KRESHA’S POV
Maaga pa lang ay bumangon na ako. Ang totoo ay hindi talaga ako nakatulog simula kagabi. Parang buong magdamag lang ako nakatulala sa kisame habang iniisip ang nangyari. Sobra akong nakokonsensya dahil sa ginawa ko kay Vince.
Dahil ayokong ma-stress pa ay agad akong kumilos bago ako pumuntang Cafe. Para malibang ko na rin ang sarili ko.
Wala pa akong pinagsabihan ng lahat ng nangyari. Kaya naman agad akong pumuntang Cafe. Nang makarating ako ay agad akong nag-park at pumasok. Binati naman nila ako tanging tungo lang ang ginawa ko. Alam kong nagtataka sila kung bakit hindi ko tinatanggal ang sunglasses ko.
Hanggang sa makapasok ako ay nanatili akong suot iyon. Dumiretso ako sa may office ko at inilagay ang gamit ko doon. Hindi pa ako nakakasimula nang biglang may kumatok sa pinto. Kaya naman hinayaan ko siyang pumasok.
Bumungad sa akin si Jaylie na may dalang supot. Napataas ang kilay ko nang makita ko ang dala niya.
“Ma’am, good morning po. May nagpapabigay po,” sabi niya at inilagay ang supot sa mesa ko. Nagtataka naman akong binuksan iyon. Nakita ko ang pandesal na may kasamang coco jam. Hindi ko alam perop napangiti ako. Alam ko namang si Kyle ang may pakana na naman nito.
“Mukhang nagustuhan niyo po ang padala ni Sir, Ma’am,” nakangiting sabi niya kaya naman nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Napatingin ako agad sa kaniya ng nagtataka.
“What? Kanino galing itoi?” tanong ko. May tinuro naman siya at napatingin ako sa isang papel na kasama ng supot.
Natigilan ako ng mabasa kung kanino galing. Galing kay Vince. Bakit ba nakalimutan kong parehas lang sila ng ginagawa ni Kyle? Hindi ko alam pero nalungkot ako nang malamang hindi iyon galing kay Kyle. Kaya naman ngumiti na lang ako sa kaniya bago siya lumabas.
Kumain na lang ako. Alam ko kasing malulungkot siya kung hindi ko kakainin ang padala niyang pagkain. Kaya para makabawi ay kakainin ko na lang ito. Ayoko rin namang itapon dahil sayang. Wala ring masama kung tatanggapin ko ito isa pa nagugutom na rin ako. Itabi ko yung natira sa table ko bago ako nagsimulang magtrabaho.
Ilang sandali ay may muling kumatok sa pinto ng office ko. Gaya kanian ay hinyaan ko lang na pumasok kun g sino man iyon. Pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Kyle na nakangiti habang papalapit sa akin. Napangiti na lang ako nang bigla niyang i-abot ang isang supot. Inilagay ko iyon sa table ko at tumayo para salubungin siya.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya.
“I miss you, hindi mo sinasagot ang mga tawag ko,” sabi niya pa. Ngumiti naman ako. Ang saya lang dahil ngayon ang unang araw na pwede kami maging legal.
“Sorry, nakatulog agad ako kagabi,” sabi ko sa kaniya.
“Here, kumain ka muna,” sabi niya habang hawak ang supot. Pero nagulat ako nang mapatingin siya sa may table ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang supot na may lamang pandesal yung galing kay Vince. Kaya naman agad akong bumalik sa upuan.
“Kumain ka na?” nagtatakang tanong niya habang nakatinginpa rin sa pandesal na nasa mesa ko agad ko naman iyonn kinuha.
“Kakainin ko ito,” sabi ko sa kaniya at kinuha ang supot na dala niya.
“Kanino galing ito?” nagtatakang tanong na naman niya.
“Nagpabili ako kanina dahil maaga akong pumunta rito,” palusot ko para hindi na siya magtanong pa. Nakita ko namang tumango-tango pa siya bago siya pumunta sa harap ko at umupo.
“Bakit naka-sanglasses ka?” nagtataka pa rin niyang tanong kaya naman ngumiti ako.
“May sore eyes ako,” palusot ko na naman kahit na ang totoo ay namamaga talaga ang mata ko kakaiyak kagabi.
Nakita ko namang ngumiti siya bago hinawakan ang mukha ko. Kapwa lang kaming naktingin sa isa’t-isa nang biglang may kumatok at bumukas ang pinto.
Huli na nang maalis niya ang kamay niya sa mukha ko dahil nakapasok na ang kumatok.
“Oh, sorry. Andiyan ka pala,” sabi ni Hersenia at ngumiti. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na siya lang pala iyon.
“Sige kakausapin na lang kita mamaya, Mars. Enjoy!” nakangiting sambit niya at lumabas na ng office. Na-awkward-han kami bigla. Katahimikan ang bumalot sa buong office bago siya nagsalita.
“Let’s date? I will fetch you later,” sabi niya pa at ngumiti.
“Sure,” nakangiting sagot ko naman sa kaniya.
Iba lang ang pakiramdam ko kapag andiyan siya. Feel ko ang safety ko kapag kasama ko siya.
***
“Hoy, Mars. Baka gusto mong mag-kwento? Ano magtititigan lang tayo dito?” tanong niya pa habang nanguya ng steak. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“Nakipaghiwalay na ako kay Vince,” sabi ko sa kaniya na ikinagulat niya.
“Seryoso ba yan, Mars? As in? Naghiwalay na talaga kayo?” tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot at nanataling nakatungo.
“OMG! Confratulations, Mars! Right desisyon!” sabi niya at tuwang-tuwa pa na animo’y nanalo sa loto.
“Sira ka, Mars,” sabi ko pa sa kaniya at natawa sa sinabi niya.
“Infairness, Mars. Ang galing mo diyan,” sabi niya pa at pumalakpak.
“Nakokonsesnya ako,” sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na natahimik siya. Umikot pa ang mata niya bago nagsalita.
“Bakit siya ba nakonsensya siya sa iniwan niyang kahihiyan sayo? Dapat lang iyon. Kung hindi ka niya kayang panindigan ay huwag ka lang niyang paasahin pa. Mabuti nga at dumating si Kyle.” sabi niya pa at halatang naiinis kay Vince.
“Hindi rin madali iyon, Mars. Nahihirapan rin siya,” sabi ko sa kaniya.
“Aba! Sino bang nadaadalian sa sitwasyon? Ikaw na nga ang kawawa dahil kung anu-anong pang-iinsulkto ang ginawa ni Hanny Reyes na iyon sa iyo,” sabi niya pa.’
Hindi na ako naka-imik pa. Tama siya. Hindi lang siya ang nahirapan at nasaktan. Maski ako ay nasaktan rin sa nangyari.
“Kaya hindi niya pwedeng isisi sa iyo ang lahat ng paghihirap niya. Siya ang mas matanda dapat alam na niya ang tama sa mali. Siya mismo ang may kagustuhang masira ang pamilya niya at hindi ikaw,” dugtong niya pa.
“Pero malaki ang utang na loob ko sa kaniya,” sabi ko sa kaniya.
“Pera ang utang mo sa kaniya. Nabayaran mo na iyon sa ilang taong ginamit ka niya sa tuwing mag-aaway sila ng asawa niya,” sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang hindi masaktan pero totoo iyon.
Huminga ako ng malalim. Kahit na anong gawin ko ay mali rin ako. Hindi naman pwedeng siya lang ang sisihin ko rito. Parehas kami ang gumawa nito dapat ay parehas rin naming pagbayaran ang mga kasalanan namin.
“Mabuti na lang talaga at andiyan si Kyle na handang saluhin ka. Teka nga, nasabi mo na rin ba kay Kyle?” tanong niya. Hindi ako nagsalita. Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko nga ba ang lahat sa kaniya.
Natatakot ako na baka lumayo at magalit siya sa akin.
“Mars, sabihin mo na sa kaniya habang maaga pa. Bago siya pa muismo ang maka-discover ng lahat,” sabi pa kaya naman nag-aalangan akong tumingin sa kaniya.
“Mars, kung ano man ang maging desisyon nila ay hayaan mo na lang at tanggapin. Kung sakaling lumayo sila, malas nila. Pinakawalan nila ang kagaya mo,” sabi ni Senia at hinawakan ang kamay ko.
“Andito lang ako kapag kailangan mo ng kaibigan. Ganito lang ako pero susuportahan kita sa lahat,” sabi niya at ngumiti. Napanagiti na lang ako sa sinabi. Mabuti na lang at may ganito akong kaibigan. Malasin man ako sa lovelife maswerte ako at kaibigan ko siya.
Niayakap ko lang siya.
“Bakit ba naka-sunglasses ka diyan? Don’t tell me namamaga ang mata mo?” natatawang sabi niya pa. Tumawa lang ako dahil kahit kailan kilala na niya talaga ako. Kahit na anong pagtatago ang gawin ko ay alam niya ang kahinaan ko.