12.
Hindi ko alam kung bakit pero parang masama ang mood ng mga kaklase ko today.
One big clue is tahamik si Eunice which is odd. Pati na din ang tatlo nyang kaibigan.
Hindi nagbabasa ng bible si Elyon at gising si Ambo.
Seryosong nag-uusap sila Ezekiel at Lyshta samantalang nakakunot ang noo ni Iggy.
Ang iba naming classmates ay maiinit ang ulo at mga mukhang gigil.
Si Rigel lang ang natatanging parang walang pake sa mundo as usual. Which is reassuring. At least ok lang siya kahit pinahiya siya kahapon ng isa sa mga dati kong manliligaw.
Hindi na nalapit sa akin ang dalawang kumag na iyon. Kahit si Nelson ay lumayo na din sa akin at may vendetta na sa akin ang fan clubs nila. But who cares? Because I don’t give a crap about them.
Magta-time na at uwian na.
Nagulat ako na pagkadismiss sa amin ng teacher ay walang lumabas agad. Bagkos ay lumapit ang class president namin kay Eunice at sinabing, “Kayo na ang bahala.”
Nakakatakot na ngumiti si Eunice at naglabas ng ruler, “Consider it done prez,” kampanteng sagot niya dito at makahulugang tumingin na kila Ambo, Bea, Berna, Ezekiel, Lyshta at Elyon na mga nagsitayuan at magkakasunod na lumabas.
Maybe I’m just overthinking things.
Nagkibit-balikat na lang ako at nagpasyang lumabas na ng classroom at tumambay muna sa waiting area sa labas ng school gate.
Masyado pang maaga para umuwi.
-0-
“You did what?!” gulat na gulat kong tanong kay Eunice.
Tumango-tango naman ito ay kontentong napangiti sa akin.
“Yep. We beat him to a pulp so hard that even his mother won’t recognize him,” sagot ni Bea sa akin na nakangiti din.
Napailing ako. Mas natakot na ako kay Eunice and friends.
Nagtatawanan sila Berna at nag-thumbs up sa akin, “So hard that he will now use different name! Bongga!”
“Well, hindi naman kami papayag na ikaw lang ang makadali sa tukmol na yon teh,” sabi naman ni Marieta looking satisfied of herself, “Syempre kami din makascore din!”
“Correct sis! Besides, mas mabuti na kami na ang dumali sa kanya kesa si Rigel pa ang gumanti,” medyo takot na sabi ni Eunice sabay sulyap kay Rigel na ngayon ay patarang-tarang na naglalakad habang hawak ang bimpo at may dala-dalang kamote cue sa kanyang bibig sa hindi kalayuan.
“Bakit?” takang tanong ko sa kanila.
Si Bea ang sumagot at umiling ito, “Well, its better that you don’t know Tabitha. Believe me, right sisters?” tanong nito sa tatlong kasama na puro mukhang namutla at nagsitanguan.
“We don’t want another Roberto this year. Nangingilabot pa rin ako sa kinasapitan niya even now,” seryosong sabi ni Marieta at sumang-ayon sa kanya ang iba pa niyang friends.
Tumingin sa akin si Berna at ngumiti, “Well, iba na lang ang pag-usapan natin Tabitha. Minsan lang tayo magkumpulan ng ganito so bakit hindi natin ituloy ito sa tsismisan?”
“Tomoh!” sangayon ni Eunice habang naglalaro ng Pokemon Y niya sa kanyang Nintendo 3ds.
Napatawa naman ako.
I’ve never experienced this before. Ang makipagtsismisan. I usually avoid talking about someone else leisurely because I keep things to myself pero chance na din ito para maranasan ko ang ganitong bagay na kinahihiligan nila Marieta.
“So what’s the topic?” tanong ni Marieta.
Sumimangot si Eunice sa kapatid, “Gaga, not what. Its WHO sis! Who!”
Tumango naman ito sa ate, “Ok, who?”
“How about Tabitha?” suggest ni Berna.
Napatawa naman ulit ako, “Grabe ha, kaharap ninyo na ako pagtsitsismisan ninyo pa ako.”
“Well, ganyan talaga,” kibit balikat na sagot ni Bea sa akin, “Sabi ng butterflies ko sa akin you neither deny nor accept ang accusation sa iyo ni Tony.”
Tinapik naman ni Eunice si Bea, “Mali! Si Ronald siya!”
“Ok fine, Randy. Bakit?” tuloy ni Bea.
Napaisip naman ako, “Accusations?”
Umikot ang mata ni Berna, “Yung sinabi niya na si Lorcan ang pinili mo.”
Figures. Issue pala iyon.
“Well, si Rigel ang topic kahapon so----“
“Just answer the question teh!” giit ni Marieta sa akin.
Ok fine hindi tsismisan ang nagaganap. It’s freaking interrogation!
Well I will answer truthfully this time. I figured that if I lie, malalaman din nila agad. Mukhang mga walking lie detector tests ang apat na ito.
“Ilang beses na kasi akong kinakausap ni Lorcan,” nagtaasan ang mga kilay nilang apat kaya sinundan ko agad ang sentence ko, “Wala pa kaming Twenty sentences na nag-uusap! Tsaka wala akong pake, pero lapit siya ng lapit sa akin!”
Napa-snort si Eunice habang nakatitig sa kanyang nilalaro, “Hypocrite.”
Kilay ko naman ang tumaas that time, “Excuse me?”
“Well, riddle me this, si Paul at John,” simula ni Berna pero hinampas agad siya ni Bea.
“Actually get your fact straight Berna. Edgar name niya,” pagtatama nito (pero mali pa rin).
Umikot ang mata ni Berna at tumango, “Fine! Paul at Marvin!” binalik niya ang tingin sa akin at nagpatuloy, “Silang dalawa tinanggihan mo karakaraka pero etong si Lorcan ay ni minsan hindi mo tinaboy! Not once!”
“Agreed teh. Bakit nga ba?” curious na tanong ni Marieta.
Bago pa ako makasagot (o makaisip ng isasagot) ay isinara ni Eunice ang 3ds niya at mabilis na tumayo, “Let’s go girls. I smell something fruity coming this way.”
“Ohhhhh” sabay-sabay na sagot ng tatlo niyang friends at nagsitayuan na din ito at lumakad na paalis.
Akmang tatayo din ako pero mabilis akong nilingon ni Eunice na nanlilisik ang mga mata, “Stay there!”
Napatigil naman ako sa pagtayo at tumango na lang.
Eunice is scary... Really!
Nakailang minuto pa lang ang lumipas simula ng umalis sila ng biglang nakita ko na naglalakad si Lorcan papalapit sa akin.
Tumayo na din ako sa aking kinauupuan at humarap sa kaniya.
“For you,” sabi nito sabay abot ng green apple at parang nag-blush pa ito.
Napatawa naman ako pero kinuha ko ang apple na binibigay niya. Mukhang lalong nahiya ito at walang imik-imik na tumakbo na ulit palayo.
Napatingin ako sa green apple na hawak ko at napaisip.
Maybe Gregor is right.
He really looks and acts like a complete weirdo.