Makalipas ang mga araw ay naging busy na kami sa pag aayos ng aming coffee shop. Malapit na ang opening kaya aligaga kami at ng mga kaibigan ko. Maganda ang interior design at napaka aliwalas tingnan. Napakaganda din ng mga utensils namin, very unique. Lahat ng aming flavors ay pina test din namin. Lahat ay naging maayos na.
Ang mga trainee namin ay mahuhusay at talagang magagaling sila. Naging maayos ang takbo ng aming pagkaka trabaho. One week from now ay magbubukas na ang K-Fancy Coffee Shop. Pagod na pagod ang katawan ko kaya naisipan ko munang magtungo sa One Night Bar. Gabi na rin naman kaya alam kong maingay at marami ng tao ngayun ang bar.
Kanina pa nag si alisan ang mga kaibigan ko kaya ako na lang ang naiwan.
Sumakay na kaagad ako ng kotse ko at agad na pinasibad iyon. Nang makarating sa One Night Bar ay pinark ko muna ang kotse ko at bumaba na. Well, first time kong mag bar mag isa. Trip kong mapag isa ngayun.
Nabungaran ko ang nagsasayawan sa gitna ng dance floor. Parang gusto din sana niyang umindayog ngayong gabi. Pilyo siyang napangiti.
Umupo ako sa counter at nabungaran ko ang bartender. Hindi na iyon yung bartender nung nakaraan. Mas mabuti din yun para di ako mailang. Di ko type yun!
Nagpa cute naman ako sa bagong bartender.
"Margarita please!" matamis ko itong nginitian. Kumindat muna ito bago kumuha ng order ko. Makalipas lang ang ilang segundo ay inalapag na nito ang order ko.
"Thanks!" sabi ko sabay kagat ng pang ibabang labi ko. Sh*t hindi ako flirt, pero mas masaya pag ganitong may mapagbabalingan ka ng nararamdaman mo.
"Much welcome beautiful lady," kindat ng bartender sabay basa ng labi nito. Nanggigigil tuloy akong ituloy ang kapilyahang naisip. Pero di ko yun naituloy ng may biglang sumulpot sa aking tabi.
"Hi, Wynona right?" tanong ng bagong dating na lalaki at tinanguan lang ang bartender at agad itong umalis sa harap nila.
"Do I know you?" prangka kong tanong agad. Parang nainis ako dito.
"Oh! I'm sorry not to introduce myself first," nakangiti nitong sabi. Well diko maitatanggi na ang gwapo nito. Laging nakangiti ang kanyang mga mata at matangos din ang ilong. Nasa 5'9 ata ang taas nito o mas higit pa. He has a tanned skin that mostly I attract in a man. Bumalik ang mga mata ko sa mukha nito, hinihintay ko siyang magsalita.
"I'm Blythe, Joseph's cousin," ngiti nito sabay kindat sa akin. Inilahad pa nito ang kaliwang kamay. Dahil ayaw kong bastusin ang pinsan ni Joseph ay agad kong tinaggap ang kamay nito at nginitian ito pabalik. Mahina nitong pinisil ang kamay ko na para bang may gustong ipahiwatig. Binundol ng kaba ang puso ko at bigla na lang akong nakaramdam ng pagka ilang. Dahan dahan ko lang na hinila ang kamay ko.
"You already know me so no need to introduce myself," mataray kong sabi dito.
Natawa lang ang binata.
"I like your attitude," saad nito at tinawag ang bartender for his order at nag order ulit ako.
"Suit yourself, just drink what you want it's my treat," si Blythe sabay kindat.
Natawa na lang ako sa kahanginan niya.
Pero at least naman at may pa treat pa siya.
"Sure, thanks anyway," matamis kong ngiti dito.
"Can we have a little chit chat?" nanantyang tanong nito. Lumawak lang lalo ang ngiti ko.
"Sure, you can ask me anything," saad ko at uminom sa aking kopita.
"Woh! well I will grab that!" masaya nitong saad.
"You only have 3 questions, I will give you 30 seconds to ask," mataray ko ng sabi dito.
Nanlaki tuloy ang mata nito sa gulat.
Nang makabawi ay agad itong natawa.
"You're unbelievable," tawa pa din nito.
"You may start now!" sabi ko. Nanlaki ang mata niya pero agad ding nakabawi.
"Do you have a boyfriend? can I ask you out? what is your ideal man?" napakabilis ng pagkakatanong nito kaya natawa ako. Parang hinahabol ito ng kabayo dahil halatang hiningal ito.
"Hahahaha! sure na ba yang tanong mo? o di ka lang nakapag isip ng matino?" natatawa kong tanong dito.
"Nope, that's what I want to ask you," malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa akin at seryoso ang tono ng boses nito.
Napatagilid ang ulo ko.
"I will answer your questions," sabi ko at nilagok ko muna ang aking kopita bago pinagpatuloy ang sagot ko sa kanya.
"First, I don't have a boyfriend, second well if I give you a chance why not? you
can ask me out, and lastly my ideal man is simple, caring and loving and a man that I can trust and of course faithful," mahaba kong sabi. Nagliwanag ang mukha nito ng sabihin kong pwede niya akong aluking lumabas at of course di ko yun tatanggihan.
I want to focus on the other guy para hindi parating si Kingsley ang laman ng isipan ko.
"Wow! I thought your going to take me down!" halatang masaya ang boses nito.
"Are you single? really?" di ako makapaniwalang saad ko dito. Natawa ito sa tanong ko.
"I wouldn't ask you out if I have already a girlfriend," sabi nito at uminom na din sa kopita niya. Nagkibit balikat lang ako.
"Malay ko naman diba? kadalasan sa lalaki ngayun ay pretending to be single, paasahin ka sa wala," sabi ko at sumilay ang pait sa bibig ko. Yeah! like Kingsley, feeling boyfriend ko yun pala may girlfriend nah! anong gusto niya maging third wheel ako o kabit? nah! no way! pa fall lang talaga! hmp!
"Lalim ng hugot ah?" nagbibirong sabi ni Blythe.
"Alam mo ba kung gaano kalalim?'' ngiting tanong ko.
"Kasing lalim ng balon bah?" biro nito.
"Hmmm...malalim ba yon?" biro din niya dito kaya sabay na lang silang natawa.
"Do you want me to drive you home?" he asked me.
Sasagot na sana ako ng may biglang humila ng kamay ko kaya agad naman akong napatayo. Agad kong nilingon ang walang modong humila sa akin. Ang malapad na dibdib nito ang agad kong nakita, titingalain ko na sana siya ng bigla itong magsalita kaya hindi ko ito magawang tingnan sa mukha niya.
"Don't bother, I will bring her home!'' madiing sabi ng walang ibang taong lamig na pinaglihi sa kabute na laging sumusulpot ang pa fall na gustong maging two timer! walang iba kundi si Kingsley lang naman.
"Bro, hindi mo naman siya girlfriend hindi ba? so let her decide where she wants to go with," mahina ngunit may diin ding sabi ni Blythe.
"She will never choose dahil sa akin pa din siya sasama, whether she likes it or not!" matigas pa ding pahayag nito.
Alam kong di ito mag papatalo at ayaw ko sa lahat ay ang eskandalo. Kaya humogot ako ng hangin at dahan dahang nilingon si Blythe, di ko makita ang hitsura ni Kingsley dahil nakatalikod na ako sa kanya at Malapit lang ang aming mga katawan. Nakita kong matamang nagtitigan silang dalawa, parehong ayaw mag patalo at ayaw mag paawat.
"Sasama na ako sa kanya Blythe, don't worry he's a bodyguard of my brother kaya siguro siya nandito dahil pinapasundo na ako ni Kuya Brenn," mahina kong sabi dito at ngumiti ako ng pilit, ayaw ko sanang mag sinungaling pero kailangan na talaga at mukhang parehas palaban ang dalawang binata.
Bumaling si Blythe sa akin at pilit na ngumiti.
"It's okay, well can I have your number? I will call you for our first date," masigla nitong sabi. Sasagot na sana ako ng bigla akong hilahin ni Kingsley palayo. Hinila ko ang kamay ko dito pero ang lakas niya.
"Just ask Joseph for my number!" habol kong sigaw kay Blythe. Tumango naman ito bilang tugon sa akin.
Binaling ko ang mukha ko kay Kingsley at galit na galit ako sa kanya.
"Are you really out of your mind?" sigaw ko na dito. Nakarating kaagad kami sa sasakyan niyang dala.
Ni hindi man lang ito natinag o nagsalita man lang.
"Get in!" Pautos nitong sabi sa akin.
Padabong naman akong sumakay sa sasakyan. I really hate his guts! He acts like my boyfriend! anong gusto niya i two time ako? The hell no! I will never allow that to happen! Sumakay kaagad ito sa kabilang linya. Naka tatlong baso lang ako kaya di ako lasing. Mabibigat ang paghinga nito at halatang galit. Napakagaling nga naman, siya pa ang may ganang magalit samantalang siya tong pa asa at parang kabute na sulpot ng sulpot.
"Did I told you not to drink?" may nagbabantang saad nito. Nakatutok pa din ang mga mata nito sa dinadaanan namin.
Pagak akong natawa.
"Did I already told you that don't command me?" balik tanong ko dito. Sinulyapan niya ako saglit.
"I warned you! do you think I'm kidding?" ngumisi itong ngumiti at kinabahan na ako.
"Hah! I don't care about you! your just nothing but a bodyguard!" nangigigil at naiinis ko ng saad dito. Paranoid na siguro ang taong to.
"I will tell Kuya Brenn about this attitude of yours!" nagbabantang sabi ko dito.
"Do you think I'm afraid?" nakangisi nitong sabi. Laglag ang panga kong naka tingin dito. Nakakainis talaga!
"Hah! your so confident, don't you think?" maanghang kong sabi dito.
"Yes I'm really confident!" pagmamalaki pa nito.