24.
“Ano na ang nangyayari sa listahan ninyo my students?” magiliw na tanong ni Ms. Merlinda sa amin.
“Eto Ma’am, wala pa ding laman,” malakas na sagot ni Eunice.
Nagdilim agad ang mukha ng teacher namin at mabilis na nilingon si Eunice na namutla sa takot, “Ano ulit iyon Eunice?”
“Ang sabi ko Ma’am, madami nang laman!” sabay bawi nito at nagpilit tumawa.
Mukhang suspiscious pa rin si Ms. Merlinda pero hindi na niya kinulit pa si Eunice na nakahinga ng maluwag.
Napatingin ako sa aking listahan at natuwa ako na nakaka twenty four na ako.
Pero at the same time may lungkot akong nararamdaman.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero napamahal na ako sa listahan ko.
Parang kahit single sentence lang ang nakalagay sa bawat bilang ay napakarami nang alaala na nakalagay doon.
“Puro pagkain ang nasa listahan mo Rigel! Ano ito, menu?! Yung sa iyo Ambo baguhin mo, hindi pwedeng ipag-alternate mo lang ang “Mamahinga”, “Kumanin” at “Matulog”. Ezekiel at Lyshta, alam kong seryoso kayo pero please lang, wala ba kayong ibang alam gawin na hindi magkasama? Iggy, listahan ng gagawin mo at hindi ng computer games. Elyon.... bible lang ba talaga ang gusto mo? No, wag mo nang baguhin Elyon, magalit pa si God sa akin. Marieta, pwede na. Bea, good. Berna! Bakit puro kaharutan ito?! Batang ito oh, paltan mo naman! Euni---“ naputol ang litanya ni Ma’am nang biglang mag-bell na at hindi na niya nahawakan ang listahan ni Eunice na lahat na ata ng santo ay natawag dahil pawis na pawis na wag lang makita ang blangko niyang listahan.
Huminga ng malalim si Ms. Merlinda at napailing, “Maliban kila Bea, Marieta at Tabitha, ang mga current project ninyo ay may mali pa. I want a “List” of things to do. Malinaw iyan. Yung hindi paulit-ulit okay?”
“Yung sa akin ba Ma’am baba---“ simula ni Elyon pero umiling agad ang teacher namin.
“No, no. Exempted ka na Elyon pwede na iyang bible readings mo,” mabilis na sagot niya sabay tingala at nag krus, “Well, that’s all. See you next Thursday!”
Iyon lang at lumabas na si Ma’am at ilang segundo lang ay umirit na si Eunice at nagsasayaw.
“Saved by the bell!” masaya niyang announce at winagayway ang kanyang blangkong listahan.
-0-
“Kamusta naman ang listahan mo Lorcan?”
Namula ang mukha ni Lorcan at umiling, “Not good enough. Ms. Merlinda want’s it to be edited slightly.”
“Pwede bang makita?” curious kong tanong.
Umiling ito ng sobra at inilayo sa akin ang bag, “No!”
“Ay bawal? Bakit naman? Girlfriend mo ako diba? Patingin!” pilit ko sa kanya.
Lalo siyang namula at umuling pa ng mabilis, “Anything but that!”
Napatawa na lang ako. Ang sarap talaga kulitin ng boyfriend ko. Ang daling magpanic, “Sige sige. Joke lang eto naman.”
Mukhang nakahinga ito ng maluwag at ngumiti na ulit sa akin.
“So, Tabitha, what do you want to do? Have you completed your list yet?” tanong niya sa akin.
“Hindi pa. Lima na lang naman tapos na din,” malungkot kong sabi.
“Why are you sad? You should be happy that our project will be over in six days!” masaya niyang sabi.
Six days?!
Six days na lang?!
Ganoon na ba kabilis?!
Ang bilis naman!
“Hey! You still with me my love?” alalang tanong ni Lorcan habang niyuyugyog niya ako sa balikat.
Huminga ako ng malalim at pinilit kong ngumiti.
“Oo naman. Teka ano pa ba ang hindi ko pa nagagawa,” pilit kong pagtutuloy sa naputol naming usapan.
Nagtaka ako dahil ngumiti ng pilyong ngumiti sa akin si Lorcan pagkabigay niya sa akin ng green apple ko.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong ng, “How about this?”
Hinalikan niya ako bigla sa aking mga labi...
-0-
25.
“Hello Kuya Estefan? Hoy! Hindi ako nangungutang! Eto talaga, ang sungit! Tatanong ko lang po kung meron na?” giit ko sa Kuya ko na ginambala ko sa duty niya.
Nanlambot ako sa sagot niya at pinigilan ko ang papatak ko nang mga luha.
“Ahh... ganun ba? Siya sige salamat. Pasabi kay Lolo Edward, dadalhan ko na lang siya mamaya ng Betamax. Sige, bye Kuya,” iyon lang binaba ko na ang cell phone ko.
Nanlamig ako at napatungo sa aking listahan.
Twenty five...
Five more to go.
For the first time nabwisit ako sa listahan ko. Parang ayoko nang tapusin. Gusto ko nang itapon.
Pero alam kong wala namang mangyayari.
Mawawala ang listahan pero hindi titigil ang takbo ng oras.
Grabe naman....
Ang saya-saya dating maglagay ng mga gagawin mo pero bakit ngayong malapit nang matapos ang listahan ay napaltan na ng takot at lungkot ang nararamdaman ko?
“Hey! Hey Tabitha!” malakas na hiyaw ni Lorcan sa akin.
Naputol ang pag-iisip ko nang makita ko ang boyfriend ko. Natakbo papalapit sa kinauupuan ko at may bitbit na picnic basket.
Nasa parang kami sa likod ng school namin at rest day namin today. Kanya-kanya kami ng pwesto.
Sila Eunice, Bea, Berna at Marieta ay nasa hindi kalayuan nakaupo sa banig at may chocolate fountain sa gitna nila.
Si Rigel at Iggy ay nasa isang sulok sa ilalim ng puno at kain ng kain ng kung ano-ano samantalang si Ambo at Elyon ay magkasama sa isang malaking picnic mat. Tulog si Ambo at nagbabasa ng bible si Elyon, as usual.
Sila Ezekiel at Lyshta naman ay magkasama pa rin. Nagsusubuan ng siopao, this time, sa labas naman ng room.
Ipinatong ni Lorcan sa gitna namin ang picnic basket niya at nahihiyang binuksan ito.
Puro tasty bread ang laman at isang bote ng juice.
Natawa ako sa palaman ng tinapay. May peanut butter, mayonnaise, cheese, nuttella at kung ano-ano pa na parang nagmamadali ang gumawa dahil lampas-lampas ang lagay ng palaman.
“Don’t laugh! I put all my heart into preparing them so the least you can do is to not laugh at it, okay?” inis na sabi sa akin ng boyfriend ko.
Tumawa lang ako at napailing bago tinira ang peanut butter sandwich na mas madami ung filling sa left side at wala na halos sa kanan.
Nasarapan ako. I can’t deny that. Or maybe dahil si Lorcan ang gumawa kaya kahit ang simpleng pagkain na ito ay napakasarap na.
“So, do you like it?” tanong ni Lorcan sa akin habang nakatitig ng mabuti sa pagkain ko.
I don’t have to lie. Nasarapan ako, “Oo naman! Pahingi pa nga ako! Nagugutom pa ako!”
“Sure my love! Have some more! Eat until you’re about to burst!” masaya naman nitong tugon sa akin.
Kumain ako ng kumain hanggang sa tatlo na lang ang natira para sa boyfriend ko. Ang laki na ng tiyan ko kaya binaba ko na ang aking zipper at tinanggal ang butones ng suot kong pantalon.
May naisip ako.
Alam kong hindi mangyayari pero wala namang mawawala kung magtatanong ako diba?
Hinarap ko si Lorcan na nakain at seryoso ko siyang tinanong, “Lorcan, paano kung tumaba ako. Yung sobrang taba triple na yung size ko? Mamahalin mo pa din ako?”
“To tell you the truth, I will love you even more by then!” masayang sagot nito sa akin.
“Hah? Bakit naman? Ayaw mo ba na sexy ako?” takang tanong ko sa kanya.
Umiling ito at tinitigan ako, “I will love you as long as you’re you. Being fat or overweight will have an advantage for me. Nobody will bother running or even looking after you. I will not have a problem with the other guys staring at you. I will keep you all by myself”
“Napaka selfish mo naman!” natatawang sabi ko dito.
Niyakap niya ako at naglabas ng green apple na pilit pinakain sa akin, “I’m only selfish when it comes to you. I will not share you to anyone, no way!”
Napatawa na lang ako ng hinalikan niya ako sa pisngi at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.
Tumingala ako sa langit at nagdasal kahit alam ko sa sarili ko na wala din namang silbi.
Gusto kong tumaba yung triple. Yung gusto ni Lorcan.
Pero alam kong malabong mangyari iyon...
Wait...
Hindi naman malabo...
Imposible lang.