Chapter 16

1401 Words
Eleven pa ang pasok ko pero eight pa lang ay ready to go na ako!   I’m not excited na pumasok sa trabaho pero masyado matagal ang byahe ko papunta doon.   Actually four kilometers lang ang layo mula dito sa tinutuluyan kong room for rent. Kasi... basta! Malalaman ninyo din mamaya pag nakalayas na ako dito.   Ilang minuto na din akong nakaupo dito sa tapat ng maliit kong salamin at pilit kong pinagkakasya ang aking malapad na hindi na kasya sa sulok.   I put on my full-blast-sagala-edition make-up and of course my contact lens.   Madami akong klase ng lenses dito! Take your pick, may pusa, may iba’t ibang colors, may sharingan, may byakugan, rinnegan at my favorite ang white!   Hmmm... ano kayang magandang design ang bagay for today?   Tiningnan ko ang lampas thirty na contact lenses na nakahanay neatly sa harap ko at tinapiktapik ko ang aking chubby face sabay subo ng suman na breakfast ko.   Lumagitik ang pobre kong monoblock chair ng inayos ko ang aking pagkakaupo.   Hindi kasya ang pwet ko sa upuan. Actually times two ang size nya compared sa kinauupuan ko.   Well anyways, I will take the black one. Flashback Friday lang!   Maingat kong nilagay ang mga lens sa aking mga mata at pinatakan ng eyedrops bago kumurap-kurap sabay tingin sa salamin with a smile.   I’m so pretty talaga!   Feeling good and vibrant, tumayo na ako sa aking pagkakaupo at sinuklay ko ang aking may kahabaang buhok bago ito ipuyod in a tight bun.   Almost ready na!   Tumingin ako sa aking estante na puno ng stocks ng pagkain at mabilis kong itinapon sa aking dambuhalang shoulder bag ang mga naabot ng aking kamay.   Nang makuntento na ako sa laman ng bag ko ay isinara ko iyon at isinakbit na sa aking balikat.   Lalabas na sana ako ng pinto pero naalala ko ang muntik ko nang makalimutan.   Nagmadali akong pumunta sa refrigerator at binuksan ko agad iyon para kumuha ng isang green apple.   Can’t leave home without it!   Shinoot ko siya sa bulsa ng black hoody na nakasampay sa aking likod (hindi kasi kasya sa akin kaya ginawa ko na lang siyang kapa) at pasideways akong lumabas ng pintuan ng kwarto ko (hindi ako kasya pag hindi ako tumagilid) at inilock ko na pagkasara ko.   Naglakad ako palabas ng bahay at nagstibahihan lahat ng makasalubong ko sa makipot na eskinita (alangan naman na ako ang tumabi eh halos sakop ko na ung buong space even while I walked sideways!) at dumeretso na sa tabi ng highway sa hindi kalayuan para maghintay ng jeep.   Ginalaw-galaw ko ang aking kanang braso at inunat-unat ito bago walang habas na pumara ng pumara sa sandamakmak na nadaang jeep and as usual walang natigil sa tapat ko.   Almost three minutes na ang nakakalipas ay wala pa ring nahinto sa tapat ng inyong lingkod kaya minabuti ko na ilabas ang jug ko ng tubig mula sa aking shoulder bag at lumaklak ng tubig dahil binabanas na ako.   Saktong dating naman ni miss sexy na nagtatrabaho sa Bench as a saleslady.   Super sexy at ang ganda ganda niya. Kaso ung ugali niya hindi niya kasing ganda. Sayang.   “Hi Tanya. Hindi ka pa rin makasakay?” sarcastic na tanong niya sa akin in a pabebe voice.   Umiling ako at nagkibitbalikat.   Pabebe siyang tumawa at tumayo sa gilid ng kalye at hindi pa siya pumapara nang magsitigilan ang ilang jeep na halos magkabungguan sa pagmamadali na maisakay siya.   Tumawa ulit siya at kumaway sa akin na nangiinis bago sumakay ng jeep at humiyaw ng, “Una na ako Tanya.”   Ngumiti na din ako at pasimpleng kumaway sa impaktang iyon at lumaklak ulit ng tubig bago nagpapara ulit ng mga jeep na para bang iniiwasan ako.   After another fifteen minutes ay may dumaang isang jeep na walang pasahero at mukhang mahina ang kita kaya tumigil na siya sa harap ko thankfully.   Natuwa naman ako at mas maaga kesa kahapon na lampas thirty minutes akong nakatayo sa gilid ng kalye at nauusukan bago makasakay.   Swerte naman today! -0- “Grabe ka naman kuya! Bakit forty singil mo eh bente lang ang binabayad dito diba?” galit na tanong ko sa tricycle driver ng itigil niya ako sa tapat ng S.M Santa Rosa.   “Ang bigat mo kasi miss masyado. Mahagad ka sa gasolina!” giit nito sa akin.   Itinarak ko na lang ang mga mata ko at iniabot ang forty sa kanya.   Bwisit talaga! Akala ko swerte, minamalas pa nga!   Minabuti ko na dumeretso na agad papasok ng mall para malamigan naman ang aking binabanas na katawan.   As usual nakangisi na naman sa akin ang mga kulugong guard sa entrance ng pinagtatawanan at pinagtitinginan ako ng mga tao nang patigilid akong dumaan sa metal detector test pero nag-stuck pa rin ako as always kaya hinga ng malalim para makaipod.   Wala na naman sa akin iyon dahil almost every day except when it’s my day-off na nangyayari ang ganitong eksena.   Tumigil ako sa paglalakad ng naramdaman kong nababa ang aking pantalon (hindi dahil sa napayat na ako) dahil sinusuka na niya ang malaki kong tiyan.   Pinagtinginan ako ng mga tao habang pinipilit kong hatakin ang aking pobreng pantalon pataas.   Nang maramdaman ko na kumapit na siya ay nagsimula na ulit akong maglakad.   Feel na feel ko na natalbog-talbog ang aking mga fats habang pakendeng-kendeng akong naglalakad. For some reason natutuwa ako when I feel that whenever I swing to the right or left ay nasunod ang aking mga bilbil sa tiempo.   Feeling sexy and free!   Hindi nagtagal at dumating na ako sa tapat ng “GG’s”. Isang fine dining resto-bar. Inayos ko ang aking damit at isinuot ko na ang green bandana ko at isinaksak sa aking shoulder bag ang hoody before I entered my kingdom (choz)!   Nakita agad ng aking mapanuring kanang mata si Nathan. Ang super cute na food runner namin at agad ko siyang binate.   “Hi Nathan! Ang aga-aga pinatibok mo na agad ang puso ko!” magiliw kong bati sa kanya.   Nangasim ang cute niyang mukha at pabalibag niyang itinapon sa dala niyang kahon ang mga plastic bottles na hawak niya.   “Ang aga-aga nambwibwisit ka na namang baboy ka,” galit na sabi niya sa akin.   Humagikgik ako ng pademure at nagbeautiful eyes, “Ikaw naman ang init-init ng ulo mo! Nag-iinit na din tuloy ako!” sabi ko sa kanya sabay kindat at kagat sa aking labi.   Tinalikuran ko na siya at nakinig ko ang mas malakas na pagdadabog niya na nagpangiti sa akin.   Pumunta na ako sa locker room para mag time-in at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Johan na naka half-naked habang nainom ng tubig.   Sobrang kinis at macho! Yummy!   Nakita niya na naglalaway akong nakatitig sa kaniya at biglang binato niya ako ng bote ng mineral water.   “Hoy Dabiana wag mo nga akong pagnasahan, baka mabalis mo pa ako! Layas!” malakas na taboy niya sa akin bago niya ako pagsarhan ng pinto na muntik nang tumama sa pretty face ko.   Nagkibit-balikat na lang ako at pilit na pinagkakasya ko sa aking maliit na locker ang aking bag. After ilang tries ay mukhang ayaw talaga siyang tanggapin kaya pinatong ko na lang siya sa ibabaw at pumunta na sa counter para kausapin si Dana, ang Supervisor namin dito sa GG’s.   Nakita ko ang petite yet pretty woman na busy sa pagpipindot sa P.O.S namin.   “Hi Ma’am! Saan ako ngayon?” bubbly kong tanong sa kanya.   Hindi niya ako nilingon ng sumagot siya sa akin at itinuro lang ang labas ng resto namin, “Sa labas. Day-off si Wanda.”   Perfect! Usherette Mode!   Excited kong kinuha ang green sash na nakasabit sa dingding at isinakbit ko iyon.   Sadly, hindi siya magkasya sa akin kaya sinabit ko na lang siya sa balikat ko at mabilis akong tumabi kay Garet, ang wafu naming security guard.   Ang tangkad at ang puti niya. Ang linis tingnan at matikas! Bet na bet ko!   “Hello Garet! Mukhang magkaniig na naman tayo maghapon, magdamag!” seductive na sabi ko sa kanya.   Itinaas nito ang hawak nitong shotgun at inis akong nilingon, “Lumayo-layo ka sa akin bapor at baka mabaril kita.”   “Hindi na kailangan. Natamaan mo na ako dito oh!” sabi ko sabay turo sa aking puso.   Lumayo na ako ng nagdilim na ang paningin niya while chuckling to myself.   Yep. A regular work day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD