Nag angat ako ng tingin nung may kumatok sa nakabukas nang pinto ng kwarto 'ko. Ngumiti ako nung nakita ko na si manang Luz iyon. "Yes po, bababa na." Sabi ko sa kanya. "Xia, may sundo ka iha." Sabi niya sakin. "Si Zai po ba?" Tanong 'ko. "Hindi mo naman pinsan iyong nasa baba eh." Sagot niya. Kumunot agad 'yung noo ko at mag tatanong na sana pero tumalikod na si manang Luz at naglakad paalis. Pinagkibit balikat ko na lang at kinuha 'yung bag ko sa study table tsaka sumunod na rin sa baba. Pumunta agad ako sa dining dahil alam 'kong nandoon si kuya. Yumakap ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. "Good morning, kuya." I greeted him. "Good morning." He nod at me as he greet me back. "May sundo ka ah." Sabi niya habang nakatingin sa'kin at umiinom sa kape niya Hindi

