Chapter 12

1475 Words
22.   Ang saya-saya ko ngayon.   Manunuod kami ng movie together ni Lorcan ngayon.   Gusto niya sa bahay ko pero sobrang layo kaya sa park na lang.   Bitbit niya ang sandamakmak na junk foods at dalawang two litters na softdrink na titirahin namin habang nanunuod.   Umupo kami sa isang covered table at ipinatong ang mga dala namin sa inilatag naming mat.   Binuksan ko ang ancient netbook ko at plinay ang “Titanic”.   Napakunot ang noo ni Lorcan pero hindi siya nagsalita.   Nagsimula na ang movie at nakita ko na si Old Rose. Napaiyak agad ako.   Nagulat si Lorcan sa akin.   “Why are you crying? I don’t see any touching scenes yet,” nagtatakang puna nito sa akin.   Napailing na lang ako sinubuan ko na lang siya ng Martys para matahimik na siya at makapanuod ako in peace.   Habang nagsasalita si Old Rose, every line, every words na sinasabi niya, naiiyak ako ng sobra.   Takang-taka sa akin ang boyfriend ko pero hinayaan na lang niya akong mag-iiyak to my heart’s content.   Tapos ng dumating na sa part na pumikit na si Old Rose ay pumalahaw na ako ng iyak dahil damang-dama ko siya.   This time niyakap na ako ni Lorcan at umiyak ng umiyak ako for how many minutes, I don’t know.   Nang kumalma na ako ay pinunasan ni Lorcan ang aking mukha at ngumiti sa akin.   “I still don’t get the reason why you are crying everytime that old woman talks,” natatawa niyang sabi sa akin.   Inirapan ko siya at niligpit ko na ang netbook ko at itinapon ang aming napagkainan.   Inaya ko na siyang umuwi at pumayag naman agad siya.   On our way out of the park may nakita kaming matandang lalaki, nagsosolo siyang nakaupo sa isang bench.   Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan ko siya.   A few seconds ang nakalipas at may isang kuba na matandang babae na nakatungkod ang mabagal na naglalakad papunta sa matandang lalake.   I saw how his old eyes lit up when he saw the old woman. May dala-dala itong pagkain na nakasupot at ng maupo na siya sa sa tabi ng lalake ay binuksan niya ang dala niyang plastic at naglabas ng isang suman na pinagsaluhan nilang dalawa.   Dumaloy na naman ang mga luha ko sa aking mga mata at mabilis akong lumakad palayo.   Ang sikipsikip ng dibdib ko at hindi ko alam kung bakit lungkot na lungkot ako.   Hinawakan bigla ni Lorcan ang kamay ko at hinatak niya ako hanggang sa makulong niya ako sa kaniyang mga bisig.   Napaiyak na naman ako at niyakap ko siya ng mahigpit.   “Hush, don’t cry Tabitha. I’m here. I’ll always be here,” malambing niyang sabi sa akin habang hinahaplos niya ang aking buhok, “You don’t have anything to worry about. You won’t be like Old Rose. We will be like those two couples over there. Until we grow old together. I promise,” pangako niya sa akin.   Lalong nanikip ang dibdib ko pero hindi ko siya sinagot. Umiyak na lang ako at mas niyakap ko siya ng mahigpit.   Nang mapagod na ako sa kakaiyak ay muli niyang tinuyo ang basang-basa kong mukha at binigyan niya ako ng green apple na nagpangiti sa akin kahit papano.   “Now that’s my Tabitha,” masaya niyang sabi sa akin ng kinagatan ko ang apple, “Smile, always smile for me. Please?” ungot niya sa akin.   Pinilit ko ulit ngumiti kahit mabigat sa dibdib ko pero at least nakuntento ang boyfriend ko sa aking ginawa. -0- 23.   “When did your parents died Tabitha?” curious na tanong sa akin ni Lorcan, “You don’t have to answer me though!” mabilis na habol niya nang makita niya na nangasim ang mukha ko.   Napatawa naman ako at umiling.   Nangasim ang mukha ko dahil sa mangga na kinakain ko. Hindi dahil sa tanong niya.   “Naku, ayos lang eto naman!” sabi ko sa kanya bago nilunok ko muna ang nginunguya ko bago ko siya sagutin, “Namatay sila three years ago. May Cancer si Nanay sa buto. She died peacefully. Pero hindi kinaya ni Tatay so after six months ay nanghina siya ng sobra at ako na mismo ang nagsabi sa kanya na kaya ko at ayos lang kung susunod na siya kay Nanay. Mahal na mahal niya talaga si Nanay. Pagkasabi ko nun ay nagpasalamat siya at sinabi niya kung gaano nila ako kamahal bago pumikit at hindi na siya nagising pa...”   Tumango naman si Lorcan at kinain ang tokneneng na nasa plastic na tangan niya.   Pinabili niya yun kay Rigel kanina para may makain siya ng recess namin.   “I see... So whose paying for your tuition and living expenses?”   Itinuro ko ang sarili ko at proud akong sumagot, “Ako mismo. May iniwan sila sa akin na trust fund. Malaki iyon kaya alwan ako sa buhay.”   “Do you have a guardian?” sunod na tanong niya.   Napailing ako, “Wala, solo lang ako. Kaya ko naman diba?” I asked him proudly.   Ngumiti naman ang boyfriend ko at inakbayan ako, “Yep, saw it first hand. You’re a strong girl.”   Nakita ko sa hindi kalayuan si Elyon na nagbabasa ng bible at napangiti ako.   Kung kasing simple lang sana ng buhay ni Elyon ang buhay ko. Hindi sana, kampante ako. Pero mahirap ang mag-isa sa mundo.   Napatingin ako kay Lorcan na nakain pa din ng streetfood.   Well, at least may kasama na ako...   Marananasan ko man lang na may makasama kahit----   “Wanna go to the mall later?” aya sa akin ni Lorcan.   Tumango naman ako, “Sige ba!” -0- “Wag kang ma-oofend Lorcan ha?” kabang tanong ko sa boyfriend ko na nakabuntot sa akin habang naniningin kami ng damit sa mall.   “I won’t be offended. What is it Tabitha?”   Huminga ako ng malalim at nilakasan ko ang aking loob bago ko titigan siya straight to his green eyes, “Para ka kasing anime. Hindi ka nagpapalit ng damit. Tell me, iyan lang ba ang damit na meron ka?” mabilis at deretso kong tanong sa kanya habang nakatingin ako sa kanyang black hoody, shirt, pants and sneakers na sa abot ng tanda ko ay iyon lang ang nakita kong suot niya.   Natakot ako ng nagdilim ang mukha ni Lorcan.   Babawi sana ako kaso bigla na lang itong napatawa ng malakas.   Naglingunan ang mga saleslady sa direksyon niya at nanlaki ang kanilang mga mata.   Well sino nga ba namang Pilipina ang hindi magwagwapuhan kay Lorcan.   Isang British national na may maputing balat, green eyes, bottomless dimples, makalaglag panty na ngiti at matangos na ilong.   Hinawakan niya ako sa dalawa kong balikat at seryosong umimik, “Don’t move. Wait for me here my Tabitha. Okay?”   Napatango na lang ako at hinabol ko na lang siya ng tingin ng tumakbo siya papunta sa fitting room dala-dala ang bag niya.   After a while ay bumalik na siya. At kung kanina ay makalaglag panty na siya. Ngayon ay makalaglag matres na.   Wearing a sleeveless tank top na nagpakita ng mamuscle niyang braso at walking shorts na nagpakita ng makinis niyang binti (mas makinis pa sa akin, balbon ako).   Nakasakbit lang sa kaliwang balikat niya ang bag niya at sa kanang braso niya nakasabit ang hoody niya.   Napatingin ako sa binatang nasa harap ko at mukhang natahimik ako sa full blast charm at karisma niya sa akin.   “See? Look at the girls around you,” bulong niya sa akin at mabilis kong nilingon ang mga saleslady na hindi na makapagwork kakatitig sa kanya.   Huminga ako ng malalim at napailing, “Fine. Gets ko na. Palit ka na ulit ng damit Lorcan.”   Nakinig ko lang siyang tumawa at hinalkan niya ang noo ko bago tumakbo pabalik ng fitting room at ilang saglit ay sa awa ng Diyos ay bumalik na siya sa dati niyang get-up.   Inakbayan niya ako at naglakad na kami papalabas ng mall.   “The first time I arrived here, I got annoyed. I hate being stared at. Well, honestly I’m rather regular looking compared to my other classmates back at home,” sabi niya matter of factly.   Napataas ako ng kilay. Parang gusto ko atang mameet ang iba niyang classmates.   “Talaga?” nakakaloko kong tanong sa kaniya, “Kelan ko ba sila pwede makilala Lorcan?”   Namutla ang boyfriend ko at umiling ng todo, “Nope, you won’t meet them anytime soon. Not before we get married and have a dozen children.”   Napatingala na lang ako sa orange na langit at nagpakawala ng isang malakas na tawa.   Napatawa na din si Lorcan at naglabas ng green apple mula sa kanyang bag at ibinigay sa akin.   “An apple a day keeps a doctor away,” seryosong sabi niya sa akin.   Napatawa naman ako ulit ng malakas, “Hindi totoo iyan!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD