Pagkatapos naming mag-usap ni tita lala ay kaagad naman kaming naghanda patungo sa royal dining area kung saan hihintayin naminp si Queen Miranda. Tahimik akong naglalakad at laman parin ng isip ko ang mga sinabi ng total keeper. Halos hindi ko namalayan ang pagbunggo ko sa isang mainit na katawan na papasok din pala sa dining area. Natriple na naman ang pagkabulol ko nang mapagtanto kong si P' ang nabunggo ko. Tinignan lang ako nito na parang isang estranghero saka nagpatuloy na pumasok sa loob. Naiwan akong naestatwa habang kinakapa ang sasabihin ko sana sa nirereglang si Porion. Hindi naman ganito kasungit si P' dati. Noong bata pa kami lagi namin siyang nakakasama tuwing pupuslit kami sa kagubatan. Hindi ito astang prinsipe dahil ang turing niya sa sarili'y isang ordinaryong mamamayan

