inyo ang love story nila ng walang labis, walang kulang.
Pero sadyang mapagbiro nga talaga ang tadhana. Sa isang pangyayari, magtatagpo ang landas namin ni Gian. Paano kapag ang ordinaryong ako ay eeksena sa pagitan nung nerd at nung heartthrob? Magiging hangganan ba ako sa love story nila o mananatiling extra na lang?
"Ligaya...lapit ka nga dito!" Malumanay na utos niya sa akin habang ako ay nanatili pa rin sa harapan niya na parang naeestatwa.
Napaatras ako ng konti nang siya na mismo ang lumapit sa akin.
"G-Gian..." mahinang usal ko.
Dahan-dahang nilapit niya ang kanyang kamay sa dibdib ko at halos naririnig ko ang tunog ng tambol sa puso ko.
"Hayaan mo muna akong maramdaman ang t***k ng puso mo." Malambing na saad niya habang pinipikit ang mga mata nito.
Once he started listening my heart beats, I know that everything will not be as normal as it is.

