Chapter 11

1626 Words
20.   “Ang sweet naman ng dalawa oh!” nakangising sabi ni Iggy sa aming dalawa ni Lorcan ng dumating kami sa bench kung saan siya naghihintay na magka-holding hands.   Napangiti naman si Lorcan at namula ito.   Tiningnan ko ang mukha ng “boyfriend” ko.   Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na si Lorcan.   Siya ang first boyfriend ko and I’m sure siya na ang last.   Basta sure na sure ako sa bagay na iyon.   Sabihin ninyo na akong cliché o parang alam ko ang mangyayari sa future (w/c technically alam ko na nga) kaya sure ako na siya na nga ang una at huli ko.   Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay at ngumiti ako sa kanya.   Hindi na siya ulit nagsuot ng shades after ng “performance” niya at maayos na din ang kanyang buhok.   Nakasalubong naming dalawa sila Harold at Paul na parang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa amin pero takot na lang nilang lumapit.   Not with Eunice and her friends na naaligid sa amin na parang mga gwardiya sa hindi kalayuan.   Sila Iggy at Eunice pala ang may pakana ng pagkanta ni Lorcan sa stage ng tagalog. Rap pa talaga.   Success naman daw ang pagod nila at nagka grades pa sila ng mataas, naging kami pa ni Lorcan so win-win situation daw.   “Bagay na bagay kayong dalawa Tabitha!” sunod na sabi pa ni Iggy sa amin na lalong nagpapula ng tenga ni Lorcan.   Napatawa na lang ako at hinatak ko na ang boyfriend ko paupo sa bench kung saan nakaupo si Iggy na may hawak na P.S Vita.   Napangakuan namin na sasamahan namin siyang hintayin si Rigel na cleaner ngayon.   Judging from the fact na tamad si Rigel, mukhang matatagalan kaming tatambay dito.   Nagsuot ng headset si Iggy at tinodo ang volume. Hudyat na pwede na kaming mag-usap ni Lorcan privately. Kasama lang naman ang habol ni Iggy.   “Saan ka ba galing na bansa? Hindi ko naitanong dati kasi lagi ka naman naalis agad at wala tayong oras na matagal para magusap ng matino. So saan kang parte ng mundo?” natatawa kong tanong sa kanya.   Napatawa ito bago sumagot. His voice sounds boyish but with a hint of maturity. Hindi nakakasawang pakinggan. He rarely spoke nung hindi pa kami. Pero nung naging kami na, hindi na halos mapigil sa pagratrat ng English sa akin si Lorcan. Buti na lang hindi ako required mag-english. Thank goodness magaling itong umantindi ng tagalog.   “I’m from Great Britain, specifically, Ireland, Tabitha.”   Napatango naman ako, “Ahhhh... Nasaan ang parents mo? Ano work nila? May mga kapatid ka ba?”   “They’re both in Ireland. Dad’s a newsanchor while Mom is a talkshow host,” mabilis na sagot niya, “No... Nope, I don’t have any siblings,” masaya niyang sagot.   Celebrity type pala ang family niya. Pero bakit siya pinadala sa Pilipinas? Of all the places? Vinoice out ko ang tanong ko sa aking isipan sa kaniya.   Napakunot ang noo niya na parang may inaalala, “Hmmm... It happened so fast. Someone from a charity institution just called my parents up one day and told them that there is a program about exchange students here in Philippines. It’s like they will send me here in exchange for a less priveledged but worthy student to study there in Britain. They asked me first about it and I said why not? And they are like, they want me to see the outside world or something so here I am!” masaya niyang sabi sabay yakap sa akin.   Napatawa naman ako sa ginawa niya na merong pagka-childish even though sixteen years old na kami.   Nakaisip ako ng seryosong tanong kaya ibinato ko agad ito kay Lorcan.   “Pang-ilan mo na akong girlfriend? Yung totoo ha?” nagbabanta kong tanong sa kanya.   “You’re my first Tabitha,” mabilis niyang sagot sa akin at dinugtungan niya ito ng makita niyang nagtaas ako ng isang kilay, “You know how shy I am. I rarely reached out to others here, well except for Rigel and sometimes, Eunice too. But I never courted someone before you. Am I your first too?” balik tanong niya sa akin.   Tumango ako at lumabas na naman ang bottomless niyang dimples sa lapad ng pagngiti niya sa akin.   Kung ano-ano pang pinagusapan namin hanggang sa dumating na din sa wakas si Rigel na mukhang nag-gugulong sa sahig sa dumi.   Hinatid ako nila Iggy, Rigel at Lorcan sa terminal ng jeep at bago ako sumakay ay inabutan ako ng boyfriend ko ng isa na namang green apple.   Hinawakan ko ito at masaya ko itong tinitigan.   “Bakit green apple Lorcan?”   Hinawakan niya ako sa aking pisngi at hinalikan niya ako sa noo bago siya sumagot, “Because that is my favorite fruit Tabitha...” -0- 21.   “Teh, hulugan mo na lang ng broth cubes yang nilaga,” utos sa akin ni Eunice habang nagluluto kami sa Home Ec. Room.   Cooking day ngayon and that means pwede kaming mag-aksaya, I mean magluto to our heart’s content.   Anim kaming babae na nasa kusina ngayon at kami ang nakatoka sa pagluluto ng hapunan.   “Ok Eunice,” sagot ko sa classmate ko at hinulugan ko nga ang niluluto niyang nilagang salmon habang pinag-hihiwa niya ako ng kangkong.   Hindi kasi ako magaling sa pag-hihiwa kaya nakiusap ako kay Eunice na siya muna ang mag-hiwa ng mga gulay ko habang binabantayan ko ang luto niya.   Kami na lang dalawa ang natira sa kitchen. Tapos nang lutuin nila Berna, Bea, Marieta at Lyshta ang mga putahe nila.   Pinaltok kay Berna, Fish Sticks kay Bea, Cake kay Marieta at Dinuguan kay Lyshta.   Salmon in Miso Soup naman ang kay Eunice samantalang Sinigang ang sa akin.   “Ayan ok na Tabitha,” masayang sabi ni Eunice sa akin pagkahiwa niya ng kangkong.   “Thanks Eunice. Oh ikaw na dito at ihuhulog ko na sa aking sinigang ang mga gulay,” sabi ko sa kanya sabay abot ng sandok at sinimulan ko nang ilagay ang mga gulay na nahiwa ni Eunice sa niluluto ko.   Maya-maya pa ay nagkatikiman na kami ng luto ni Eunice at agad ko agad nalasahan ang sarap ng ginawa niya.   Napapikit naman sa kilig si Eunice pagkahigop niya ng sabaw ko at napataas ang kilay niya against her will, obviously.   “Bakit Eunice? May mali ba?” kinakabahan kong tanong dito.   Umiling siya at ngumiti ng matamis sa akin, “Teh, mag culinary ka. Ramdam ko may future ka sa cooking. I watched you do your thing and kita ko agad na may galawan ka!”   “Sus, ikaw nga Eunice ang pro sa ganyan!” tudyo ko naman sa kanya.   “Naku! Oo magaling ako magluto, given na yan. Pero more on hospitality and serving ako. Masyado magulo sa kitchen,” reklamo niya tapos biglang itinuro niya ako, “But you! Kaya mong mag-focus sa kitchen. You’ve got the attitude and skill teh! Consider your career path!”   “Sus ang aga pa para sa ganyan! Second year pa lang tayo in high school!” pagsasawalang bahala ko sa sinabi ni Eunice.   Besides, wala na akong oras na kumuha pa ng culinary even if I want to.   That is as sure as the sureness that I have na si Lorcan lang ang first and last boyfriend ko.   “Well, mark my words teh!” iyon lang ang sabi ni Eunice at wala nang imik-imik pang dinala sa dining area ang luto niyang putahe leaving me alone with my sinigang. -0- “Lyshta teh. I hate to say this pero puto,” seryosong sabi ni Eunice kay Lyshta habang sinusubuan niya si Ezekiel ng siopao na dinip sa dinuguan na niluto niya.   Napakunot naman ang noo ni Lyshta at itinigil ang subuan nila ng boyfiend niya, “Puto?”   “Puto teh at hindi siopao ang katambal ng dinuguan!” basag ni Berna kay Lyshta na umasim ang mukha at hindi sinasadyang maisubo ng buo sa bunganga ni Ezekiel ang siopao sa inis.   Nagtawanan naman sila Ambo at Rigel habang nakain ng mga hinanda nila Berna, Bea, Marieta at Eunice samantalang nakikikuha ng sinigang ko si Iggy at Elyon.   Napapatawa akong napapailing ng hinarap ko si Lorcan na halos mapaso na sa bilis ng pagkain ng mainit kong pang-ulam at kanin.   Nakakatuwa naman siyang ipaghanda.   Kaya siguro magkasundo sila ng katabi niyang si Rigel.   Pareho silang madaling pakainin at masarap ipagluto.   Hindi katulad nila Ambo, Iggy at Elyon na pihikan sa pag-kain na ngayon ay sinesermunan ni Bea about proper diet and food pyramid.   “Masarap ba?” tanong ko sa boyfriend ko na dirediretso ang higop ng sabaw ko.   Pero si Iggy ang sumagot, “Oo Tabitha! Ang sarap-sarap!” masaya niyang sagot sa akin at todo tango pa.   Napangiwi ako ng binato siya ng kutsara ni Eunice.   “Gags ka! Hindi ikaw ang tinatanong! Wag ka nga sumabat sa usapan nilang dalawa!”, gigil na pangaral ni Eunice sabay lingon sa akin at ngumiti ng matamis, “Please continue teh,” masaya niyang sabi sabay tingin ng masama kay Iggy na tumahimik na lang at nagpatuloy na sa pagkain.   Tatawa-tawang tumango si Lorcan sa akin, “Yep. I tasted one before from a restaurant but this is much better. You truly have a gift, Tabitha”   Kinilig naman ako sa sinabi niya.   Ikaw ba naman ang puriin ng mahal mo ang luto.   “I want you to cook for me for the rest of my life,” seryosong sabi nito sa akin.   Napangiti na lang ako sa sinabi niya at kinuha ang binigay niyang green apple sa akin kanina at kinagatan ito.   I wished fervently na sana magtagal habang buhay ang moment na ito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD