MIRANDA "Kuya?" bulong ko sa hangin habang sabay-sabay na nagsilabasan ang mga belua paikot sa fire tree. Nakaharang ang mga halimaw ni Laurent sa daraanan ko. Kanina ko pa gustong dumurog ng dark keeper. Gigil na gigil ako. Ginagambala nila ang ilang taong pananahimik ng Cairos. Sinisira nila ang kapayapaang ipinaglaban ng A-Team. Anong ginagawa ng kuya Laurent ko sa Magsi Meadows? Hindi ba dapat ay naglalakbay siya ngayon para hanapin ang pamangkin kong si Blaire? "Miranda! Why are these beluas in here? Hindi ba dapat ay kasama sila ng ama ko?" Peorion's thick eyebrows almost tangle each other. Sanay na sanay talagang sumimangot ang binatang ito. For the record, tatlong keeper lang sa Cairos ang kilala kong gwapo pa rin habang nakasimangot: si Laurent, si Priam at si Peorion. "Durug

