CHAPTER 17

1341 Words
KRESHA’S POV Isang ngiti ang bungad sa akin ng isang waiter sa cafe. Kaya naman isa ring ngiti ang binigay ko sa kaniya bago pumasok sa Cafe. Agad akong pumasok sa office ko bago umupo sa swivel chair. Isang malalim na pahinga ang ginawa ko. Habang natagal ay mas lalong dumadami at lumalaki ang problema ko. Siguro ay mas dapat ko nang sabihin kay Vince ang lahat. Ipinatong ko ang ulo ko sa mesa. Umaga pa lang ay parang pagod na ako. Hindi talaga magiging masaya ang isang tao kung may tinatago itong sikreto. Kaya naman minabuti ko na lamang magsimula sa pag-asikaaso ng mga inventory ng cafe. Hindi pa mana ako nakakpagsimula nang biglang may kumatok sa pintuan. “Ma’am, pasensya na po. Pero may nahahanap po kasi sa inyo,” sabi niya pa kaya naman nagtka akong tumingin sa kaniya. “Anong problema?” tanong ko sa kaniya bago ako tumyo. Hindi naman kaya si Kyle na naman iyon? Pero ang sabi niyaa ay alis siya at sa linggo pa siya makakabalik. Kaya naman nagtataka akong lumabas ng office. Dito pa lang ay rinig ko na ang isang babae na kinakausap ang manager ng Cafe. “Excuse me? I’m the owner of this Cafe,” pakilala ko naman at natigilan siya sa pagsasalita bago humarap sa akin. Natigilan rin ak nang makita ko kung sino iyon. Hindi ko inasahan na andito siya at makikita ko siya dito. Para bang huminto ang buong katawan ko nang makita ko siya. Anong ginagawa niya dito? “Oh, you,” sabi niya habang ngumiti ng matamis sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa ngiti niyang iyon. Anong bang ginagawa niya dito? Bakit siya andito? “Ma’am ano pong problema? Bakit niyo sinisigawan ng tauhan ng Cafe?” tanong ko ng maayos kahit na hinakabahan talaga ako sa maaari niyang gawin. Tamaayo pa siya at tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. Tinignan ko naman siya ng maayos kahit na nakakainsulto ang ginagawa niya. “So, ikaw nga. Kumusta? I know you know who I am,” nakangitingg sabi niya pa. Alam kong may ibig sabihin ang ngiti niyang iyon. Nagsisimula na akong kabahan. Hindi ko talaga mabasa kung ano ang iiniisip niya. “Ma’am, hindi ko po alam ang sinasabi niyo,” sabi ko pa at Kinakabahang humarap sa kaniya. Kailangan kong lakasan ang loob ko para maitago ang kabang nararamdaman ko. Nakita ko siyang tumawa nang sarcastic bago umikot sa paligid ko. “Maganda ka, bata rin. Hindi nakakagulat na pinatulan ka niya,” sabi niya na ikinabigla ko. Kahit na gusto kong sumagot ay pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong mag-iskandalo rito. Sa sarili kong cafe. Ayokong masira ito dahil lang sa personal kong issue. Huminga ak ng malalim para mapanatili ang pagiging kalmado ko. “Ma’am kung wala po kayong complain about my Cafe. Aalis na po ako,” sabi ko pa at akmang aalis na nang magsalita siya. “Wow! So totoo nga ang kasabihan. Kung sino pa ang kabit, siya pa ang matapang,” natatawang sabi niya at humarap sa mga amiga niya. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong sumagot. Base sa kaniya mukhang alam na niya na ako ang kabit ng asawa niya. Wala rin ako sa posisyon ngayon na humarap sa kaniya dahil tama siya, isa lang naman akong kerida. Siya pa rin ang legal. Pero hindi ibig sabihin noon ay pwede na niyang apak-apakan ang pagkatao ko. Wala pa rin siyang alam sa pinagdaanan ko. Kaya hindi siya pwedeng lumagpas sa pang-iinsulto sa akin. Huminga na lang ako ng malalim bago pa tuluyang pumasok sa office. Narinig ko pa na may sinabi siya pero hindi ko na pinansin pa. Ipinikit ko na ang matya ko at ipinatong sa table. Sobrang stress na ako dumagdag pa ang asawa niya. Pero paano naman niya nalaman na andito ako? Na ako ang kabit ni Vince? Wala naman akong balak sabihin pa kay Vince dahil ayoko na ng gulo. Ayokong dumagdag sa problema niya sa kompanya nila. Umalis si Kyle dahil may problema ang kompanya nila at siya ang nautusan ni Vince dahil busy siya dito. Sa dami ng taong makakaharap ko ang babae pang iyon. She’s Hanny Reyes. The former singer ng isang banda. Finally na-meet ko na rin siya. Idol siya noon ng Mama ko. Pero hindi ko naman inaasahan na siya rin ang magiging karibal ko kay Vince. Nagsisisi naman ako pero hindi ko na pwedeng ibalik ang oras. Sinubukan ko namang ayusin ang mga nangyari. Iniwasan ko noon si Vince pero gaya ni Kyle ay hindi ko rin nakayanan at nahulog ako. Isang malalim na paghinga muli ang nagawa ko. Ito lang ang nakakapag-alis ng pansamantala kong stress ang kumalma. Maya-maya lang ay biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Kyle doon. Pang-ilang text niya na ito ngayon pero kinikilig pa rin ako. Paano ko ba sasabihin kay Vince? Sinusubukan kong i-open iyon minsan pero hindi ko talaga masabi ng diretso. Hindi ko kaya. Hindi kaya ng konsensya ko. Hindi ako makahanap ng tamang tiyempo. Kaya ba hindi rin masabi noon ni Vince sa anak niya ito? Ganito rin ba ang iniisip niya? Kapag mahal mo ang isang tao, mahihirapan ka talagang aminin ang lahat sa kaniya. Dahil mas lalo mong iisipin ang mararamdaman at ang kapakanan niya. Ngayon ay naiintindihan ko na siya pero huli na. Lumipas ang oras na tanging iyon lang ang nasa isip ko. Gaya ng mga nagdaang araw ay hindi ko rin natapos ang mga gawain ko. Hangga’t hindi ko nasasabi kay Vince ay hindi matatapos itong problema ko. Ako lang rin ang mahihirapan at ang makokonsensya. Naisipan kong lumabas para sana magpahangin pero hindi ko pa naubuksan ang pinto nang magsalita si Jaylie. “Ma’am, ayos lang po ba kayo?” tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako bago tuluyang lumabas. Bukod kay Senia ay alam rin ni Jaylie ang totoo. Dahil sa matagal na siya dito ay alam kong may alam na rin siya sa amin. Kaya naman natatakot ako na abak mahalata niya kami ni Kyle. Paglabas ko ay humapas ang hangin sa mga balat ko. Pumunta pa ako sa dulo upang doon maglakad-lakad. Kailangan ko talagang ma-relax. Sobra na ang stress ko at feeling ko sasabog na ako. “Kresha? OMG! Is that you?” Agad akong napalingon sa nagsalita mula sa likod ko. “Jane?” hindi siguradong tanong ko habang iniisip kung siya nga ba iyon. “Ako nga! Sabi na ikaw iyan! Kumusta ka na?” tanong niya sa akin kaya naman ngumiti ako. “Im good. How about you? Long time no see,” nakangiti pa ring sabi ko sa kaniya. “Ito, kauuwi lang ng Manila. Galing akong bakasyon sa Japan,’ sabi niya pa. Bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Ferlyn noong magkita kami. Totoo nga bang kabit rin siya kagaya ko? “Nice to meet you here,” nakangiting sambit ko pa. “So, ano ang ginagawa mo dito? Don’t tell me dito ka nag-trabaho? Ikaw ang manager?” tanong niya pa at tinuro ang Cafe ko. Ngumiti lang ako sa kaniya. “I’m the owner,” sabi ko sa kaniya at ngumiti muli. “Omg! Sorry pero paano?” nagtatakang tanong niya at muling tinignana ng napakalaking cafe. Ngumiti lang ako bilang sagot ko. Hindi sila makapaniwala na ako na ang may-ari ng ganitong kalaking cafe. Bukod doon ay may lima na akong branches. At utang ko ang lahat ng ito kay Vince. Kung hindi dahil sa kaniya ay wala ito ngayon. Kaya naman sobrang laki ang utang na loob ko sa kaniya. Pero maisisi ba ako na makonsesnya kahit na parehas lang naman kaming nagloloko? Bukod doon ay sobrang bait niya. Hindi lang talaga sila pinalad ni Miss Hanny sa relasyon nila. Parehas silang nagkulang. Lahat ng sinabi noon sa akin ni Kyle ay ganon talaga ang nangyari. Umalis sa kanila si Vince at nagsama kami pero naisip niya si Kyle kaya bumalik siya sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD