Kapag may time na siya baka ituloy na niya ang pagiging content creator kasi meron ding laptop sa ibabaw, hindi niya alam kung para kanino pero baka hilingin niya sa kanyang lolo na kung maaari ay kanya na lamang iyon. Muli siyang tumayo doon at lumapit naman sa walk in closet. Sa loob niyon ay may mga malalapad na estante. Yari iyon sa kahoy pero pininturahan lamang na bumagay din sa pintura ng dingding ng silid. Wala pang laman iyon, pero mamaya aayusin niya ang kanyang mga damit doon. "Nandito naman po ang pintuan ng banyo sa Señorita." Magalang na wika pa ng kasambahay, sabay turo sa pinto na nakapinid. Napanganga na lamang siya ng pagbukas ng pinto ng banyo ay bumungad sa kanya ang mala hotel vibes na cr. Merong bathtub, may shower area, salamin ang pader at napakabango din a

