Chapter 4-Missing Crown

1938 Words
"Peorion, Sasha will ride with you?" tila mas tunog suhestiyon iyon kaysa isang katanungan mula kay Shen. Kanina ko pa nahahalatang ipinagtutulakan nito ang lalaki palapit saakin. Tila may pagtutol sa ekspresyon ng mukha ni P' nang lingunin ko. Bigla akong sinakluban ng hiya kaya ako na mismo ang tumanggi. "K-kaya ko namang sumakay sa kabayo mag-isa eh. O baka nga mas mabilis pa ako sa horse tumakbo... kaya Shen, don ka na kay P-por-peeor prince sumakay." Nagpameywang si Shen sa harapan ko na tila dismayado dahil hindi ko sinakyan ang pinaplano niyang paglapitin kami ni P'. Mahirap kasing pagdikitin ang dalawang bagay na hindi naman pwede. Saka kahit crush ko 'yang si P', hindi pwedeng basta-basta ko na lang ibaba ang pride ko bilang isang babae para landiin siya. Mama told me to make myself precious so that only the interested and deserving would search and fight for it. Though deserving naman 'tong si mailap na P', hindi parin ako magpapakadesperadang magustuhan niya. Kung ayaw niya talaga saakin, fine... ay mali, maybe some other day na lang. Lihim akong napahagikgik sa kabaliwan ko. "You can't run with that kind of outfit! Matapos kitang ayusan at pagandahin?" Nagsalubong ang mga kilay nito. Tingin ko'y malapit nang maubos ang pasensya niya. "You are meeting two of the most prominent keepers of Cairos, the legendary total keeper and the queen arang with five tails! Kaya hindi ka pwedeng tumakbo at makipagkarerahan sa kabayo kasi magmumukha kang monster sa harap nila. Gusto mo ba 'yon Sasha? Na ang gaganda ng mga kausap mo tapos ikaw-" "Enough!" Peorion cut Shen's phrase, iniharap nito ang kabayo sa gawi namin. Seryoso parin ang mukha nitong nakatingin saamin"Sasha will ride with m-" "Saaash!" isang malakas na sigaw mula sa tarangkahan ng bahay namin ang pumutol kay Peorion. Lulan ito ng puting kabayong kahapon lamang ay binalibag ko. Si S' na may magulong buhok ang dumating. Nakadamit pang-reiol din ito kagaya ng suot namin. Ang pinagtataka ko'y kung ano ang pinaglalaban ng lalaki sa pa-knowt(knight)-in-showning(shining)-armor na entrada niya. Gwapo nga pero hindi parin nagsusuklay at wirdo kung umasta. Buti pa si P', prinsipeng prinsipe kung kumilos. Prinsipe pala talaga siya buti naalala ko kagad. "Sasha will come with me!" anas ni Skaw na tila nagawa pang magpacute habang hindi mapakali ang kabayo na halatang natakot sa presensya ko. Nilingon ko si Shen na akala ko sa oras na iyon ay nakahanda na ang bunganga para tumutol. Pero mali ang akala ko. Parang pinarusahan ng mga tala ang babae dahil nakaawang lang ang bibig nito habang nakatingin kay Sky na walang pakialam sa hindi magkasundong mga hibla ng buhok. Parang naalala ko ang itsura ko noong nakita ko si P' sa terasa ng kastilyo. Mas maganda nga lang yung itsura ni Shen kasi nakalapat ang mga maaarte nitong daliri sa kanyang pisngi na habang kumikislap ang mga mata niya na parang nakakita ng ginintuang itlog ng hwy. Si Shen na may hawak ng hustisya, parang may pagtingin kay Skaw na binagyo ang buhok? "Skaw!" tawag ko para putulin ang pantasya ni Shen. Naputol nga ang pagpapantasya niya dahil sa pagtawag ko kay S'. Mamatay sa inggit ngayon si Shen. Hihiramin ko sa kanya ang hustisya! "Skaw what?" maarteng tanong ng babaeng may gandang nakakainis. "Sky Cloud?! 'Yong anak ni ninong pripri na nakaihi sa pants niya noong hinabol tayo ng halimaw sa Garon forest?" bigla nitong natakpan ang kamay sa nasabi na tila nagsisi sa pagiging taklesa niya. "Yes Sky Cloud miss Shen Jasie Runes. Ikaw ang anak ni tito Alvis na lumobo ang sipon sa ilong noong hinihipan niya ang kandila sa cake during her sixth birthday!" Natawa si Skaw sabay napahawak sa tiyan. Ang cute pala niyang tumawa kahit na nakakairita yung buhok niya. Nilakasan pa nito ang tawa na lalong ikinapula ng pisngi ng babaeng ninakawan ng hustisya. Mas malakas ang naging pagtawa ko. Sinang-ayunan ko si Skaw at pinaalalang dalawang butas ng ilong ni Shen ang nagpalobo ng sipon noon. Sinakop ang hardin namin ng malakas na tawa ni Skaw at mas malakas ko ding tawa. Habang si Peorion ay parang walang naririnig. Gusto ko na siyang sipain para maramdaman niyang nag-eexist kami. "You two are nuts! You really are annoying! Saka hindi kaya dalawa ang lomobong sipon ko. That isn't true noh?!" paarteng bulyaw saamin ni Shen habang umiikot-ikot ang makinang nitong mata. Natatawa parin si Skaw nang balingan ako nito. Hindi ko na makita ang mata niya sa sobrang kapal ng nakatabing na buhok doon. Mukha siyang kuwago. "Sasha, let's go. Pinapasundo ka na ni tita Lara." "No, she goes with me. This is my task." Pagtutol ni Peorion na pinalakad ang kabayo palapit saakin. Inilahad nito ang isang kamay para alalayan ako paakyat ng kulay ginto niyang kabayo. "Sasha, diba mas close tayo? So sakin ka sumama." Pagpupumilit ni Sky na sinubukan ding lumapit saakin pero kusang tumanggi ang takot na takot niyang kabayo. Hindi ito sumuko hanggang sa napasunod niya ang kabayo pahakbang sa gawi ko. Sa wakas, nasaakin na ang hustisyang matagal na hawak ni Shen! Pakiramdam ko'y biglang pumuti ang mga buhok ko pero imahinasyon ko lang iyon. Nakatayo ako sa pagitan ng dalawang naglalakihang kabayo. Silver or Gold? Gold or Silver? "Choose Gold Sasha!" untag ni Shen na nasa harap ng kabayo ni P'. She's using her gesture-reading skills again. Hindi lang talaga siya madaldal, pakialamera pa. "Come on! Time is running! Choose gold! No one denies an offer from a prince!" "I choose silver!" malakas kong anunsyo. Pumalatak sa tuwa ang mukha ng wirdong si Skaw. Narinig ko pang umungol ng pagtutol si Shen na parang batang inagawan ng laruan. Nanatiling tahimik naman si Peorion na walang nagawa kundi bumuntong hininga. "I can reject a prince's offer Shen! Skaw tara na!" "Okay Sasha bully!" natatawang sagot ni S' na mabilis inabot ang kamay ko at hinila ng walang kahirap-hirap papunta sa harapan niya. Nauntog ako sa baba ni Skaw pero wala akong narinig na reklamo dito. Natawa lang siya at parang tuwang tuwa na siya ang pinili ko. Ang bango ni Skaw. Amoy peppermint na may halong chamomile ang pabango niya. Sigurado akong gawa ng mama Ophelia niya ang suot niyang pabango. Bukod sa magaling itong gumamot ng mga sakit ay marunong ito sa mga halaman. Isang healer earth keeper si tita Ophelia na naging katuwang na rin ni mama sa paghahanap ng mga lunas sa sakit na dumadapo sa mga mamamayan ng Cairos. Mukhang pinalaking masayahing bata si Skaw ng mga magulang niya, particularly ni tita Ophelia. Kung kay chief, hindi ko alam kung nasa bokabularyo ba nito ang pagiging masayahin. O sadyang permanente nang seryoso ang mukha nun kahit na masaya siya. "Why did you pick me?" narinig kong tanong ni S' mula sa likuran ko habang pinapatakbo ang kabayo sa tamang bilis. "Para naman makaganti," natawa ako at gano'n din ang lalaki, "I do not want someone telling me what to choose and what not to choose. Mom r-raased(raised) me with an independent mind. Sabi niya I always have to follow my heart so I won't regret every decision I make." "Follow your heart..." tumikhim ito na parang may ibang kahulugan sa kanya ang sinabi ko. "Okay." "You were brave to compete against a handsome prince. Vhat courage makes you more likable and it's worth rewarding. Spooled(spoiled) brat 'yong si Porion. Hindi naman masama minsan kung ipaparamdam sa kanya na hindi lahat ng hilingin niya makukuha niya." Tumawa lang si Skaw. Nasa harap ako nito at malapit na kami sa Cairos. Hindi ko tuloy makita kung ano ang ekspresyon ng mukha nito. Kung totoo ang pagtawa nito o pinipeke lang niya para magmukhang sinasang-ayunan ako nito. Marami pa kaming napag-usapan bago kami nakarating sa mataas gate ng kastilyo. Kinamusta ako nito, ang pagiging bulol ko, ang mga ineensayo ko bilang paghahanda sa training academy, at ang nangyari kahapon. Just like the good old days, panatag parin ang loob ko pag kinakausap ko siya. Siya parin si Skaw na laging nariyan pag pakiramdam ko naiiba ako at itinatakwil ako ng mundo. Kung si Blaire ang tagapagtanggol ko noong bata pa kami, si Skaw naman ang karamay ko. Kaya siguro lumaki akong natutong ipagtanggol ang sarili ko dahil nang nawala sila, wala nang natira saakin kundi ang itim kong buhok. Si mama ang madalas nagtatanggol saakin kaso minsan abala siya sa Westeros. Madalang namang nasa bahay si papa. "Sasha." Malumanay. Maikli ngunit madamdaming tawag saakin ng crowned princess na si Princess Tita Lara. Hindi ko namalayang nasa loob na kami ng kastilyo. Sa paglipas ng panahon ay hindi parin kumukupas ang ganda nito. Tila hindi ito dinapuan ng edad at ganoon parin ang itsura niya. Mahigpit ang naging pagyakap niya saakin. Naramdaman ko ang magkahalong tuwa at pananabik nang makita niya ako. Niyakap din niya si S' saka ako muling binalingan. Seryoso ang naging pagtitig ng kulay tsokolate nitong mata. Alam kong sa magandang mukhang iyon, nakakubli ang kalungkutang matagal na niyang dinadala. Dinala ako nito sa kwarto niya. Iyon ang unang beses na nakapasok ako sa silid niya sa loob ng sampong taon. Malawak ang silid na katumbas ng buong bahay namin. Naroon ang naglalakihang mga kabinet at plorera. Napapalamutian ng pastel colored curtains ang mga bintana na bumagay sa kulay puting mamahaling carpet. Nakasabit sa creamy painted wall ang mga naglalakihang family photos nila. Umagaw saakin ang larawan namin ni Blaire. Pareho kaming nakangiti sa ilalim ng malaking puno habang suot-suot namin ang magkaparehang purple pendant na binalot ng ginintuang vine design. Bigay ni tita Herina ang magkakambal na kwintas na 'yon. "Blaire is missing Sasha," basag ang tinig ni tita Lara. "Sampong taon na namin siyang hinahanap. Pero hindi parin siya nagpapakita. She might have grown up like you if only we're able to keep her." "P-pano pong nawala si Blaire?" "Someone took her. Hindi siya mahagilap ng drone na si Joko at hindi rin siya makita ni Jolly. Hanggang ngayon, nagbabakasakali ang tito Laurent mo na makita siya kaya lagi siyang umaalis para hanapin siya." Pinahid ni tita Lara ang luha sa pisngi saka hinawakan ang aking mga palad. Malungkot ang naging pagtitig nito. "Jolly have seen this coming Sasha. There is a familiar as powerful as Jolly and Joko. She can see what Jolly and Joko can't see. Hindi ko inakalang aabot ng sampong taon ang paghahanap namin kay Blaire. Ang akala ko'y hindi ko na hihintayin ang panahon para maging handa ka, but here we are. You're my only hope Sasha." "A-ano pong ibig niyong sabihin tita lala?" naguguluhan kong tanong. Paano ako magiging last hope ni tita lala. At sino ang pusang mas makapangyarihan pa sa masungit at madaldal na kulay ubeng pusa? Hinaplos ni tita lala ang itim kong buhok saka marahang hinawakan ang aking baba. "You look like your mom. Huwag mong iisiping naiiba ka sa kanila dahil wala sa itsura ang batayan ng pagiging isang mabuting keeper, nasa puso. Sasha, ilang araw na lang at parating na ang harvest moon. Malapit na ang kaarawan mo. Pipiliin ka na ng familiar na nakatakda para sa'yo. Sana, panatilihin mong busilak ang iyong puso nang sa gayon ay piliin ka ng familiar na magsisilbing pag-asa ko para mahanap si Blaire. Mangako ka anak..." Ramdam ko ang lubos na pangungulila ni tita Lara kay Blaire. Ako din ay nalungkot at nagulat sa balitang nawawala nga si Blaire. Grabeh naman maglakwatsa si Blaire, sampong taon. Pero hahanapin ko siya para matulungan sina tita lala at makauwi na si tito lulu nang sa gayon ay hindi na nagsusungit saakin si P'. "Pangako po tita lala. Hahanapin ko si Blaire." ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD