KRESHA’S POV “Ma’am Faith, nai-send ko na po ang inventory ng august,” sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim at tumango sa kaniya bago ako pumasok sa office ko. Na-stress ako dahil hanggang ngayon ay niloloko ko pa rin silang dalawa. Kung pwede nga lang ay lumayo muna ako sa kanila. Ayoko nang ma-stress ng ganito. Dahil feeling ko mababaliw ako kakaisip sa problema ko. Maya-maya pa ay may kumatok mula sa pintuan. Pumasok rin naman siya. Bumungad sa akin si Senia na may dalang pandesal at coco jam. Napataas naman ang kilay ko at tinignan siya. “Galing yan sa manliligaw mo, pinapaabot,” sabi niya pa kaya naman agad akong nagataka. “Paano?” nagtataka pa ring tanong ko. “We’re close! Kinuha niya ang number ko sa f*******:. Nakakakilig hindi ba? Malay mo kapag nagising siya sa akin an

