Napakalinaw ng tubig ng batis kumikislap iyon na bala crystal kapag nasisinagan ng araw, may bahagya pa kasing araw ng dumating sila at tumatama iyon sa tubig. Banayad ang pag-agos ng tubig at sa unahan ay may tila maliit na falls na parang pinagmumulan ng tubig sa batis. Agad niyang napansin ang isang kubong yari sa kawayan sa may gilid mismo ng batis. At namumukadkad ang nagagandahang halaman, may mga bulaklak na hindi niya kilala kung anong klase ng mga bulaklak iyon. Parang ang itsura ng kubo ay yung mga nakikita niya sa commercial at iyong sa mga beach na ang bubong niyon ay gawa sa kogon. Ang dingding ay parang sawali na napipinturahan ng barnis. Sa tingin niya ay pampatibay at pampatagal ng buhay ng kawayan. Natatandaan kasi niya iyong sabi ng kanyang tatay na ganun ang par

