Friday.
It's already passed midnight but i just can't fall asleep. My mind is completely captured by my thoughts. Parang ang dami dami 'kong iniisip pero, paulit ulit lang naman 'yung mga pangyayari sa nakalipas na apat na araw ko sa Hamilton.
Apat na araw pa lang pero parang ang tagal ko ng nagaaral do'n. Ano pa kaya 'yung dalawang taon sa senior high at ilang taon pa sa college.
Ilang minuto pa akong nahiga habang nag iisip ng kung ano-ano bago tuluyang mag pasya na tumayo.
Kinuha ko 'yung journal ko sa side table at hawak ko 'yong bumaba sa kusina..
Kumuha ako ng isaang basong gatas sa ref, umupo sa counter table at nag umpisang inumin 'yon.
Binuksan ko ang Journal ko at bumungad sakin ang apat sulat na galing sa iisang tao. Kay R.E.D
Bukod do'n nalita ko rin 'yung maliit na sticky note paper na pinagsulatan ni Rainer ng number niya. Binigay niya sakin 'to kahapon bago kami umuwi nila Jaxon at Zedric.
Bumuntong hininga ako at uminom ulit ng gatas.
Kinuha ko 'yung ballpen ko na naka attach sa journal at nilaro-laro ko 'yon sa kamay ko habang nakatingin parin sa initialss niya R.E.D.
Who are you?
My alarm rang at four am, i lazily get up from my bed and started my routine.
I walked like a sleepless cat to my closet and eventually go inside the bathroom.
Nang magising ang diwa 'ko, nag madali narin ako dahil kay Mirah ako sasabay ngayon at alam 'kong kailangang maaga siya. Hectic ang shed nila ngayon dahil malapit na ang Halloween Event ng Hamilton.
I ate my breakfast with manang Luz and waited for Zai. In just minutes, i heard a car horn outside.
"Aalis na po ako!" Sigaw kong paalam kay manang Luz at nag madali na ring lumabas ng bahay.
Pag dating sa Hamilton, dinial ko agad 'yung number ni Rajner na binigay niya sakin.
Okay, let's start living this world again, Xi. Make friends.
"Hey." Agad na bati ko nang sagutin niya 'yung tawag ko.
[Who's this?]
"You're a jerk for not recognizing my voice, Rainer."
[Woah, Xia! I didn't expect this, huh?]
Napairap agad ako dahil rinig na rinig ko 'yung pang aasar sa boses niya.
"Oh talaga?" Pikong tanong ko
I heard his chuckle from the other line, napangiti narin ako.
[Call to greet good morning?]
"Whatever." Nakangiting sabi ko.
[You look really beautiful every single day, miss Xia.]
I got shivers what he said that. Hindi tuloy ako makasagot.
[Care to turn back?] Tanong niya.
I already knew na nasa likod ko suya nung sinabi niya 'yon, so i didn't.
I heard footsteps behind me and when i turn around i was stunned when i saw his face just inches away with mine. I instantly stepped back.
Pinanood ko siyang tawanan ako dahil sa gulat ko.
Sinadya niya pang ibaba ang mukha niya para pantayan ang akin, napaka siraulo talaga. Ang aga-aga!
"Sige, tawa pa. Iyan ang ikamamatay mo." I muttered in annoyance
Tumatawa parin siya nang lumapit ulit sakin. Inakbayan niya ako at nag umpisa nang mag lakad, papalag na dapat ako pero may sinabi siya.
"Don't resist this time, may nanonood sa'tin."
I looked at him with confusion.
"Ano?" Tanong ko.
"Trust this jerk this time." Sagot niya lang at ngumisi.
Hindi na ko nangielam sa trip niya at hinayaan nalang siya.
"Save mo 'yung number ko." Sabi ko sa kanya at tiningala siya.
"Naka save na." Casual na sagot niya.
Kumunot naman agad ang noo ko.
"Kanino mo nakuha?"
"Sa kapatid ko, malamang." Simpleng sagot niya.
"Eh bakit binigay mo pa sakin 'yung number mo?" Intriga ko.
"Wala lang, gusto ko malaman kung tatawagan mo 'ko." Ngumiti siya. "Tapos tinawagan mo 'ko." Sabi pa niya.
"Ano ngayon?" Hamon mong tanong at pinag krus yung mga braso ko.
"Type mo ko no?" Tanong niya tsaka nag baba ng tingin sakin at tinignan ako ng malalim.
"Umamin ka na, hindi naman qko magagalit." sabi pa niya.
Tinanggal ko agad yung pag kakaakbay niya sakin at tinulak siya.
"Ang aga-aga, Rainer. Kabahan ka nga!" Sabi ko agad pero tinawanan niya lang ako ng tinawanan.
Natawa nalamg rin ako kahit wala namang nakakatawa. Ang aga-aga ang dami nang paganap ng lalaking 'to.
Medyo busy ngayong araw at wala kaming free time para makapag practice. Sa totoo lang, medyo kinakabahan ako dahil hindi pa ko nakakapag practice kahit isang beses kasama si Raiden. Hindi ko parin siya nakikita simula kaninang umaga.
After class, dumeretso agad ako sa dance club. Pag paosk ko inabutan ko agad si Raide na nag papractice na magisa.
Napabilib agad ako kahit konti lang yung napanood ko. Kahit alam kong nag sasayaw talaga siya, nagulat parin ako.
Wala tala sa itsura nilang dalawa ni Rainer ang pag sasayaw pero ang galing nilang dalawa.
"Hi." Bati ko agad sa kanya.
"Hi." Ngumiti siya.
Ang gwapo, shems!
"Wala sila Zai at Rei ngayon nasa General's office sila." Tapatango nalang ako.
Wag practice agad kami ng ilang ulit bago isayaw yung buong kanta ng tuloy-tuloy. Ang galing niya agad.
"Tama na muna 'yon."
"Isa pa. Wala na tayong time mag practice."
"Nakuha at nagagawa mo ng maayos yung buong choreo, okay na 'yon."
"Eh ikaw?" Tanong ko.
"Kabisado ko na."
"Agad?"
Tumango siya. "I've been practicing."
"Ng magisa?"
He nod again and chuckled.
"Bakit? Sana tinawagan mo ko."
"Mapapagod ka lang, kaya ko naman."
"Ang sweet naman." Pangasar ko siya.
At pabirong tinulak.
Sinagot niya lang ako ng mamahalin niyang ngiti. Grabe, ang gwapo.
Nag ligpit lang kami ng konti at pinatay 'yung ilaw bago kami lumabas sa dance club.
IKinuha niya agad 'yung bag ko sa kamay ko pag labas namin at sinabit niya 'yon sa balikat niya.
Nakangiti akong lumayo ng konti para mas makita ko siya ng maayos habang nakasabit sa balikat niya 'yung bag ko.
"In fairness, bagay sayo ah." Nakangiting pangaasar ko.
"Hindi ka pala pwedeng mapagod." Sabi niya lang habang nakatingin sakin..
I stared at him intently, studying his face.
"Who told you that?" Tanong ko.
"Someone." He answered ang started walking.
Sumunod ako agad sa kanya at sinabayan siyang mag lakad.
"Kaya ko." Sabi ko at sinubukang kuhanin 'yung bag ko pero nilayo niyo agad.
"Still."
"I know my limit, it's my body." Sabi ko.
"If you say so." Sabi niya at nag kibit-balikat. "But still no."
I said nothing and just stare at him for a long time.
"You should have told me." Sabi niya at nilingon niya ko, finally. "Pano 'kung pinilit kitang mag practice ng mag practice?"
"Is that a plaque i need to be proud of?" I asked and pouted.
Gusto ko sanang itago nalang dahil ayokong maging iba na naman ang pakitungo nila sakin gaya sa dati kong school dahil lang alam nila 'yung kondisyon ko.
"Who told you?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Si Jaxon." Sagot niya havang nakatingin parin sakin.
Kumunot agad 'yung noo ko. "Yung pinsan ko?"
"May iba pa ba?"
sumimangot nalang ako at hindi na sumagot.
"Sasali ka daw sa archery?" Tanong niya.
"Oo, kanino mo na nman nalaan, kay Jaxon?" Tanong ko naman.
"Kay Rei." Sagot nita at mahinang tumawa dahil sa reaksyon ko.
I scoffed. Ang dami niya naman atang source?
"Ang dami mong alam ah, amo pang alam mo?"
"Kailangan ko pa bang isa-isahin?"
"Pss, wag na!"
"Archery 'yung kinuha 'kong sports kasi, bawal akong mapagod. Kaya pumili ako ng sports na hindi ako masyadong mapapagod pero maeenjoy ko paring gawin."
nagangat ako ng tinginsa kanya at nakitang nakatingin nasiya sakin. Nagiwas agad ako ng tingin ng hindi pinapakitang nahihiya ako.
Crush ko talaga siya. Nakakainlove 'yung tingin niya.
"Talaga bang gusto mo si Heaven?" Biglang tanong ko.
Napakagat ako agat sa ibabang labi ko, parang gusto ko nalang tumakbo palayo rito dahil sa tinanong ko. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya o kahiya-hiya ba talaga 'yung taonong ko pero iyon 'yung nararamdaman ko!
"Oo naman." Sagot niya.
Mas diniinan ko pa 'yung kagat ko s alabi ko, nakakainis!
"Pero mas gusto kita." Casual na sabi niya, smooth na smooth lang kaya hindi ko nasahan.
Literal na bumuka 'yung bibig ko dahil dahil sa gulat sa sinabi niya. Parang gusto 'kong sumagot agad pa kunwari aya wala lang epekto sakin 'yung mga sinabi niya pero, walang pumapasok na kahit ano sa isip ko.
"Tandaan mo 'yon." Sabi pa niya.
I look away and bit my lower lip. I can feel my cheeks heating, no doubt, i'm blushing like a giant tomato.
"Eh bakit sabi mo sakin nung championship na--"
"Kase ang taray mo." Hindi na niya ko pinatapos.
"Pakiramdam ko hindi mo ko gusto, wrong timing ata ako." Sabi pa niya.
"Hindi kaya." mahinang sagot ko.
Ilang sandali ko pa siyang tinitigan bago ako mag baba ng tingin. Naka baba na kam ngayon sa ground floor at palabas na ng Lieutenant Cross.
That time when i met him sa garden, pakiramdam ko iyon na 'yung first day ko dito sa Hamilton. Tsaka sobrang gwapo niya kaya no'n habang suot 'yung jersey n iya taposo plus fact pa na sunundan niya ko sa kalagitnaan ng game nila para lang ibalik 'yung phone ko at bigyan ako ng nagyeyelong bottled water! Hindi siya wrong timing, kasi kung hindi siya dumating no'n wala akong ibang iisipin buong araw kundi 'yung galit ni mommy.
Nasa quadrangle na kami ngayon, alam 'kong ihahatid niya ko gym dahil nandon sila Jaxon.
"Pano mo nga pala nakabisado ng magisa 'yung sayaw." Tanong ko sa kanya.
"Nasa Sorsogon palang ako nag send na sakin si Zai ng video ng choreo. I's kinda talented, so..." PAgmamalaki niya at at nakangiting nilingon ao.
"Ang yabang." Biro ko.
"No'ng una kasi inakabahan ako. Hindi pa tayo nakakpag practice n mag kassama, baka ang ending si Rainer talaga 'yung maging partner ko."
"Wag ka nang titingin at ngingiti sa kapatid ko gaya ng ginawa mo kapahon at kaninang umaga."
"H-hah?'
"Magkakapikunan lang kaming dalawa."