Chapter 14

1112 Words
26.   Four days...   Just four more days matatapos na ang listahan ko.   Ang hirap sa loob.   Masyado ko atang dinibdib ang project na ito kaya naapektuhan na ako ng sobra.   Pero looking at my list na papuno na, parang kulang pa yung space ng papel para mailagay ko ang mga gusto kong gawin.   Bakit ba naman kasi nilagyan ng limit ni Ma’am? Hindi ba pwedeng unlimited?   Napabuntong hininga ako at inilagay ko na sa bag ko ulit ang listahan.   Unreasonable ang nararamdaman kong galit sa wala namang kasalanan na teacher ko.   Ako lang naman ang nakecarried away sa panggagawa ng listahan.   Just look at Eunice, walang pake kahit walang laman ang list niya. Basta ba nag-eenjoy siya.   Ako heto namomroblema sa listahan na patapos na naman. -0- Nagkakulay ulit ang buhay ko ng makita ko si Lorcan na naghihintay sa akin sa labas ng school gate.   Natuwa ito ng makita niyang dala ko ang extra hoody na binigay niya sa akin ilang linggo na ang nakakaraan.   “Did you bring our foods?” excited na tanong nito sa akin nang magkahawak kamay na kaming lumakad.   Tumango ako at ngumiti sa kanya, “Oo naman! Niluto ko ang favorite sinigang mo.”   “Great! This will be the best! I promise!”   Natawa na lang ako sa excitement ng boyfriend ko habang naglalakad kami papunta sa burol kung saan magkasabay naming pinanuod ang sunset many days ago.   Actually parang sa akin, ilang taon na ang nakalipas mula nang nangyari yun. Maybe dahil gusto ko lang maramdaman na lumipas ang madaming buwan kahit ilang linggo pa lang ang nakakaraan.   Nakarating kami agad sa tuktok ng burol at sinetup na namin ang aming uupuan sa ilalim ng puno.   Ang dami naming napagkwentuhan habang naghihintay ng oras.   Nag model pala siya dati bago siya pumunta sa Pilipinas.   Mahilig siya sa soccer at ayaw niyang pumupunta sa set ng Daddy niya dahil puro bad news day ang binabalita. Nakaka depress daw.   Inis siya sa Mommy niya dahil gustong gusto siyang laging nakaporma pero mahal na mahal daw niya ito.   Ang dami....   Ang dami kong nalaman....   Madami din akong sinabi sa kaniya....   Ang favorite songs ko, banda, movies, games, tao, pangyayari....   Lumipas na ang oras at nakita na namin ang hinihintay namin.   Ang full moon.   Hindi lang basta full moon.   Dahil sa taas ng burol at sa ganda ng position nito, parang sobrang lapit namin sa buwan. Parang ilang beses ang nilaki nito sa normal at mas naging romantic...   Ipinatong ni Lorcan ang ulo niya sa balikat ko at tahimik naming pinanuod ang buwan.   Tanging ang tunog ng malakas na hangin, ng mga dahon ang aming nakikinig.   Pero hindi iyon ang pinunta namin dito...   Dahil ilang minuto lang ay dumating na ang hinihintay namin.   Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sila.   Hindi mabilang na bulalakaw ang nabagsak mula sa langit.   Napatayo ako at halos hindi makahinga sa ganda ng aking nakikita.   Napalad ng hangin ang aking mahabang buhok at bigla akong nilamig kaya niyakap ko ang aking sarili, ang hoody ni Lorcan na nililipad din ng hangin.   “Hurry Tabitha, make your wish,” tahimik na udyok sa akin ni Lorcan.   Pumikit ako ng malalim bago ko muling iminulat ang aking mga mata at bumuhos ang luha habang itinaas ko ang aking mga kamay na parang inaabot ko ang mga nabagsak na bituin sa langit.   Humiyaw ako ng sobrang lakas at sinigaw ang aking kahilingan ko sa taas, sa langit, sa Diyos, kahit sa kaninong makakinig.   “SANA TUMABA AKO! YUNG MALAKING MALAKI! YUNG HINDI NA KASYA YUNG PUWET KO SA MONOBLOCK CHAIR! YUNG SOBRANG BOUNCY AT BUBBLY! YUNG TALAGANG MALAKI!” malakas kong sigaw sa kalangitan habang patuloy ako sa pag-luha.   Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Lorcan sa likuran ko nang mahigpit at parang nawalan ako ng lakas na humiyaw pa. Na ipagpilitan ang kahilingan kong alam na alam kong hinding hindi matutupad pero inihiling ko pa din...   “Sana...” mahina kong bulong habang patuloy sa walang tigil na pag-agos ang aking luha.   “Here my love. Eat, so that you will be so fat that I can no longer wrap my arms around your waist,” sabi sa akin ni Lorcan at iniabot sa akin ang green apple.   Kinagatan ko ito at medyo umalat ang lasa dahil sa luha ko... -0- 27.   “Nakikinig ka ba Tabitha?! Ano bang naisipan mo at ginabi ka na ng uwi?! Alam na alam mo naman na bawal kang lumampas ng ten diba?! Paano kung may nangyari sa iyo ha?!” malakas at galit na tanong sa akin ni Ate Stellar kinaumagahan ng pagpunta namin sa burol ni Lorcan.   Hindi ko alam kung bakit, dala na din siguro ng sakit na nararamdaman ko at sama ng aking loob ay nagtaas na din ako ng boses at sumagot na ako.   “Wala namang nangyari diba ate?! Bakit ba pinagbabawalan mo pa rin ako? Miminsan lang naman! Tsaka ano bang mawawala kung lumampas ako ng ten?! Yun pa rin diba? Yun pa rin! Napaaga lang!” malakas kong bulyaw dito.   Mukhang lalong nainis si Ate at mabilis na sinagot ako, “Wag lang namang sarili mo ang isipin mo Tabitha! Paano naman kami?! Ako?! Na nag-aalala sa iyo?! Ni tawag wala!”   “Ilang araw na nga lang diba?! Hindi ba pwedeng sarili ko nalang isipin ko?! Tsaka wala pa rin naman diba? Wala namang dumadating! Wala pa rin hanggang ngayon! Diba?!” galit kong tanong kila Kuya Estefan, Stephen at Brando na nakapaligid sa aking kama.   Hindi sila makatingin sa akin.   Hindi na umimik sa akin si Ate Stellar at padabog itong lumabas ng kwarto at malakas na binalya nito pasara ang pinto sa likod niya.   Napatungo ako at napaiyak na lang ako.   Lalo akong naging miserable. Hindi ko akalain na mapagtataasan ko nang boses si Ate Stellar. Si Ate na dalawang taon kong nakasama. Matatapos na lang ba sa ganito?!   “Tabitha, bunso, tulog ka na muna. Pahinga ka na. Special night mamaya diba?” malambing na udyok sa akin ni Kuya Stephen sa akin at dahan-dahan niya akong inihiga sa aking kama ng buong ingat.   Iniayos naman ni Kuya Estefan ang mga nakapaligid na kung ano-ano sa akin samantalang nakangiting inilabas ni Kuya Brando ang isusuot kong dress para mamayang gabi at isinabit sa poste sa aking paanan para siguro makita ko talaga.   “Ayos na ang lahat Tabitha. Pahinga ka na,” malamig na utos ni Kuya Estefan pero ngumiti siya sa akin. Bihira niyang gawin iyon.   Tumango ako at lumabas na ang tatlo kong kuya habang pinilit kong magpaantok habang nakatitig sa nagsasayaw ng pataas at pababang linya sa tabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD