Dala dala ko na ang mga hinanda kong pagkain at inilagay sa tray. Lumabas na ako at nagtungo sa may swimming pool. Masaya akong nagtungo roon. Nakatalikod sa akin si Kingsley kaya diko makita ang mukha niya.
Nang malapit na ako ay agad akong napahinto. May kausap ito sa cellphone niya, I don't know why I felt nervous.
"Yes, okay," sabi nito sa kabilang linya.
"You take care okay? I love you!" sabi pa ng binata at nagpaalam na sa kausap niya. Di ko alam ba't may kirot akong naramdaman.
Kaya inayos ko muna ang sarili ko at unti unting humakbang papalapit kay Kingsley.
"Hi, I have something for you," nahihiya kong sabi dito at ngumiti ng bahagya na naging ngiwi dahil sa pagiging peke. Nagtataka niya akong tiningnan. Hindi ito nag salita at mataman lang akong tinitigan. Inayos ko ang dala ko at inilapag sa mesang naroroon. Umupo ako kaharap niya.
"I just want to say thank you and sorry," mahina kong saad, pero sapat na iyon upang marinig niya. I'm not that bad not to say sorry kaya I'm doing this to erase the guiltiness I felt towards him, I know I'm being rational but I know my limitations pag dating sa pagiging maldita ko. If it's my mistake I will gladly accept it, but if I'm right I will do everything to show them my side.
Di pa din ito umiimik kaya napayuko ako sa hiya. Aish! pakipot pa ba? Kainis lang din eh! nag effort ako tapos waley epek pala?
Nang iangat ko ang paningin sa kanya ay nagtama ang mga mata namin. Kinabahan ako sa uri ng mga titig niya. Kumuha siya ng isang sandwich at tinikman iyon. Hindi ako kumurap man lang, hinihintay ko ang sasabihin niya sa ginawa kong sandwich. Oo kalokohan na kung kalokohan pero kahit naman hindi ko yan niluto at simple lang ito ay gusto ko pa ding malaman ang magiging sagot nito. Daig ko pa ang sumali sa isang cooking contest na naghihintay kung ano ang magiging hatol. Umangat ang paningin niya sa akin ng matapos niya itong nguyain.
Kinuha naman nito ang black coffee na ginawa ko at sumusip siya doon medyo mainit pa kaya naman dahan dahan lang ang paginom niya dito. Nakita ko ang adams apple nito at kung paano nag taas baba dahil sa pag inom niya ng kape. Napatagal ang pagtitig ko doon at unti unting napalunok sa aking laway. Gosh! umiinit ang paligid. Biglang tumikhim ito kaya agad na napalipat ang tingin ko sa napaka gwapo nitong mukha.
"Well, it's seems you're enjoying watching me, don't you?" nang uudyo nitong sabi. Namula ang buong mukha ko, hmp! kainis talaga ako na nga itong nagpapakumbaba pero heto at nag sisimula na naman itong mang-asar. Nalusaw ang pagiisip ko nang bigla itong tumawa. Nangunot ang noo ko.
"It's delicious, I don't drink black coffee I prefer milk but because you make it for me, I'm gonna love this from now on," nakangisi nitong sabi. Namula akong lalo sa sinabi nito. Naisip ko tuloy yung kausap niya, swerte naman ng babaeng naging girlfriend nito. Haysss kung saan saan na naman lumilipad ang utak ko.
"I'm glad that you like it, hmm...how about the sandwich? is it good?" tanong ko dito.
"It's delicious, I definitely loved it," nakangiti nitong tugon.
"Thank you and I'm sorry too, I should not be rude to you," mahina kong sabi.
Tinitigan na naman niya ako ng kakaiba.
Ano naman tong taong lamig na ito.
May gusto sana akong itanong sa kanya eh, kaya lang nakakahiya.
"It's fine, but I'm serious about you not drinking alcohol," mataman niya akong tinitigan, seryoso talaga ang kanyang mga mata. Nagtaka tuloy ako, gusto ko mang magalit pero naunahan na ako ng kilig.
Sh*it! for the first time pinakilig niya ako!
sigaw ng isip ko. Nag poker face lang ako nang tumingin dito.
"Why?'' lakas loob kong tanong dito.
"I don't like you flirting with another men!" mariin nitong sabi at dumilim kaagad ang kanyang mukha. Napatawa tuloy ako sa kanya. It seems that he's my boyfriend.
"Why are you laughing?" kunot noo at takang taka nitong tanong.
Napailing tuloy ako.
"Are you my boyfriend?" tanong ko dito.
"I'm not," malamig nitong tugon at deretso lang din ang pagkakasambit nito. Parang tinusok naman ang aking puso dahil sa deretso niyang sagot. Yes I felt hurt, I don't know why I feel this kind of feeling, walang kami kahit nga siguro mutual understanding ay wala! Upang mapagtakpan ang sakit at kahihiyan ay matalim ko itong tiningnan, dahil kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa ito pinaglalamayan.
"Exactly! so don't command me because you're not my boyfriend! don't act as if you're so concerned about me. I already say thank you and I'm sorry also. From now on don't cross the line!" mahaba kong sabi dito at agad na tumayo. Nakita ko pa ang pag igting ng bagang nito but I don't care anymore, I'm so hurt! Dere deretso akong umalis at nagtungo sa taas. Tinawag niya ang pangalan ko pero di ko na ito nilingon pa. Nang makarating sa silid ay agad kong sinarado ang pintuan ko at nagtalokbong ako ng kumot. Ibinuhos ko doon ang sakit na nararamdaman ko. Feeling ko ay niloko ako, sh*t! wala namang kami? ano tong nararamdaman ko? ilusyon? oo tama ilusyon lang ang nararamdaman ko. Mas mabuti pang iwasan ko na lamang ito. I know he has a girlfriend already at narinig ko ang paguusap nila. Humagolhol ako ng iyak at para lang akong broken hearted. Kung may one sided love may one sided broken hearted din pala. Natawa na lang ako sa sarili ko, para akong tanga at baliw. Dahil sa labis na pag iyak ay agad akong hinila ng antok. Napahimbing ang tulog ko kaya di ko namalayan ang oras. Nang magmulat ako ng mga mata ko ay agad kong nasilayan ang madilim kong silid. Bumangon na ako at binuksan ang ilaw. Nang lumiwanag ay tiningnan ko muna ang orasan ko at nakita kong pasado alas otso na pala ng gabi. Kaya pala kanina pa nag wawala ang aking alaga sa tiyan. Tumungo kaagad ako sa banyo at naghilamos. Nanlaki ang mata ko sa aking hitsura, magang maga ang mata ko at halatang galing ako sa pag iyak. Paano na yan ngayun? ayaw kong lumabas na ganito ang hitsura ko. Anong iisipin nila? lalo na ng taong lamig na iyon. Ayaw kong isipin niya na siya ang dahilan ng pag iyak ko.
Lumabas ako ng banyo at tinawagan ang numero ni Kitkat siya na lang ang pag asa ko ngayon. Magpapahatid na lang ako sa kanya ng pagkain dito sa kwarto ko. Dinayal ko agad ang numero ng kasambahay namin.
Naka tatlong ring lang ito at agad na ding sumagot ang nasa kabilang linya.
"Hello Kitkat?" sabi ko.
"Ma'am kayo pala, me kelangan po ba kayo?" sagot nito kaagad.
"Can you please bring me a food? masakit ang ulo ko kaya ayaw ko munang lumabas," mahina kong saad dito.
"Ay, no problem ma'am!" masaya nitong tugon.
"Thank you Kitkat, please pakibilisan at talagang gutom na ako," nakalabi kong sabi dito.
"Ma'am yes ma'am!" sagot nito at bahagya akong natawa. Pinatay ko na agad ang linya ko at nagsimula na akong ayusin ang sarili ko at baka makahalata pa si Kitkat at mag tanong bakit ganito ang hitsura ko. Ano na lamang ang sasabihin ko? iniyakan ko yung lalaking wala namang kami? ano ako ilusyunada? no freaking way! Nang malagayan ng concealer ang ibaba ng mata ko ay agad akong nag pulbos at konting make up para gandara pa din ako.
May kumatok na sa pintuan kaya naman agad ko yong binuksan. Niluwagan ko ang bukas dahil may bitbit ng tray ng pagkain si Kitkat. Inilapag niya iyon sa center table.
"Maraming salamat ah," nakangiti kong tugon dito.
"Ay si ma'am, wala po yon," sabi nito at agad na ding umalis. Takam na takam na akong kumain. Nakalahati ko na ang aking pagkain ng may kumatok sa pintuan ko.
"Baka may pang himagas na dala si Kitkat." sabi ko sa sarili ko at dahil doon ay tuwang tuwa kong tinungo ang pintuan.
"May dala kang---" naputol ang sasabihin ko ng hindi si Kitkat ang nabungaran ko sa labas ng aking kwarto. Galit ko itong tiningnan.
"What are you doing here?" tinaasan ko ito ng kilay.
"I want to explain some---," si Kingsley.
"You don't need to, you may go!" putol ko sa sasabihin niya at agad ko ng sinarado ang pintuan. Napasandal ako sa may pinto ko dahil sa bilis ng t***k ng puso ko at parang nanginging ang aking tuhod. Nang makabawi ay agad na akong bumalik sa mesa at itinuloy ang pagkain don kahit nawalan na ako ng gana. Inisip kong dapat ay iwasan ko na ang binata ng tuluyan dahil pakiramdam ko ay mas lalo lang akong masasaktan sa kanya.