"Gustong gusto ko po talaga Tiyo kasi napakaganda po niya at napakabait po niya sa akinz pero kasi hindi naman po ako marunong sumakay. Hindi ako marunong sumakay ng kabayo kaya paano po iyon?" Pahayag niya sa kanyang tiyo. Pero nandoon ang panghihinayang dahil gustong-gusto talaga niya na mapasakanya ang kabayong iyon, kaya lang papaano naman niya iyon aalagaan ni hindi nga siya marunong sumakay mabuti nga hindi ito nagalit ng kanuang hawakan. "Ano ka ba madali lang matuto lalo't gusto ka na rin ng kabayo na iyan, ramdam niya na mabuti kang amo at maalagaan mo siya ng husto, tsaka madali ka lang naman matuto niyan may mga magtuturo naman."wika pa nito mukhang malaki ang tiwala sa kanya na matututo pero kahit na mag-bike eh takot siya manang-mana siya sa kanyang tatay, "Okay po tiyo

