"Isuot mo 'to sabi eh!" napalakas na ang sigaw ni Shen dahil ayaw kong tanggapin ang pulang head gear habang tumatakbo kami patungo sa kagubatang malapit sa Ever Bridge, ang Magsi Meadows. Hindi ko namalayan ang pagpapalit nito ng kasuotan. Hindi ito nahihirapang sabayan ako sa pagtakbo kahit na ako ang pinakamabilis sa grupo. Hindi ko ito pinansin. Nilingon ko ang tumatakbo ring sina Sasha, Peorion at Miranda. Hindi nila suot ang costume na ginawa ni Shen. Ilang saglit lang ay bumagal ang naging pagtakbo ni Shen. Nang lingunin ko ito'y tuluyan na siyang tumigil sa gitna ng daan na tila pikon na pikon saaming lahat. Nagsalubong ang mga kilay ko habang tumatakbo't nakatingin sa nakabusangot na anak ng arkanghel. Maarte nitong itinaas ang mga kamay sa ere na parang may hinihila mula sa

