[Gusto mo ba mag snacks sa labas?] Napangiti agad ako sa pag aaya ni kuya. Pauwi na ako ngayon, sinabi niya na hindi masyadong mahigpit 'yung duty niya dito hindi tulad sa Manila. Kaya if he have time, tatawagan niya 'ko para sunduin. "Libre mo ba?" pabirong tanong 'ko. [Mala--] Hindi ko na na tapos pakinggan 'yung sinabi ni kuya dahil may humila na sakin mula sa likod. Nakita 'ko 'yung mukha niya nung sinandal niya ko sa pader. Sa gilid 'to ng gen's building. "Ano ba?" Nasabi ko nalang dahil sobrang lapit ng mukha niya sa'kin . "Magkasama kayo kanina ni Raiden." Hindi 'ko alam 'kung tanong ba 'yon o sinasabi niya lang kaya hindi ako makasagot. Diretso'yung mata niya sa'kin at bahagya pang itinango 'yung ulo niya. Ang angas talaga ng lalaking 'to. "O-oo nga." Sagot

