Chapter 8

1174 Words
15.   “Oh my GOSH! A dream concert come true! We have to buy tickets girls!” malakas na irit ni Eunice sa tatlo niyang friends habang nakatayo sila sa tapat ng bulletin board, hindi kalayuan sa school gate kung saan hindi lang silang apat ang nakapaligid kundi pati na rin ang hindi mabilang na estudyante ng I.N.H.S from all grades and sections.   Natalo ako ng curiousity ko kaya lumapit na din ako at sinipat ang nakapaskil na poster sa bulletin board.   Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko kung ano ang nakasulat doon.   “AEGIS AND TUESDAY BACK2BACK ONE NIGHT CONCERT”   Napakunot naman ang noo ni Bea, “Teka, mamayang gabi na ito ah?! Bakit ngayon lang nila dinikit dito?”   “Korak teh! Parang nananadya naman! Paano pa tayo makakahabol ng pagbili ng ticket niyan?” inis na sangayon ni Berna sa friend niya.   Nagtaas ng noo si Eunice at tumingin ng makahulugan sa kanyang kapatid na si Marieta na busy sa pakikipagusap sa cell phone nito. Matapos ang ilang saglit ay umirit ito at winagayway ang phone nya sa ere.   “Got it sis! The last four tickets secured through blackmailing, deaththreats and backstabbing!” proud na sabi ni Marieta sa kapatid.   Tumawa ng malakas si Eunice at inilahad ang mga braso niya para sa group hug niya.   “Whose your teh now sisters?!” nagmamayabang na tanong ni Eunice sa friends niya.   “Ikaw na teh!” masayang sagot ng tatlo at naghiyawan sila sa tuwa samantalang nanghihinayang na nagsialisan at nagiilingan ang mga nakakinig na parang nawalan ng gana nang pumasok.   Ilang saglit pa ay umalis na din ang apat na magkakaibigan at naiwan na ako sa tapat ng poster at oras ko naman para manghinayang ng lubos.   Gustong gusto ko talaga makapanuod. May pera naman ako kaso bakit ba ngayon lang pinost ang poster na ito kung kelan kinagabihan na ang concert? Nakakainis. Wala na din namang silbi ang humingi ng tulong kila Eunice dahil nga last tickets na daw yung nakuha nila.   Nakuha pa through questionable means.   Hay, buhay talaga oo. Nakakaiyak.   Lambot akong tumuloy sa pagpasok na parang nawalan ako ng malaking halaga or something. Tinatamad na din tuloy akong pumasok this day. -0- “Ok girls! Time to go to prepare! Meet tayo sa 7Eleven after an hour ok?! Don’t be late!” masayang sabi ni Eunice sa friends niya after ng class namin.   Hindi lang ako kundi ang buong klase ay inggit na nakatingin sa kanilang apat. Lalo na si Lyshta na halos sakalin ang boyfriend niyang si Ezekiel na hindi siya naikuha ng ticket.   “Tabitha cleaning duties ka for today,” paalala ni Elyon sa akin ng nakita niya na naghahanda na akong umalis.   Nagulat ito ng padabog kong binalik ang mabigat kong shoulder bag na puno ng pagkain at kinuha ang walis at nagsimula nang magwalis.   Automatic na nagpulasan na ang mga classmates ko.   Kilala nila ako pag inis at ako ang nakatoka sa paglilinis.   Dahil kahit sino o ano pa ang madaanan ko, tao ka man o dumi iisa lang ang kababagsakan ko. Sa ibabaw ng dustpan ko.   Ako na lang ang naiwang nag-iisa at bartik na bartik ako. Bakit ba naman kasi kung kailan mapera ako, hindi ko pa magamit?!   Nakakainis!   Binatikal ko ang eraser sa lalagyanan nitong kahon at maingay na itinulak ang teacher’s desk para malinis ko ang ilalim nito.   Mga thrity minutes siguro akong nanalasa sa classroom at pagkatapos ko ay daig pa ang Brigada Eskwela sa linis ng room.   Initsa ko ang walis at dustpan sa sulok at pumunta na agad ako sa upuan ko para kunin ang bag ko.   Napakunot ang noo ko ng may makita akong green apple sa ibabaw ng desk at sa ilalim nito ay isang piraso ng papel na mukhang ticket.   Nang mabasa ko kung ano ang nakasulat dito ay napairit ako ng malakas na kinig ata sa buong school compound. -0- ANG HALIK MO, NAMIMISS KO BAKIT INIWAN MO AKO?!!!!!!!!!!!!!!!   Halos mamaos ako kakasabay sa pagkanta ng Aegis.   I can’t believe it! Nandito ako sa concert nila at ni Tuesday na kumanta kanina ng “Kuya Wag po” and my all time favorite, ang “Di Ako Bakla”.   Mangiyak-ngiyak ako habang nakikisabay sa next na kinanta nila, ang “Sayang na Sayang”.   Nakita ko sila Eunice at kinawayan ko sila. To my surprise, parang hindi naman sila gulat na nandito ako ngayon sa concert. Like they expected me.   Well, who cares?   WOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!   SAYANG NA SAYANAG TALAGA   PAGMAMAHAL NA DI KO MAKAKAMTAN SA IYO   Feel na feel ko ang pagsabay sa kanta pero biglang tumigil ang kanta pagkatapos ng second chorus.   Madami ang napahiyaw sa inis at nagreklamo.   Ngumiti naman ang members ng Aegis sa audience nila at humingi ng paumanhin sa aming mga nabitin.   “Gusto po naming singilin in the form of singing the last part of the song ang isang babae na nasa audience ngayon na may utang daw na kanta sa isang lalaki,” simula ng lead vocalist ng banda.   Nag-iritan ang audience sa pamumuno ng grupo nila Eunice.   “Pwedeng pakidala ng babaeng iyon dito sa stage please?” laking gulat ko ng ituro ako ng lead vocalist. Hindi ako maaring magkamali dahil ako lang ang babae sa direksyon na itinuro niya.   To my surprise binuhat ako ng katabi ko at pinagpasapasahan ako ng mga tao through crowd surfing hanggang sa makaabot ako sa stage at itinabi agad ako sa Aegis band members.   “Ok, what’s your name?” magiliw na tanong sa akin ng vocalist.   “Ah... Tabitha...” nanginginig kong sagot.   “Tabitha, ituloy na natin ang kantahan! I bet alam mo ang lyrics ng kanta namin! It’s time to pay-up! May gustong makakinig ng voice mo! Gora na sis! Music please!”   To my surprise ay bumalik ang music at itinuloy na nila ang kanta after they handed me a microphone.   “Be a sport and follow my lead ok?” bulong sa akin ng singer at nagsimula na niyang kantahin ang bridge.   Alam kong kapwa tayong dalawa’y nakatali na...   Puso’y di mapigilan ang sigaw...   At that point kumindat sa akin ang lead vocalist pointing out na cue ko na.   Adrenaline rush siguro mixed with the feeling na ayaw kong mapahiya kaya binigay ko na ang todo ko.   MAHAL PA RIN KITA!!!!   Bumirit ako sa mike at lalo akong ginanahan ng mag-iritan sila Eunice, Berna, Bea at Marieta.   SAYANG NA SAYANG TALAGA!!!!!!!!!!   DATING PAG-IBIG NA ALAY SA IYO!!!!   SAYANG NA SAYANG TALAGA!!!!!!   PAGMAMAHAL NA DI KO MAKAKAMTAN....   SAYANG NA SAYANG TALAGA!!!!!! (sayang na sayang talaga!!!)   At that moment ay binackupan na ako ng lead vocalist sa pagkanta at lalo akong ginanahan...   SAYANG NA SAYANG TALAGA!!!!! (mahal pa rin kita!!!!)   PAGMAMAHAL NA DI KO MAKAKAMTAN...   SA IYO....   OHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!   Hindi ko alam paano ko naabot ang highest note ng kanta pero nagawa ko at pagkatapos kong kumanta ay isang nakakarinding palakpakan at hiyawan ang nakinig ko.   “Ok guys! Bayad na siya sa utang niya! Perfect!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD