Chapter 9

1669 Words
16.   Para akong artista pagkapasok na pagkapasok ko ng school kinabukasan.   Live Telecast pala ang concert kagabi at halos buong school ang nakapanuod ang ng pagkanta ko sa concert.   Hindi din nakatulong ang pagpopost nila Eunice ng video ko na kumakanta sa Youtube at pagtatag sa mga classmates and friends nila sa f*******:, i********:, Twitter and Google Plus.    Kaya kahit ang maintenance at teachers ay nakangiting-nakangiti sa akin at kinocongratulate pa ako.   Muntik pa akong malate sa klase ko sa daming bumati at humarang sa akin sa daan.   Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ay isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa akin. Kahit si Lyshta ay todo thumbs-up sa akin sabay kindat.   “Sample! Sample! Sample!” hiyaw ng mga classmates ko.   Gosh no! Ayoko, hindi pa ako nakakamove-on sa hiya. Tumingin ako sa grupo ni Eunice and through my eyes ay nagmakaawa ako na tulungan nila ako.   Nagkatanguan sila at mabilis na tumayo si Eunice at pinagtulakan ako paupo sa aking silya at bago pa makareact ang mga classmates ko ay bumirit na ng own version niya ng Sayang na Sayang (rally ver.) na nagpatawa at nagpangiwi sa aming lahat.   Napatungo na lang ako at napangiti.   Habang deretso sa pagbirit si Eunice ay hindi nawala sa isip ko ang pasalamatan ang tao na nagpasaya sa akin ng sobra. -0- “Excuse me Ms. Merlinda, pwede po bang makausap si Lorcan?” hiyang-hiya kong tanong sa teacher na nasa kalagitnaan ng pagdidiscuss ng kung ano sa kanilang G.M.R.C class ng hapon na iyon.   Ramdam ko na namula ng sobra ang mukha ko. Kinain ko talaga ang pride ko out of gratitude kaya heto ako sa pintuan ng 2-A at ginagawa ang hindi ko akalaing magagawa ko.   Napalingon ako sa likod ko at kita ko ang magakapatid na si Rigel at Iggy na binubuyo ako para ipagpatuloy ko ang ginagawa kong katangahan habang nakatago sa likod ng malaking poste.   Nagtudyuhan at nag-iritan ang mga classmate ni Lorcan dahil sa narinig na sinabi ko.   Kahit si Ms. Merlinda ay napataas ang kilay at parang hindi makapaniwala sa ginagawa at sinabi ko.   She knew me as a keep-it-to-myself kind of girl at napaka out-of-character itong ginagawa ko.   Thankfully napangiti din ang terror teacher ko at tumango bago tinanguan ang nakatayo nang si Lorcan, sakbit na ang kanyang bag.   “Of course Ms. Abanilla. You may,” magiliw na sagot ni Ma’am sabay tingin sa nakangisi nang lalaki, “Go Mr. Harway. Siguraduhin mo lang na hindi kayo lalampas ng six ha?” nakakalokong sabi niya na nagresulta sa panibagong wave ng iritan at tudyuhan.   Tumango naman ito, “Of course Ms. Merlinda.”   Halos matalapid sa pagmamadali si Lorcan na makalabas ng pinto.   Napangiti naman ako ng makita ko siya. There is some kind of fondness when I look at him.   The same black hoody, shades and pants with a pair of red snickers.   “Let’s go?” magiliw na tanong niya sa akin.   Tumango ako at nagsimula nang lumakad palayo ng classroom niya.   Tahimik kaming naglakad sa hallway na nakakapagtakang walang katao-tao considering the fact na rush hour ng labasan ngayon.   I suddenly remember ang promise sa akin ng magkapatid na sila daw ang bahala sa dadaanan namin.   Now I know what they meant earlier.   Malakas ang kabog ng dibdib ko at kinakapa ko ang Tupperware sa aking bag.   Gusto kong magsalita pero parang may nakabara sa lalamunan ko at wala akong mailabas na boses.   “Did you enjoy yourself last night, Tabitha?” biglang basag sa katahimikan na tanong ni Lorcan sa akin.   Tumango ako napangiti naman ako, “The best night of my life Lorcan,” masaya kong sagot agad sa kanya.   “Yet...” tahimik na dugtong niya sa sinabi ko.   Hindi ko nagets o pinagmunihan ang sinabi niya dahil inilabas ko na ang Tupperware sa bag ko at inabot ko agad sa kanya.   “Para sa iyo. Pagpasensyahan mo na ha?” nahihiya kong sabi sa kanya.   Nakailang kurap siya sa hawak ko na parang hindi niya akalaing magagawa ko ang ginawa ko lang this moment. Dahan-dahan niyang kinuha ito at binuksan.   Nanlaki ang mata niya ng makita niya ang isang medium sized cup cake na may maliit na icing in the shape of a green apple.   Isang ngiti ang nagpalabas ng bottomless dimples niya at napatingin siya sa akin.   “Where did you bought this?”   Umiling ako at tumungo, “Ginawa ko iyan. May oven kasi sa amin. Nakisalang ako kaninang umaga.”   Hindi siya sumagot kaya kinabahan ako. Tumingala ako at nakita ko siyang kinakain na niya ang cupcake. Mukhang nasasarapan ito judging from his smile.   Ok. Mission Acomplished Tabitha. Makakaalis ka na.   Walang imik-imik na tumakbo na ako palayo sa kanya. Hiyang-hiya ako sa ginawa ko pero may kahalong relief at happiness.   Hindi pa ako nakakalayo ng tumawag siya sa akin.   “Hey! You forgot something!”   Napatigil ako at automatic na nagbacktrack ang utak ko. Baka yung Tupperware.   Lumingon ako sa kanya at sa gulat ko ay isang green apple ang nalipad ngayon sa ere at mabilis na paparating na sa direksyon ko.   Automatic na sinambot ito ng mga kamay ko at ng makuha ko iyon ay tumalikod na din ako.   With a smile in my lips... -0- 17.   “Ang sarap diba Tabitha?” masayang tanong sa akin ni Rigel pagkasubo ko ng Betamax.   Nilasahan ko ito at nagustuhan ko naman kaya tumango ako, “Oo nga ano?! Ngayon ko lang na-try ito!”   Tumango-tango ito at kumuha naman ng isaw at idinip sa spicy sauce bago kinain ito in one bite.   “Sabi ko naman sa iyo diba? Sarap na nga, mura pa! Try mo sa kanin mga minsan!” suggest niya sa akin.   Nanlaki naman ang mga mata ko at napatingin sa iba’t ibang streetfood na nakahanay sa food cart sa tapat ng school. I can’t believe na masarap pala sila at affordable pa.   Note to myself: Isama sa menu everyday ang streetfood!   Tapos na ang klase namin for today at isinama ako ni Rigel dito sa paborito niyang kainan na according to him ay even si Eunice na kilalang metikolosa at madiriin ay favorite hang-out din ang food cart na ito.   Na-curious ako sa sinabi ni Rigel kaya sumama na din ako sa kanya. Turns out he’s right. Masarap talaga.   “Tagal naman ni Lorcan. Cleaner kasi siya ngayon,” ungkat niya sa akin habang may nginunguya na tokneneng.   Sabi kasi ni Rigel na pinapasabi daw ni Lorcan na hintayin daw namin siya after class.   Kaya heto kaming dalawa ng classmate ko. Nagpapalipas ng oras sa pamamagitan ng panginginain.   Tiningnan ko si Rigel at napangiti ako. He looks so funny trying to eat everything all at once.   Siya yung tipo na masarap ipaghanda ng pagkain kasi lahat ay lalantakan niya. “Bakit ayos pa din ang katawan mo kahit kain ka ng kain Rigel?” takang tanong ko sa kanya.   Napatigil siya sa pagkain at napatingin sa kanyang katawan na fit bago napaisip sabay iling.   “Hindi ko din alam,” sagot niya sabay turo sa katawan ko, “Ikaw din, kain ka ng kain, parang hindi ka masyadong nataba,” puna din niya sa akin.   Napatawa ako. Wala din akong maisagot sa kanya. Hindi sa dahil hindi ko alam ang sagot. Ayaw ko lang sabihin.   Nagpatuloy sa pagsasalita si Rigel, “Kabaliktaran ka ni Eunice. Siya mapasobra lang sa kain ay bigla na lang ung tata----“   “Tatamaan ka sa akin ng matindi pag tinuloy mo yang sinasabi mo Rigel!” isang galit na boses ang nakinig namin.   Napalingon kami sa aming tagiliran at nakita namin si Eunice na may hawak na Addidas at bwisit na nakatingin kay Rigel habang nakahaya ang matalas na dulo ng stick sa kasama ko.   Namutla naman si Rigel at umiling. Tumango naman si Eunice. Satisfied on his scared expression, she turns her head to my direction and a smile formed on her pretty face.   “Enjoy ka lang sa pagkain Tabitha ok?” udyok niya sa akin at tumango naman ako while eyeing her stick na intentional or not ay nakatutok naman sa direction ko.   May nakinig kaming malakas na tawag at nakita naming tatlo sa hindi kalayuan sila Bea, Berna at Marieta na may supsup na mangga at bagaoong na kinakawayan si Eunice.   “Babye guys!” masayang paalam ni Eunice sa aming dalawa at tumakbo na sa kanyang friends at naglakad na ata pauwi.   Mukhang pinagpawisan ng matindi si Rigel at nagpatuloy ng tahimik sa pagkain.   Napailing ako at kumain na din. I feel for him. Ramdam ko ang bagsik ni Eunice.   Ilang saglit pa ay dumating na si Lorcan. Pawis na pawis at hinihingal. Halatang galing sa pagtakbo.   “Sorry I’m late guys,” sabi niya sa amin.   “Ok lang pre. Nabusog naman kami ni Tabitha,” masayang sagot ni Rigel sa best friend.   Nilingon ako ni Lorcan at ngumiti sa akin ng matamis tapos umorder ng sangkatutak na streetfood na nagkakahalaga ng almost one hundred pesos.   “Sino ang kakain niyang lahat?” hindi ko mapigilang tanong sa kaniya ng iabot sa kaniya ng vendor ang tatlong malalaking plastic.   “Just me Tabitha,” magiliw na sagot niya sa akin.   Napataas ang kilay ko at napalingon ako kay Rigel na todo tango sa akin.   Biglang nag-alarm ang cell phone ko.   Sheesh... Five forty five na. Time na para umuwi.   Mukhang nalungkot si Lorcan ng sinabi ko na uuwi na ako.   “I’m sorry Tabitha. We’re supposed to hang-out here this afternoon,” nanghihinayang sa paumanhin niya sa akin.   Umiling ako at playfully kong hinampas ang likod ni Rigel, “Ok lang yan. Nagkwentuhan naman kami ni Rigel kaya hindi ako na bored. Maybe next time na lang ok?”   “Sure,” mabilis niyang sagot sa akin at kumuha ng isang green apple sa bag niya at iniabot sa akin.   “Keep safe Tabitha,” paalala niya sa akin pagkakagat ko sa apple.   Ngumiti ako at tumango, “Of course. Ako pa? Bye boys!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD