KRESHA’S POV
Nag-aasikaso na ko para sa date namin ni Kyle. Hindi ko pa rin alam kung ano nga ba ang dapat kong suotin. Hindi ako comportable sa ma binibigay ni Senia na dress.
“Yan! Perfect!” napalakpak pa na sabi niya. Tinignan ko naman muli sa salamin ang dress na suot ko. Okaay naman siya hindi lang ako sanay na ganito kaiksi ang dress na susuotin ko hanggang mamaya.
“Hindi ba masaydong maiksi? Baka isipin niya inaakit klo siya,” sabi ko naman at hinihila pababa ang dress.
“Loka ka, Girl! Anong maiksi? Ayos lang yan. Bagay na bagay naman sa iyo,” sabi niya pa sa akin at inayos ang likod.
“Sure ka na talaga dito?” nag-aalangang tanong ko at muling bumalik sa ahrap ng salamin at chinecked ang dress.
“Yes, sure na sure hundred percent!” nakangiting sabi niya bilang pagsang-ayon.
Wala na akong nagawa dahil alam ko kung opagpiupilitan ko ang gusto ko ay lalaitin niya ako na mukha akong a-attend ng kasal. Kaya naman pumayag na ako na iyon na lang ang suotin ko.
Ilang saglit lang ay dumating na siya. Umalis na rin naman si Senia bago ako sumama kay Kyle. Hindi pa rin ako sanay na wala na si Vince. Dahil kinakabahan pa rin ako na baka mahuli niya kai ni Kyle.
“Are you okay?” tanong ni Kyle sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya bago tumango. Umalis na kami ilang minuto ang tinagal namin sa biyahe bago kami nakarating sa pupuntahan namin.
Napahanga ako sa ganda. Nasa rooftop kami at may naka-arrange na rin doon ng dinner date. Napangiti ako sa kaniya at niyakap ko siya. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko.
“Nagustuhan mo ba?” tanong niya sa akin.
“Ang ganda, you made my day,” nakangiting sabi ko sa kaniya. Lumakad na kami papalapit bago niya ako inalalayang umupo. Ang sweet at ang gentleman na tao niya. Naalala ko talaga sa kaniya ang daddy niya.
Bigla ko na namang naalala si Vince. Ano na kaya ang ginagawa niya? Ayos lang ba siya?
“You’re so beautiful,” seryosong sabi niya pa kaya naman ngumiti ako para mas lalo siyang matigilan.
“Ilang beses mo na sinabi iyan ngayong gabi?” natatawang sabi ko sa kaniya.
“Hindi ako magsasawang ipaalala iyon sa iyo,” sabi at hinawakan pa ang kamay ko.
Kasunod noon ang pagtutog ng Violin at ang pagdating ng mga pagkain. I-enjoy ko na lang ang sandaling ito na kasama ko siya. Nagsimula kaming kumain at nagkwentuhan.
“Wait,” sabi niya at tumayo. Nagtaka naman akong tumingin sa kaniya. May kinuha siya sa bulsa niya at maya-maya ay nilabas niya iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang nasa kamay niya.
“Kyle,” hindi makapaniwalang sambit ko habang nakatingin sa kaniya.
“Don’t worry. It’s just a ring. Just a sign for my love. Next time, the ring that I will wear to your finger is a wedding ring,” nakangiting sabi niya. Pero kahit na hindi iyon proposal ring ay ang saya ko. Dahan-dahan niyang isinuot iyon sa kamay ko. Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit.
“Thank you,” nakangiting sabi ko at tinignan pa ang singsing na suot ko.
“Let’s dance?” tanong niay kaya namaniniabot ko ang kamay ko sa kaniya bago kai sumayaw.
Nakayakap na ako sa kaniya habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. Dahan-dahan lang kaming sumayaw. Tama lang ang tugtog na nagmumula sa violin para sa light dinner date namin. Damang-dama ko rin ang hangin na dumadampi sa balat ko. Mabuti na lang at nakayakap ako kay Kyle kaya naman hindi nililipad ang dress ko.
“How’s your day?” tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako at tumingin sa kaniya.
“Yan ang sagot ko,” sabi ko. Ngumiti naman siya kaya kita ko ang dimples niya.
Hinawakan niya pa ang mukha ko. Nagkatitigan lang kami habang nasayaw kami sa ilalim ng buwan. Ang saya ng puso ko. Nawala na ang lahat ng pag-aalinlangan ko. Nawala na rin ang stress sa buhay ko. Napalitan iyon ng saya. Sana lang ay huwag nang magbago ito. Sana lang ay magtagal kami nang ganito lang. Walang away na nagaganap. Puro lang pagmamaghalan.
Pero alam kong napaka-imposible ng bagay na iyon lalo na kung hindi ko pa nasasabi ang tungkol sa amin ng Daddy niya. Alam kong hindi pa ako safe sa mga sikreto ko. At alam ko rin nadarating ang araw na malalaman niya ang lahat.
Hinawakan niya ang mukha ko bago nagsalita.
“I love you, El,” sabi niya pa bago ako hinalikan sa mga labi ko.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Parang huminto ang oras at kami lang ang andito habang tumutunog ang violin sa paligid ko.
Hindi ko ito naramdaman noong hinahalikan ako ni Vince. Tanging si Kyle lang ang nakakagawa ng ganito sa akin. Napaka-passionate niya. Parang napaka-kalmado lang ng lahat ng bagay sa kaniya.
Nagtagal ang posisyon naming iyon nang tumigil ang violin. Nagbalik kami sa reyalidad. Gayunpaman ay masaya pa rin ako dahil nakilala ko siya.
“Naalala mo pa noong paalis pa lang ako ng airport? Noong tinalsikan mo ako ng tubig at hindi ka nag-sorry? Alam mo bang gusto kong batuhin yung kotse mo non?” sabi ko sa kaniya at natatawa ako sa tuwing maalala ko iyon. Tumawa naman siya noon.
“Mag-sorry na sana ako kaso noong nakita kita hindi ko na nagawa pang mag-sorry. Gusto sana kitang ihatid at sabay tayong pumunta sa airport pero sa unang pagkikita pa lang natin ay wrong timing na,” natatawang sabi niya pa.
“Bakit hindi ka man lang nag-sorry? Iniwan mo pa talaga ako! Kung alam ko lang na ikaw yung ka-meeting ko edi sana nagpa-late na lang ako ng flight,” sabi ko sa kaniya.
“It’s just a blessing for me,” nakangiting sabi niya sa akin na ipinagtaka ko.
“Blessing?”
“Kasi kung nag-sorry ako noong panahon na iyon. Hindi ako tuluyang mai-in love sa iyo. Hindi ko makikita na nagagalit ka at nagsusungit ka ng ganoon,” sabi niya pa at tumawa. Mahina ko naman siyang hinampas.
“Loko ka!” natatawang sambit ko sa kaniya. Nagpatuloy kami sa pagkain dahil nagutom ako bigla sa pagsasayaw namin. Parang hinihigop niya ang lakas ko.
Lumipas pa ang ilang minuto nang maisipan kong magbanyo. Bumaba ako mag-isa dahil safe naman doon. Nakapasok naman ako sa banyo at mabuti na lang at may mga tao pa dito.
Ilang minuto akong nanatili doon bago ko maisipang lumabas na at bumalik sa taas. Hindi pa man ako nakaka-akyat ng elevator nang may humila sa akin. Natigilan ako nang makita ko kung sino iyon. Hinila niya ako at dinala sa isang madilim na parte. Isinandal niya ako sa pader kaya mas lalo kong nakita kung sino iyon.
“Vince?” gulat na gulat na tanong ko. Hindi ko inaasahan na andito siya. Anong ginagawa niya dito? Paano siya nakapunta dito?
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Kaya para akong tinusok nang makita ko ang mata niya. Malungkot iyon hindi na katulad noon na sa tuwing titignan ko ay nagniningning.
"Is he the cause? How long have you been in a relationship with him?” seryosong tanong niya sa akin.
“Vince, magpapaliwanag ako. Hindi iyon ang dahilan. Matagal ko nang desisyon iyon,” sabi ko pa sa kaniya.
“f**k that reason, Faith! Just answer me, honestly!” Kita ko sa mga mata niya ang galit. Hindi ko alam pero natakot ako. First time kong makitang ganon siya.
“Do you realize he's my son? Were you planning on it? How long did you deceive me?” tanong niya pa.
“No, hindi ko alam. Nalaman ko lang na iisa sila ni Tristan noong pumunta ka ng palawan,” sabi ko sa kaniya.
“So siya ang may-ari ng farm na pinuntahan mo? What makes my son so special to you to all of those people? Is this your plan to exact vengeance on me?” tanong niyang muli.
“No! Even though I was already in a lot of pain, it never occurred to me to repay you. Because I am deeply indebted to you and understand that I am merely your mistress requesting your time,” sabi ko pa sa akniya.
“So, how much longer? How long have you been dating him?” seryosong tanong niya pa.
“Since I’m in Palawan,” nakatungong sagot ko.
Hindi siya sumagot at kumuha lang ng hangin mula sa bibig niya.
“Vince, I’m sorry. I’m sorry for hurting you like this. I’m sorry. Hindi ko intensyon ang lahat ng ito. Hindi ko rin plano na saktan ka. Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa kaniya. Kung alam ko lang na siya ang anak mong si Tristan ay lalayuan ko siya pero huli na nang malaman ko kung kailan nahulog na ako sa kaniya,” mahabang paliwanag ko at tumingin siya ng seryoso sa akin.
“Does he know about us?” tanong niya ulit na ikinatigil ko. Natatakot akong napatingin sa kaniya.
“N-not yet,” sagot ko ulit.
Nakita kong ngumiti siya ng mapait.
“Vince, please. Don’t tell him. I’m begging. I love your son. I really love him,” sabi ko pa sa kaniya at hinawakan ang kamay niya pero bigla niya iyong tinanggal sa kamay niya.
“You are just my mistress, You have no right to command me,” seryosong sabi niya na ikinatigil ko. Galit siya. Kita ko sa mga mata niya na nasaktan ko siya ng sobra.
“Vince, please. I don't give you orders. I'm just pleading with you not to tell him.” Sinusubukan kong makumbinsi siya na huwag niyang sabihin kay Kyle ang lahat.
“And what are your plans? Will you also keep it from my son? Aren’t you tired of lying to me and hurting me?” tanong niya pa at tumawa ng peke.
“Vince, no-”
“THEN WHAT?!” sigaw niya na ikinatigil ko.
“Sasabihin ko rin sa kaniya ang lahat. Promise, just give me a time,” sambit ko kahit na natatakot ako dahil alam kong galit na galit siya. Hindi siya umimik nanatiling nakatikom ang kamao niya kay sobra akong kinakabahan.
“Do you love him?” seryosong tanong niya at tumingin sa akin.
Hindi agad ako sumagot. Ayoko siyang saktan pero dahil andito na siya hindi ko na kailangang magtago pa ng nararamdaman ko.
Akmang magsasalita na sana ko nang bigla siyang lumapit at halikan ako. Natigilan ako dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon.
Nagtagal iyon ng ilang sandali nang may marinig kaming yapak na papalapit sa amin kaya naman naitulak ko siya ng wala sa oras.
Narinig ko naman na tumawa si Kyle kaya napatingin ako kay Vince.
“Please,” nagmamakaawang sambit ko. Hindi siya tumingin sa akin at nakatingin lang kay Kyle. Kinakabahan ako sa maari niyang gawin. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko bago ako lumakad papalapit kay Kyle.