18.
“Sorry talaga Lorcan. May special date kasi kami ng family ko ngayon,” malungkot na sabi ko sa lalaking nakasimangot sa harap ko na may hawak na dalawang movie tickets.
Huminga na lang ito ng malalim at pinilit na ngumiti sa akin, “All right. But promise me that tomorrow...”
“Ok, ok. Promise!” nagmamadali kong sagot sabay tingin sa relo ko. Mag fafive na at ayaw kong ma-late.
Katakot-takot na sermon aabutin ko pag nahuli ako. Hirap magkapamilya na parang emergency lagi ang bawat gathering at appointment.
“Ok, here you go Tabitha,” masaya niyang sagot sa akin sabay bigay ng green apple.
“Thanks Lorcan. Bukas na lang!” paalam ko sa kanya at tumakbo na ako palabas ng school gate.
Can’t be late on this one!
-0-
“Buti hindi ka late,” nakangiting bati sa akin ni Ate Stellar na may nakasakbit na stetoschope sa kanyang leeg.
Napaismid naman si Kuya Estefan na nakaupo sa isang sulok katabi ang kakambal niyang si Kuya Stephen na masayang nakaway sa akin.
“Ngayon lang iyan hindi na-late,” tudyo ni Kuya Estefan sa akin.
“Baka may “inspiration”,” biglang sangat ni Kuya Brando na nakatayo sa likod ni Ate Stellar at may hawak na reading glasses.
Umalingawngaw ang malakas na tawanan at tudyuhan ng mamula ako.
Inakay ako ni Ate Stellar sa tabi ni Kuya Stephen na may dalang pang presyon at kinuhanan ako ng blood pressure.
Nag-ayos naman ng pagkain namin sila Kuya Brando, Estefan at Ate Stellar.
I can’t ask for anything more.
Doctors si Ate Stellar at Kuya Brando samantalang nurses naman sila Kuya Estefan at Stephen. Alagang alaga ako.
Miminsan lang kami magsama-sama ng ganito pag once in a blue moon pag nagkasabay-sabay sila ng off.
“Sinong may dala ng apple? Alam ninyo naman na ayaw na ayaw ko ng apple?!” nadagundong na boses ang nakinig namin na nagpatigil sa aming ginagawa.
Paglingon namin sa pintuan ng conference room ay nakita naming nakasimangot na nakatitig sa green apple ko si Tito Big Boy, head doctor.
“Alam ninyo naman na ayaw ko ng apple,” he said disapprovingly, “So who is the culprit?”
Nilaglag ako ng mga kuya at ate ko at itinuro nila ako unanimously. Napasimangot naman ako.
Bago pa makaimik si Tito Big Boy ay isang maliit na boses ang sumangat.
“Naku Big Boy. Masyado kang panata sa “An apple a day, gives a doctor a holiday!”
Napatawa kami sa sinabi ng isang maliit na lalaki na may edad na bigla na lang sumulpot sa likod ni Tito Big Boy at kumaway sa akin. Si Lolo Doc Edward.
Kahit ang nakasimangot na si Tito Big Boy ay napangiti na din sa akin, “Wala kasi akong holiday pay! Kaya I hate apples!” natatawang sabi niya bago niya inilahad ang kanyang mga kamay at tumingin sa akin, “Come here Tabitha and give your favorite Tito Big Boy a hug!”
Tumayo naman ako at tumakbo sa naghihintay na si Tito at niyakap ko siya. Kasing higpit ng yakap niya sa akin.
Nagwish ako na sana maramdaman niya ang mga bagay na hindi ko masabi in words through my hug. Pinat nya ako sa ulo at itinuro ang green apple ko na nakapatong sa isang plato sa ibabaw ng hapagkainan.
“Kainin mo na iyan Tabitha,” udyok niya sa akin at mabilis ko naman siyang sinunod.
Habang kinakain ko iyon ay alam ko na nakatingin silang lahat sa akin.
Nakinig ko na lang ang sabi ni Kuya Stephen na “If only the saying was true...”
r-0-
19.
“Woooo! GO EUNICE!” malakas kong hiyaw habang nabirit ng todo ang classmate ko sa stage at binabackupan nila Bea, Berna at Marieta kasama ang ibang mga friends nila from other section na nagsasayaw.
I REALLY REALLY REALLY REALLY REALLY LIKE YOU!
AND I WANT YOU, DO YOU WANT ME, DO YOU WANT ME TOO?!
Dumadagundong ang palakpakan at hiyawan sa buong gymnasium. Nobody can excite the crowd like Eunice and her friends do.
OHHHH DID I SAY TOO MUCH?!
I’M SO IMMATURE, WE WERE OUT OF TOUCH!
I REALLY REALLY REALLY REALLY REALLY LIKE YOU!
AND I WANT YOU, DO YOU WANT ME, DO YOU WANT ME TOO?!
YEAHHHHHH!!!!!
Isang makabasag na eardrums na palakpakan ang nakinig ko at nagbow na sila sa stage at tumakbo na pabalik sa likuran.
Nag-eenjoy talaga ako ng todo.
Performance Day ngayon at pagalingan ang bawat grupo with additional grades as a price, ay talagang bigay todo sila. Basta more than one sa isang group ay pwedeng sumali even if you are from different section or year.
Kanina nga iisang grupo ang grade 1 at fourth year kaya nakakatuwa sila panuorin.
“Sino na ba ang kasunod?” nakinig kong tanong ni Rosa na katabi ko kay Dikto na nasa kanan niya.
“Oh, it has to be them, Rosa,” nakangiting sagot nito sa kasintahan.
Napataas naman ang kilay ni Rosa at curiously, tumingin siya sa akin bago nag salita ng “Oh... them”.
“Please welcome our last contestant!” malakas na hiyaw ni Ambo na nalakas pala ang boses pag sinisipag.
Nagpalakpakan ang mga tao at tumahimik sila ng dumilim ang stage.
Nakakarinding katahimikan at biglang may tumalon mula sa kung saan at tinapatan ng spotlight.
Hindi lang ako ang nagulat at napasinghap ng makita ko si Rigel na mukhang bagong hilamos at nakangisi at nagsimulang mag-rap!
At nakatitig siya sa akin...
Habang tumutunog ang gitara saki’y makinig ka sana,
Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana,
Sa awit aking isinulat ko kagabi,
Wag sanang magmadali at wag kang mag-atubili dahil,
Itinuro niya ang kadiliman sa kanan niya at bigla itong tinamaan ng spotlight.
Laking gulat ko na nakatayo si Lorcan sa tabi niya. Wearing his black hoody, shades, pants and sneakers.
Itinuro niya ang direksyon ko at napasinghap si Rosa ng nagsimula siyang...
KUMANTA!
Kahit na wala akong pera,
(umiling siya at nagkibit balikat)
Kahit na butas aking bulsa,
(pinakita niya ang walang laman niyang bulsa)
Kahit pa maong kupas na,
(itinuro ang kanyang pants)
At kahit na marami diyang iba,
(itinuro ang mga lalaki sa audience)
Ganito man ako,
(maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao,
(na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa’yo
(ay ang)
Hinawakan ni Lorcan ang kanyang dibdib gamit ang dalawa niyang kamay at nag-sway sa spot niya kasabay ni Rigel na tatango-tango.
Pag-ibig ko sa’yo na di magbabago,
At kahit na anong bagyo ika’y masusundo,
Ganito lang ako,
(maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao,
(na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon...
Itinuro ni Lorcan si Rigel na tumango at lumakad papunta sa hagdan pababa at tumigil sa kalagitnaan at tinuro ako bago mag-rap ulit in an expertise that I never imagined...
Hindi mo naman kailangan sagutin ang aking hinihiling,
Nais na maparating na di na muli pang dadaloy ang luha,
Pupunasan ng kusa,
At di na kailangang manghula,
Kahit pamasahe lang ang palagi kong dala,
Upang makasama ka,
Habang nakikita ka,
Lagi kang aalalayan,
Kahit ano man ang iyong mga ibinubulong,
Malalim pa sa balon,
Ito lamang ang....
Lumingon si Rigel kay Lorcan at pinapunta niya ito sa tabi niya. Mabilis naman itong tumakbo pababa ng hagdan at pagdating niya sa tabi ni Rigel ay kumanta na ulit ito.
Medyo bakwit ang boses niya at halatang hindi sanay magtagalog. Pero may kung anong nakakatuwa at nakakakilig sa boses niya na napaka earnest at innocent ang tono.
Pag-ibig ko sa’yo na di magbabago,
At kahit na anong bagyo ika’y masusundo,
Ganito lang ako,
Simpleng tao,
Lumingon si Lorcan sa likod niya at sa pagkasorpresa ko at ng iba kong schoolmates ay may lumabas na apat na lalaki na naka costume ng superhero.
And to my horror, KILALA KO KUNG SINO ANG APAT NA IYON!
Hihingi na ba ng saklolo?
Kay Spiderman,
(itinuro niya si Iggy)
O kay Batman,
(itinuro niya si Ezekiel)
Kay Superman,
(itinuro niya si Elyon)
O Wolverine,
(itinuro niya si Ambo)
Kahit di maintindihan,
Baka sakaling pansinin,
Ganito lang ako,
(maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao,
(na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa’yo
(ay ang pag-ibig)
Nag-rap na ulit si Rigel na nagpatili sa audience lalo na sa mga babae at bakla.
Ko sa’yo ito’y totoo,
Wala nang iba ikaw at ako,
Lang ang nasa isip at panaginip,
Pag nakikita ka sasabihin ko’y,
Nawawala ikaw na nga,
Ang dahilan kung bakit nasulat ko ang tulang,
Kahit kanino ay aking maipagyayabang,
Minamahal kita subalit tanggapin mo sana kahit,
Itinuro ulit ni Rigel si Lorcan na nakangisi na ngayon at parang ginanahan na kumanta. Pero kahit bakwit ang tagalog niya, tama sa tono at mukhang may boses nga ang kumag na ngayon ay nakatitig na nakatitig sa aking direksyon at itinuturo pa ako.
Ganito lang ako,
(maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao,
(na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa’yo
(ay ang)
Pag-ibig ko sa’yo na di magbabago,
At kahit na anong bagyo ika’y masusundo,
Ganito lang ako,
(maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao,
(na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa’yo
“Sorry Tabitha, utos lang ni Eunice,” mabilis na sabi ni Dikto at hinawakan niya ako at ni Rosa sa magkabilang braso at kinaladkad papunta sa gitna ng gymnasium habang bumaba ng hagdan sila Rigel at Lorcan.
Pati na rin ang apat na naka-costume na sila Iggy, Ezekiel, Ambo at Elyon ay tumayo sa likod nila Rigel at Lorcan at kumanta na din.
Lumapit si Lorcan sa akin habang nakanta siya at hinawakan ang pareho kong kamay.
Sobrang lamig ng kamay niya at mukhang kinakabahan siya pero deretso pa din siya sa pagkanta.
Pag-ibig ko sa’yo na di magbabago,
(itinuro ako nila Rigel, Iggy, Ambo, Elyon at Ezekiel)
At kahit na anong bagyo ika’y masusundo,
(naglabas ng payong si Iggy)
Ganito lang ako,
(ngumisi si Ezekiel)
Simpleng tao,
(humikab si Ambo at kumurap-kurap)
Na umaasa hanggang ngayon...
Biglang tinanggal ni Lorcan ang shades niya at laking gulat ko ng tumambad sa akin ang apple green eyes niya na nagniningning at maluha-luha na.
Inabutan siya ni Elyon ng isang green apple at maingat niyang inilagay ito sa aking kanang kamay.
Tinitigan niya ako at lumabas sa kanyang bibig ang huling linya ng kanta.
Sa pag-ibig mo...
“Tayo na ba Tabitha?” tanong niya sa akin.
For the first time kinausap niya ako sa tagalog at iyon agad ang sinabi niya sa akin.
Lumabas bigla sila Eunice, Berna, Bea at Marieta mula sa backstage na may dalang placards na “OO” kasunod si Lyshta na may hawak ng microphone at sumigaw ng “OO OO OO OO” hanggang sa nag-chant na ang buong gymnasium sa pangunguna ng limang babae sa stage.
Napatingin ulit ako sa mukha ni Lorcan na ngayon ko lang nakita ng buo. Walang shades, walang hoody at walang nakataklob na buhok.
Matangos ang maliit niyang ilong at bilog na bilog na parang mansanas ang kanyang berdeng mata.
Inilapit ko ang hawak kong green apple sa dibdib ko at hindi ko malaman kung bakit ay biglang napaiyak ako at tumango ako sa kanya.
“Oo, Lorcan...”
Iyon lang at niyakap niya akong mahigpit at isang nakakarinding hiyawan at palakpakan ang tangi kong nakinig habang nakayakap sa akin si Lorcan.
Ang boyfriend ko...