Hindi ko alam kung gaano kapula ang mukha ko nang lumabas ako ng aparador. His stare was scrutinizing. Kulang na lang ay ilagay niya ako sa isang malaking magnifying glass para mabasa lahat ng reaksyon ko. Nakayuko akong lumabas para makaiwas sa titig niyang nakakalusaw. Naamoy ko ang mabangong sabon nito na ginamit niya sa pagligo. Regalo 'yon ni Ophelia saamin noong dumalaw siya ilang araw na ang nakakaraan. Naupo ako sa gilid ng kama habang hinihintay ang sasabihin nito. Hindi ko naramdaman ang paggalaw ni Cael. Nanatili itong nakatayo sa harapan ng aparador habang nakatingin saakin. Mas lalo akong nailang. Ilang taon na kaming mag-asawa pero walang nagbago --nagkakailangan pa rin kami. Mas lumalala yata lalo na nang kamakailan ay naramdaman kong lumalalim na ang nararamdaman ko para

