Grabe.... pagod na akooooooooo!
Kukurap-kurap ako na naghihintay ng masasakyang jeep pauwi.
Eleven to Eleven ang schedule ko.
Two hours break+Dinner
Well at least libre ang kain. Medyo kalungkot lang at wala ako kasabay during my break and meal times.
I don’t get along well with my workmates. My male coworkers hate me, my female coworkers detest me.
Pag may inuman, outing o gatherings ay hindi ako invited.
One year plus na ako sa work na ito. At the age of twenty one and with a diploma in Culinary ay pwede na ako mag-apply sa ibang trabaho.
Kaso mahirap makahanap ngayon. Bukod sa saturated na ang market, mapili pa ang mga companies ngayon sa tao.
You can’t exactly call a woman weighing almost ninety kilos with only one working eye pleasing right?
Kaya heto ako tyaga sa trabaho na nagtyatyaga din sa akin. Kahit hindi ako masaya sa mga kasama ko, pinipilit kong maging masaya para sa mga customers at chores ko sa trabaho.
Thankfully may last trip ng jeep na nagpasakay sa akin (at hindi ako siningil ng doble).
Habang binabagtas ng sinasakyan ko ang kahabaan ng madilim na highway ay napatingin ako sa kalangitan.
Madaming bituin pero walang buwan o bulalakaw. I suddenly felt lonely and nostalgic at the same time. Faded memories coming back to me.
Sa lalim ng iniisip ko na may isa pa lang sumakay na binata sa jeep.
Napatingin ako sa kanya at nabuhay na naman ang katawang baboy ko.
Slim and fit. May hitsura at medyo bad boy ang dating.
Nagpapacute ako and to my surprise ay tinitigan niya din ako.
Nagkatitigan kami for almost a minute at biglang may kinuha siya sa bulsa niya. I bet cell phone iyon! Kukunin niya ang number ko for sure!
Nakakakilig.
Kinakapa ko na din ang bulsa ko para ilabas na rin ang aking phone ng maaninag ko ng mabuti ang hawak niya.
Hindi cell phone, kundi patalim. Matalas at mukhang tatagos sa bilbil ko.
Namutla ako at nanginig!
“Holdap ‘to! Akin na ang bag mo!” malakas na utos niya sa akin at lumapit siya sa aking kinauupuan sa sulok malapit sa driver na kabadong kabado na din.
Umilng ako at niyakap ko ang malaki kong shoulder bag para itaklob sa aking mayamang dibdib (92% fats 8%boobs) at humikbi.
“Wag... wag mo akong r**e-in,” pagmamakaawa ko sa kanya.
Hinampas niya ako sa aking braso at pilit na hinatak ang bag ko, “Tanga ka! Holdap hindi r**e! Sino magtatangkang manggahasa sa butanding na katulad mo? Akin na yan kung ayaw mong makatay!” malakas na bulyaw niya sa akin sabay hatak sa bag ko.
Parang nahimasmasan ako sa sinabi niya. Holdap daw? Hindi r**e?
“Hindi mo ako rarape-in?” pabebe kong tanong.
“Tonta kang baboy ka hindi! Akin na ang bag mo kundi gigilitan na kita!” utos niya sa akin sabay hatak sa bag ko ulit at inilapit sa akin ang patalim niya.
Nagdilim ang paningin ko at dinaluyan ako ng lakas na hindi ko akalain na meron pala.
“Ah ganon?! Eto! Eto na ang bag kong hinayupak ka!” malakas kong sigaw sabay pinagtulakan ko sa katawan niya ang dambuhala kong shoulder bag na may lamang jug na puno ng buko juice at sisig plate na huhugasan ko sa bahay.
Hindi lang siya kundi pati ako ay nagulat sa nangyari.
Napalakas ata ang tulak ko dahil nawalan siya ng balanse at nabitawan niya ang hawak niyang patalim at tumama sa ulo niya ang shoulder bag ko na hindi niya kayang buhatin sa bigat.
Base sa tunog ay mukhang tumama sa bungo niya ang sisig plate sa bag ko. Nawalan ito ng malay at may lumabas na dugo sa kanyang ilong.
“Ahhh... Mi---miss, dito na yung baba mo diba?”
Nagulat ako sa tanong ng driver at tumingin ako sa labas ng bintana.
Red Ribbon na nga. Dito na ang baba ko! Olivarez na. Hindi ko namalayan na nabyahe pa din si manong kahit may nanghoholdap (hindi r**e) sa akin.
Tinitigan ko ang pogi na mukha ni holdaper at inis na tinapakan ko ang tiyan niya na nagpasuka pa ng dugo sa kanya bago ako bumaba at sinabihan na dalhin sa checkpoint ng pulis ang bwisit na iyon.
Sakbit ang aking bag ay nagmadali na akong tumawid ng kalye.
Wala akong pake kung bawal pa tumawid. Sa sobrang laki ko ay bulag na driver na lang ang hindi makakakita sa akin na nalakad sa gitna ng kalye (one of the advantage of being chubby) kaya naghintuan ang mga ten wheeler truck at bus ng tumawid ako habang naghaharurutan ang mga nadaang sasakyan.
Pagpasok na pagpasok ko ng kwarto ko (patagilid ulit, this time mas mahirap kasi busog ako) ay nagbihis agad ako at tinanggal ko na ang aking suot na damit at nilabhan ko na ito sa banyo.
Wish ko lang sana matuyo ang sinampay ko.
(At gumaling sa tinamo niyang sugat ang bwisit na holdaper (hindi r****t) na iyon)
-0-
“Pahugas naman po nito please. Thanks!” masaya kong pakiusap sa mga taga kitchen matapos kong ilagay ang isang tambak ng mga maduduming plato sa tapat nila at dumeretso na pabalik sa dining area para makapag-soup ulit ako sa mga customer.
Medyo hataw kami sa customers ngayon dahil holiday kaya sobrang busy! Nakangiti kong nilagyan ng sabaw ang mga soup bowls nila para hindi sila mainip sa paghihintay ng order nila na prineprepare pa.
“Babs! Nasaan na yung mga plato?! Pakibilisan naman ang pagdadala dito!” malakas na hiyaw sa akin ni Nathan na mukhang naubusan na ng reserba.
“Oo! Teka! Kukunin ko na sa kitchen!” sagot ko sa kanya at dali-dali akong tumakbo pabalik ng kusina kung saan nakita ko na hindi pa pala nahuhugasan ang mga tinambak ko kanina.
Tiningnan ko si Johan na nakikipagkwentuhan lang sa iba niyang ka-kitchen staff. Siya kasi ang nakatoka na maghugas.
“Johan. Pahugas na naman nito please. Wala na kami magamit sa dining area,” pakiusap ko sa kanya pero hindi man lang ako pinansin nito.
Pagtalikod ko ay nakaway na sa akin si Ma’am Dana at sinesenyas ang isang table na wala pang soup kaya tumakbo ulit ako palabas ng kitchen area at nagserve ng soup sa customer na naghihintay.
“Ano ba Babs?! Nasaan na yung mga plato?! Wala na kami maibigay sa customer!” gigil na sigaw sa akin ni Nathan habang katabi ang isang crew na bwisit na din.
“Teka nga! Hindi pa hinuhugasan sa kitchen!” balik sigaw ko sabay tingin sa customer ko with a smile, “Ma’am pahintay lang po ng tissue hah? Kukunin ko po agad,” pangako ko dito sabay takbo pabalik sa kitchen.
Nakita ko na nakatambak pa din at nilalangaw na ang mga maduduming plato at hindi pa rin pinapansin ng mga taga kitchen na busy pa din sa pagkwekwentuhan.
“Excuse me po. Pakihugas na po nito please?” mariin na pakiusap ko sa kanila in a voice na sure ako na kinig na nila.
Nagsilingunan sila lahat sa akin at mga nakakunot ang noo. Si Johan ang naghampas ng kamay sa counter at itinuro ang lababo sa tabi niya.
“Ikaw kaya ang maghugas?! Kanina ka pa utos ng utos! Abala ka ah!” maangas niyang sabi sa akin.
Huminga na lang ako ng malalim at ipinunas ko sa aking apron ang aking mga kamay at binuhat ko ang lalagyanan ng sandamakmak na plato at dinala ito papasok sa kitchen area.
Sa sobrang lapad ko ay kailangan nilang magtabihan sa sulok para makadaan ako at mabilis kong ipinatong sa tabi ng lababo ang lalagyanan at mabilis kong sinimulan na hugasan ang mga plato.
Grabe.
Hindi ko ito trabaho pero bakit ako ang nagawa?!
Well, no choice. Mukhang ako lang ang kailangang kumilos kundi walang iseserve na plato sa labas! Hay buhay!
Nangangalahati na ako sa paghuhugas ng biglang may tumawag sa akin mula sa labas.
“Tanya! Anong ginagawa mo sa kitchen area?! Alam na alam mo naman na bawal kang pumasok sa kitchen pag hindi ka nakaduty diyan!”
Napalingon ako sa nagsabi nun at namutla ako ng makita ko si Sir Darius, ang manager namin na nanggagalaiti sa galit na nakatitig sa akin.
Napatungo ako at napatigil sa aking ginagawa, “Sir pasensya na po. Wala na po kasi magamit na plato sa dining area. Hindi naman po mahugasan agad ng mga taga dito kaya nagkusa na po ako. Nginangarag na po kasi ako sa labas dahil wala akong maideliver na plato,” mahinahong paliwanag ko.
Napakunot ang noo ni Sir at tinitigan sila Johan at ang iba pa niyang mga kasamahan.
“Johan! Diba ikaw ang nakatoka sa paghuhugas?! Bakit hindi mo magawa agad hah?” galit na tanong ni sir dito.
“Eh... madami din po ako ginagawa dito,” palusot nito kay sir.
Nagtaas ng kilay si sir at naglabas ng remote control sa bulsa at may pinindot dito bago lumabas sa monitor na nakasabit sa dingding ang cctv footage ilang minuto lang ang nakakalipas.
Kitang-kita dito ang time na dinala ko ang pinggan pero dinedma niya ako. Yung second time na bumalik ako pero hindi din ako pinansin at nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan. Finally yung third time na bumalik ako at kahit walang sound ay halatang sinigawan ako nito at pahampas na itinuro ang lababo sa tabi niya indicating na ako ang inutusang maghugas habang nakikipagtawanan ulit siya.
“So, tell me again Johan. Madami kang ginagawa o madami kang nginangawa?” ulit na tanong ni sir na nagngingitngit na sa galit.
Hindi makasagot si Johan at malakas na itinulak ako paalis ng lababo, “Umalis ka na Dabiana diyan. Pahamaka kang baboy ka! Layas!” mahinang sumbat nito sa akin at padabog na naghugas na ng mga plato.
Bago pa ako makasagot ay ako naman ang binalingan ng boss ko.
“You Tanya. Bumalik ka na sa dining area at mag-serve ka na ng foods. Ang dami nang naka pending!” utos sa akin ni sir at dali-dali ko namang sinunod siya.
I admit for someone weighing so heavy like me, sobrang bilis at liksi kong kumilos.
Pagkabalik na pagkabalik ko ng dining area ay napasinghap na lang ako sa daming tray na nakahanay para i-serve ko.
Napailing na lang ako at ginawa ko na lang ang trabaho ko.
No use complaining. Wala namang magbabago.