13.
Nakakatamad pumasok today!
Ang lakas ng ulan at hanggang tuhod ang baha. Gawa daw ng habagat or something.
Napuyog ako ng ulan at parang walang kwenta ang dala kong payong.
Pagpasok na pagpasok ko ng classroom ay nakita ko na basang-basa din ang aking mga classmates maliban kay Rigel na parang walang pinagbago ang hitsura dahil hindi mo naman makikita itong tuyo kakahilamos niya.
Nag-start na ang class at nagturo na ang teacher namin. Nabasa ko na ang mga dinidiscuss niya ngayon kaya hindi na ako nakikinig sa kaniya. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at bumuntong hininga.
Madilim ang kalangitan at hindi mo maaninag ang araw. Patuloy pa rin ang malakas na pagbagsak ng ulan na halos kinig mo na.
Nakinig ko ang usapan nila Eunice at Berna na baha na daw sa ibang parte ng lugar kung saan nandoon ang school namin.
Nagpatuloy ang mga klase namin sa araw na iyon.
Lumipas ang maghapon na parang ang tagal matapos ng bawat klase.
Nakakalungkot ba talaga ang ulan? Ang dilim kasi tapos ang lamig pa. Not to mention kahit anong pagtutuyo mo ay mababasa ka pa rin.
Hindi ko namalayan na tapos na pala ang last class namin ng araw na iyon.
Humikab ako at nag-unat. Napakaboring ng araw na ito at nakaka-antok.
Minabuti ko na tumayo na sa aking kinauupuan at ilabas na ang aking payong.
Baka lalo pag lumakas ang ulan pag nagpatumpiktumpik pa ako dito sa school.
-0-
I want a car...
No, really! Kahit ngayong time lang.
Nakakainggit kasi ang mga classmates ko, may mga sundo silang sasakyan samantalang ako, heto, commute x4!
Nakakipkip sa akin ang hawakan ng payong ko at nangingilabot ako sa lamig ng hangin habang naglalakad ako palabas ng school compound.
It makes me feel sad and depressed. I hate rainy days!
Inilahad ko ang aking kamay para sambutin ang napatak na ulan.
Then suddenly I have an idea.
Ipinatong ko ang shoulder bag ko sa isang covered chair at tiniklop ko ang aking payong at hinayaan na mabasa ako ng tuluyan ng ulan.
Malamig pero for no reason at all ay nakaramdam ako ng saya ng maramdaman ko ang mga patak ng ulan na natama sa aking mukha.
I suddenly laughed out loud at itinapon ko sa tabi ng bag ko ang aking payong at nagpaikot-ikot habang nagtatampisaw sa tubig ulan.
I’ve never done this before.
Sobrang negative ako sa ulan. Why not try to make things positive for a change?
Why not make a sad moment in your life happy?
Grabe ang lamig at nadikit sa katawan ko ang aking damit pero wapakels lang ako. I’m enjoying the rain instead of hating it.
Another memorable moment in my life.
Bakit nga ba we took things for granted sa ating buhay? Ang mga simpleng ligaya na hatid ng paliligo sa ulan ay inaayawan nating gawin?
Dahil ba malaki na tayo?
Magkakasakit?
Nakakahiya?
I threw all those thoughts aside and just enjoyed the moment.
Ang pagkakataon na makabalik ako kahit saglit lang sa aking pagkabata na halos hindi ko na naalala.
Ang pakiramdam na wala kang problema sa buhay. All the things in the world is there for your enjoyment. Kahit kakaunti ay unti-unting bumabalik sa akin ang mga emosyon na matagal ko nang hindi nararamdaman.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong naglalaro sa ulan but to my surprise ay dahan-dahang tumila na ito at nasilayan ko ng bahagya ang araw na sumilip sa likod ng madidilim na ulap.
Masaya akong umupo sa tabi ng bag at payong ko and to my surprise, may nakita akong nakapatong na green apple sa bag ko.
Automatic na nagpalingon-lingon ako at hinanap ko si Lorcan pero hindi ko siya makita.
I just smiled happily as I began to eat my new favorite fruit at tumingala sa langit na ngayon ay nakukulayan na ng isang malaking bahaghari.
-0-
14.
“HACHING!”
Nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko sa sobrang lakas ng bahing ko. Nagluluha ang mga mata ko at ang sakit ng aking ulo.
Tangan ang singahan ko ay bumahing ulit ako ng malakas bago suminghot ng matagal.
“Teh, bakit ka naman nagkaganyan? Ok ka lang kahapon diba?” takang tanong ni Berna sa akin.
“Naligo ako sa ulan kaha---kaha----HACHING! Pon” pilit kong sagot sa kanya.
Napailing ito nagkatinginan sila ni Eunice na nagtaas ng kilay sa akin, “Iyan kasi! Ano ba naman ang naisipan mo Tabitha?”
“Wala lang, para naman maiba,” sabi ko na lang sa kanya.
Nagkibit-balikat na lang ang magkakaibigan sa sinabi ko at hinayaan na nila akong makapamahinga.
Lunch break na. Gusto kong kumain ng madami pero wala akong gana. Mapakla ang panlasa ko at nahihilo ako ng kaunti.
Dalawa na lang kami ni Ambo na natira sa classroom. Nakaupo sya sa hindi kalayuan at mahimbing na natutulog as usual.
Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. He looks so peaceful at parang wala siyang problema. Just staring at him makes me sleepy and comfortable.
Minabuti ko na lumapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Pakiramdam ko naiibsan kahit konti ang sama ng pakiramdam ko. Not to mention parang inaantok na din ako sa hilo.
Sumandal ako ng dahan-dahan sa likod ng kaklase ko at huminga ng malalim bago ipikit ang aking mangiyakngiyak na mga mata at mamahinga kahit saglit.
Kahit ganito ang nangyari sa akin dahil sa ginawa ko kahapon, wala pa rin ako pinagsisisihan. Masaya ako kahapon and that’s what matters.
Ang daming kung ano-anong napasok sa isip ko habang nakapikit ako at komportableng nakasandal sa malambot na likod ni Ambo pero dahan-dahang nakatulog na din ako.
-0-
“What?! Tapos na ang klase?!” gulat na tanong ko kay Marieta as I looked around the almost empty room wildly.
Napalingon ako kay Ambo na tulog pa din hanggang ngayon at sa labas ng bintana kung saan kulay orange na ang kalangitan!
It can’t be! Lunch break ako natulog at akala ko ay napaidlip lang ako! But looking at my wristwatch it’s almost five in the afternoon! God!
“Ok lang yan Tabitha. Ang taas ng lagnat mo kanina kaya hinayaan ka na lang naming matulog. Ayos lang naman sa mga teachers natin. Buti nga bumaba na ang lagnat mo. I bet hindi mo tanda na pinainom ka namin ng gamot right?” nakangiting tanong sa akin ni Marieta.
I wracked my head for some memory earlier pero wala kaya umiling na lang ako.
“Don’t worry Tabitha. Hindi naman kami nag-quiz or anything. Simple discussions lang. Can you stand?” alalang tanong niya ng pilit akong tumayo sa aking kinauupuan.
“Oo naman. Pasensya na kayo sa abala ha?” paumanhin ko sa classmate ko.
Umiling ito at ngumiti sa akin, “No biggie teh!”
“Oh siya, una na ako ha? Pakisabi salamat na lang sa mga tumulong sa akin kanina ha?” paalam ko sa kanya at pilit kong sinakbit ang shoulder bag ko at nagsimula nang lumakad palabas ng classroom.
“Allright. Ingat sa pag-uwi!” sagot ni Marieta at nagsimula na siyang gisingin si Ambo na mahimbing pa din ang tulog as usual.
As I walked across the school grounds medyo mahilo-hilo pa din ako. Baka may binat pa ako or something.
Muntik na akong matalapid sa sarili kong mga paa. Buti na lang at may humatak agad sa aking kanang braso at hinila ako patayo ulit ng deretso.
Napalingon ako sa tumulong sa akin at nakita ko si Lorcan na alalang alala ang hitsura na nakatingin sa akin (maybe, hindi ko kasi masabi kasi nakashades siya).
“Want me to take you to the terminal?” alok niya sa akin.
Napaisip ako. Kung solo akong lalakad baka nagapang habang nagulong na ako papunta sa sakayan ng jeep kaya tinanggap ko na ang offer niya sa akin.
I let him hold my right arm carefully at sabay na kaming naglakad palabas ng school.
Ang daming nakatingin sa aming mga schoolmates ko pero I couldn’t care less sa sama ng pakiramdam ko.
Tahimik kaming naglalakad at unti-unti kong nararamdaman na nahigpit ang hawak niya sa braso hanggang sa tumigil na din kami.
“May problema ba?” takang tanong ko sa kanya.
Nakatungo si Lorcan at nakatitig sa lupa. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang mukha at nagulat ako na pulang pula iyon.
Bago pa ako makapag-react ay umimik na agad siya.
“Can I court you formally?” mabilis niyang imik at lalo siyang namula sa hiya siguro.
May kung anong pumiga sa puso ko at mukhang hindi papayag ang puso ko na “hindi” ang isagot ko kaya isang simpleng tango ang ibinigay ko sa kaniya.
Hindi ko rin alam kung bakit ako napapayag pero there is something I can feel in his shyness. Innocence and insecurity.
Ramdam ko na seryoso siya...
Hindi na muli sumagot si Lorcan pero medyo nawala na ang pamumula ng mukha niya at napaltan na ng ngiti ang nakasimangot niyang mukha.
Nagsimula na ulit kaming maglakad papunta sa terminal ng jeep at hindi nga nagtagal ay nakarating din kami.
Bago ako sumakay ng jeep ay inabutan niya ako ng isang green apple at naiwan akong pinagtitinginan ng mga katabing pasahero ko habang sinimulan ko nang kainin ang nakasanayan ko nang pagkain araw-araw.