Chapter 15

2226 Words
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.   Maayos ang hitsura ko.   Maganda ang dress na binigay ni Tito Big Boy sa akin. Low cut black and white dress. Formal yet daring. Pinares pa sa bigay naman ni Lolo Edward na high heels. Everything is perfect.   Kulang na lang sa make-up.   Umupo ako sa tapat ng salamin at hinawakan ko na ang quick foundation ko ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Ate Stellar na tahimik na pumasok.   Napatingin ako sa orasan. Schedule na nga niyang pumasok. Never siyang na late kaya itinaas ko ang aking kanang manggas at pumikit.   Ayaw ko siyang makita.   Baka mapaiyak ako.   Pero wala akong naramdaman na dumikit sa aking braso this time.   Ang naramdaman ko ay ang dahan-dahan at maingat na pagpapahid ng make-up sa mukha ko.   “Wag ka munang mumulat,” mahina niyang utos sa akin.   Sinunod ko siya at hinayaan ko siya sa ginagawa niya. Hanggang sa....   “Ok. Pwede na Tabitha.”   Pagmulat ko ay nagulat ako sa nakita kong mukha sa salamin.   Ang ganda. Simple pero elegante.   Hindi katulad ng dati kong make-up.   “Mukha ka kasing susugod sa Flores de Mayo tuwi na lang magfufull make-up ka. Ok na iyan diba?” mangiyak-ngiyak niyang tanong sa akin.   Naramdaman kong nangingilid ang luha ko at bigla siyang umiling.   “No Tabitha! Sisirain mo ang pinaghirapan ko!” takot na saway niya sa akin.   “Ate...”   Umiling lang ito at itinayo na niya ako at hinatid sa pinto ng room ko.   “Ate paano yung----“ simula kong tanong pero umiling siya.   “Ayaw mo nun diba? Minsan lang naman. Bakit ba bawal diba?” nakangiti niyang sabi sa akin sabay kindat.   “Salamat Ate,” taos puso kong parating sa kanya at nakangiting tumango lang siya sa akin. -0- “You’re very beautiful tonight Tabitha,” seryosong puri sa akin ni Lorcan ng makaupo na kami.   Nasa isang high-end restaurant kami dahil gusto ni Lorcan na magkaron kami ng formal date.   “Ang gwapo mo lalo ngayon,” balik puri ko.   I’m not exaggerating. Naka tuxedo siya with green tie na nagmatch sa mata niya.   “Thank you,” magalang na tugon nito sa akin.   Dumating na ang in-order naming pagkain at tahimik kaming kumain.   Ng matapos na ang main course ay ako na ang umimik sa kaniya.   “May sasabihin ka diba? Sabihin mo na baka mapagsarhan tayo ng restaurant,” biro ko sa kanya.   Mukhang kinakabahan ito at hindi halos makaimik pero tumango siya at huminga ng malalim.   Hinawakan niya ang kanang kamay ko na nakapatong sa table at tumitig sa aking mga mata.   “Tabitha, I want you to be my wife,” seryosong sabi niya sa akin.   Napasinghap ako sa sinabi niya. Wala akong maisagot.   “I’m serious Tabitha,” naglabas siya ng dalawang visa, passports at tickets at ipinatong sa harapan ko, “I’ve prepared our visa, passports and our tickets for tomorrow,” patuloy niya.   “Bukas?” iyon lang ang nasambit ko sa kanya.   Tumango siya at nagpatuloy pa, “You don’t have to worry about a thing. I’ve already talked to my parents and they are willing to have you as their daughter. We can easily get a job in Ireland. My parents hold a considerable amount of influence there my love. We can finish our studies there,” giit niya sa akin.   “Will you go with me? Do you want to spend your forever with me Tabitha?”   Hindi ko pinansin ang una niyang tanong, ang pangalwa ang sinagot ko, “Oo Lorcan. Gustong gusto kong makasama ka habang buhay.”   Iyon lang at napaiyak na ako. Napaiyak ako sa tuwa dahil may isang tao na gusto akong makasama habang buhay.   Na nagplano ng kinabukasan ko na kahit ako ay hindi ko masikmurang gawin.   Tumayo siya agad sa tuwa at niyakap ako.   Ibinigay niya sa akin ang visa at passport ko kasabay ang isang green apple.   “I... I have to go ahead of you Tabitha. I will prepare my things posthaste! See you tomorrow at three thirty in the afternoon in N.A.I.A Terminal 3! Don’t be late okay?!” excited na sabi niya at tumakbo na halos madapa na sa paglabas ng restaurant pagkabayad niya ng bill namin.   Naiwan akong nag-iisa kasama ang visa, passport at ang green apple.   Iyak pa din ako ng iyak.   Bakit ganito?   Bakit ibinibigay sa akin ang mga bagay na kahit gustuhin ko ay hindi ko magawang tanggapin?   Bakit pinapahirapan ako ng ganito ng Diyos?   Hindi pa ba sapat na nagdudusa na ako ng halos buong buhay ko?   “Tabitha...”   Napatingala ako sa aking pagkakayuko at nakita ko si Kuya Estefan na naka uniform pang pang-nurse at nakatayo sa tabi ko.   Niyakap ko na lang siya ng mahigpit habang naramdaman ko ang luha niya na napatak sa aking balikat. -0- 28.   “Abot pa ba ako?” kinakabahan kong tanong kay Lolo Edward na nasa likod ng manubela.   “Oo naman Tabitha. Just trust your Lolo!” sabi ni Lolo Edward sa akin sabay tango kay Kuya Stephen at pinindot ni Kuya ang wang-wang ng ambulansya na sinasakyan namin at nagtabihan lahat ng sasakyan.   Nag-high five si Lolo Edward kay Tito Big Boy na katabi ko.   Napatingin ako sa likuran at nakaupo doon sila Ate Stellar, Kuya Brando at Kuya Estefan.   “Kailangan ba talaga na kasama ko kayong lahat?” natatawa kong tanong sa kanila.   “Aba oo naman!” sabi ni Ate Stellar sa akin.   Tumango ako at itinutok ko ang aking atensyon sa daan.   Malapit na akong makarating sa departure area. -0- “Tabitha!”   Nakinig ko ang malakas na hiyaw ni Lorcan sa akin at nakita ko siya na nakaway sa akin habang nakaupo sa waiting area ng airport.   “Namiss mo naman agad ako?” natatawa kong biro dito matapos niya akong halikan sa labi sa harap ng madaming tao.   Tumango ito agad at hinatak agad ako sa linya, “Yeah! You’re almost late! It’s time for our departure!”   Tama ka, malapit na tayong umalis...   “By the way, is that all?” tanong niya habang nakaturo sa nakasakbit kong shoulder bag na pampasok ko.   Pilit akong ngumiti at tumango, “Oo. Doon na lang ako mamimili ng gamit. May pera ako.”   Ngumiti ng malapad si Lorcan at nagsilabasan ang bottomless niyang dimples. Isa sa mga bagay na hindi ko malilimutan sa kaniya.   “You don’t have to spend anything there. Mark my words my love,” pangako niya sa akin sabay lingon sa babae sa likod ng counter, “Two, London please,” impatient na sabi niya.   Tumango naman ang babae at tinatakan ang passport namin.   “Mabuti at pinayagan tayong sumakay ng eroplano kahit below eighteen tayo,” sabi ko sa kaniya.   “I told you, my parents are influencial. Now then, let’s go! It’s time to leave!” masaya niyang sabi ng makalabas kami ng airport at nagsimula na kaming maglakad papunta sa eroplano.   “Paano sa school? Hindi ako nagpaalam,” sabi ko sa kanya.   “They’ve already know my plan weeks before this day. I’ve prepared for anything,” proud niyang sabi sa akin.   “Paano yung project natin?”   “I’ve submitted mine yesterday. We can send yours once we arrived at London. You have nothing to worry about,” mabilis na sagot niya sa akin.   Sa Business Class kami umupo at inanounce ng pilot na ilang minutes pa bago kami mag-take off.   Inilabas ko sa aking bag ang dalawang bote ng mineral water at ibinigay ko ang isa kay Lorcan.   “Inom tayo. Nakakauhaw diba?” nakangiti kong sabi sa kanya.   Tumango ito at walang tanong-tanong na binuksan ang bote at ininom agad iyon.   Ininom ko din ang sa akin at pinakinggan ko ang mga gagawin namin pagdating namin ng U.K.   Ilang saglit pa ay bigla siyang humikab at nabagsak na ang kanyang mga pilik-mata sa antok...   “Getting sleepy Tabitha. I’ll take a quick nap. Wake me up when we’re in the air okay?”   Tumango ako at hinawakan ko ang pisngi niya, “Oo naman. Sige tulog ka na muna. I love you Lorcan.”   “I love you more Tabitha...”   Iyon lang at bumagsak na agad ang ulo niya at nakinig ko ang malalim na paghinga niya na sign na tulog na tulog na siya.   As if on cue ay biglang umimik ang pilot through the intercom at may dalawang stewardess na lumapit sa akin.   “Paging Ms. Tabitha Abanilla, your doctors are requesting you for an emergency check-up back on the terminal. Please disembark the plane before our final preparations thank you.”   Wala akong pake kung tinititigan ako ng ibang mga kapwa pasahero ko.   Hinalikan ko sa labi ang natutulog na si Lorcan at nagpaalam ako bago humingi ng tawad.   I wish him all the best in his life.   Nakakailang hakbang na kami ng mga stewardess nang may maalala ako.   Bumalik ako sa tapat ni Lorcan at kinapa ko ang bulsa niya. And sure enough may green apple akong nakuha mula doon.   Muli kong tinitigan ang payapang mukha niya na himbing na natutulog at pinigil ko ang nagbabadyang luha na gustong kumawala sa aking mga mata.   Thank you and...   Good bye, my dearest.   29.   Pagmulat ng aking mga mata ay puting kisame ang una kong nakita.   Sa araw-araw since two years ago ay iyon na lagi ang una kong nakikita tuwing gigising ako.   Ang kisame ng hospital na nagi ko nang tirahan matapos akong madiagnose with stage five bone marrow cancer.   Araw-araw dito ako nauwi.   Naging pamilya ko na ang mga staff ng hospital na ito.   Si Tito Big Boy, ang aking physician.   Si Lolo Edward, ang Doctor ko sa aking mga mata. Na kundi dahil sa mga gamot na iniinom ko ay matagal nang nangdilim dahil sa side effect ng chemotheraphy sa akin.   Si Kuya Estefan at Kuya Stephen, attending nurse ko. Laging nakaalalay sa akin.   SI Kuya Brando ang Internal Doctor ko na inaayos ang intake ko ng gamot.   At si Ate Stellar ang, Dietician ko. Siya ang dahilan kung bakit nakakakain ako ng kung ano-ano ng walang masamang balik sa katawan ko.   Silang lahat ang nagsilbing pamilya ko habang solo kong pinapagamot ang sarili ko sa tulong ng naiwang pera ng mga magulang ko.   Sa tulong nila, sa loob ng dalawang taon, nagawa kong magpanggap na wala akong malalang sakit na namana ko sa aking ina.   Mabuhay bilang isang regular na estudyante.   Makasalamuha ang mga ka-edad ko.   Ang marananasan ang buhay sa labas ng kwarto na ito.   Kwarto na kung saan tuwing araw at gabi ay naging saksi kung paano tanggalin at ibalik ang mga aparato na bumubuhay sa akin.   Ang naging saksi sa pag-inom ko ng gamot na tumutulong sa aking mabuhay na para bang walang nakatutok na baril sa aking sentido na kahit anong oras ay maaring pumutok.   Masaya ang lahat ngunit ang cancer ay maaaring patagalin ngunit napakadalang mahanapan ng lunas.   Walang mahanap akong ka-match na donor. Sa loob ng dalawang taon, wala silang makita.   Hanggang sa isang buwan na ang nakakaraan sinabi na sa akin ni Tito Big Boy na hanggang tatlumpong araw na lang ang itatagal ng katawan ko.   Nagiging immune na ako sa mga gamot na nagpapahaba ng aking buhay.   Kasabay ng pagdating ng project ni Ma’am.   Ang What to Do....   Na sa akin ay What I did...   Sa una ang sarap sulatan, masaya at parang laging may bago...   Pero nang malapit nang matapos ang listahan ay unti-unti kong naaalala na unti-unti na din akong nauubusan ng panahon...   Na bilang na ang araw ko sa mundo....   “Tabitha. Nakikinig mo pa ba ako?” alalang tanong ni Lolo Edward sa akin habang inaayos ni Ate Stellar ang dextrose ko.   Parang nasa loob ako ng kweba at echo lang ang nakinig ko ngunit tumango din ako at itinuro ko ang nakapatong na papel at ball pen sa side table ng kama ko. Katabi ng oxygen tank.   Iniabot sa akin iyon ni Kuya Estefan ang mga iyon at pinilit ko itong basahin.   Pero napaiyak ako ng wala na akong maaninag kaya inilapit ko na lang sa aking dibdib ang listahan...   Hindi pa iyon tapos...   May isang araw pa akong kulang....   Ang gusto kong gawin para sa araw na ito....   Gusto ko man lang tapusin ang listahan bago ako tuluyang mawala....   Napatingin ako sa nagsasayaw na linya sa aking tagiliran.   Ang sumisimbolo sa aking buhay. Nagsasayaw pataas at pababa...   Unti-unti nang nanlalabo ang aking paningin...   Parang may nakikinig akong nagkakagulo sa paligid ko pero nakatuon ang atensyon ko sa linya na ngayon ay tumigil na sa pagsasayaw.   At ang huli kong nakita sa nakakalunod na kadiliman ay ang aking listahan at ang mukha ng lalaking nagpahalaga sa akin...   Ayoko pang mamatay... Natatakot ako... Hindi ko kaya... Ang... ang dami ko pang gustong gawin... Makita... Maranasan... Ayoko pa... ayoko pang mawala...   Pero alam ko sa aking sarili na ito na ang hinihintay kong katapusan...   Paalam...   Lorcan...   -Overture-   “Kung mas mahalaga ang isang tao sa iyo, mas mahirap na tanggapin na maaari silang mawala... Kinukumbinsi mo ang sarili mo... na walang dahilan para mawala sila... Sinusubukan mong hanapan ng ibig sabihin ang kamatayan... pero ang meron lang ay... sakit... at hindi makayanang... pagkamuhi... Walang kwentang pagkamatay... Walang tigil na kalungkutan at sakit na hindi na maghihilom...”                                                                                                 -Pain -0-  30.   ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD