Payday today!
Madadagdagan na naman ang datung ko!
Isa-isa kaming pinapapasok sa office ni Sir Darius para pasahurin. As usual ako ang last sa pila pero I don’t really care as long as sasahod ako.
Nang makalabas na si Johan ay turn ko na. Mukhang siya na lang ang hinihintay ng mga ka workmates ko at may pupuntahan ata silang club or bar para mag happy-happy.
Di naman nila ako sinasama sa mga inuman nila kaya hindi na din ako nag-assume na iinvite nila ako kaya deretso pasok na ako sa office pagkatawag sa pangalan ko.
Umupo ako sa tapat ng manager namin as I eagerly wait for my salary. Walang bawas iyon dahil hindi naman ako nag cash advance.
“Six thousand seven hundred eighty five. Pa sign na lang dito Tanya,” sabi sa akin ni sir pagkaabot sa akin ng isang envelope at itinuro ang linya sa tapat ng name ko.
Tabithanya A. Maranan_A~Tabitha-----
“Ok na po sir. Thank you,” masaya kong sabi sa boss ko sabay shoot ng envelope sa bag ko matapos kong mabilang ang laman nun.
Ngumiti ito sa akin at tumango. Sabay turo sa pinto.
Pero hindi ako umalis sa pagkakaupo ko.
Napatingala ito sa akin at ikiniling ang ulo, “May kailangan ka pa ba Tanya?” tanong niya sa akin.
Pinilit kong ngumiti at tumango, “Sir, magreresign na po ako....”
“What?! Why?! Wala ka namang violations. You are performing very well!” gulat na sabi niya sa akin sabay turo sa isang nakasabit na frame na katabi ang organizational chart namin.
EMPLOYEE OF THE MONTH
At simula start of the year hanggang ngayong month ng September ay ang mataba kong mukha ang nakapaskil doon. Walang lakdaw, ako ang bida monthly.
“Nahihirapan na po ako sir kasi sa work ko,” which is a lie dahil yakang-yaka ko naman ang trabaho kahit hindi na nakatoka sa akin at ako ang pinaka-overworked sa mga crew ay carrybells ko pa din.
“I can offer you a pay rise. How about four hundred a day plus incentives?” offer sa akin ni Sir Darius.
Umiling ako at ngumiti sa kanya, “It was very kind of you to offer but I have to refuse sir. Baka kailangan ko na din pong mamahinga.”
“How about I give you a month worth of leave? Paid of course,” counter-offer niya sa akin, “Napakaganda ng performance mo and I’m sure papayag ang head office na mag-avail ka ng ganoon.”
At this point napatawa ako at medyo nanghinayang. Mukhang ayaw akong pakawalan. Pero it’s just, I’m really tired. Not of the work pero sa environment ko.
Siguro nasawa din ako sa one year and a half na trabaho kung saan hindi mo nakakasundo ang mga katrabaho mo. I’m actually surprised na nakatagal ako dito. Judging from the fact na puro lait at pahirap ang nararanasan ko everyday.
I guess I just need a work to keep me fed and to have a roof above my head.
And I’m about to throw it all away...
“Actually, hindi ko dapat sa iyo sasabihin ito Tanya. Pero sabi ng head office sa akin ay by next month ay ipropromote ka nila as the manager of this branch kasi I requested to be transferred sa Manila Branch kaya ikaw ang pinush ko na pumalit sa akin. You are very hard working and can really work under tremendous pressure. Not to mention graduate ka ng Culinary. So please consider the offer. Mamahinga ka ng one month then pagbalik mo manager ka na,” pakiusap ni Sir sa akin.
Nagulat naman ako sa revelation niya. Medyo nagwaver ang resolve ko pero I stand fast to my convictions. Ayoko na talaga.
“Sir, napakalaking bagay na sinabi ninyo po iyan sa akin. Pero gusto ko na po talagang mamahinga sa ganitong type ng trabaho. I know na miharap dahil sa physical deficiency ko pero I want another job to try. Hindi ko na po talaga kaya,” sincere na sabi ko sa kanya.
Tinitigan ako ni Sir Darius and after a minute or two ay may kinuha siyang papel sa ilalim ng desk niya at inilatag sa harap ko iyon.
Resignation Waiver.
“Mukhang hindi ko na mababago ang isip mo Tanya. Pero at least I tried my best. Alam ko ang hirap mo dito and I’m sorry na wala akong magawa for you. I admire your conviction. You have my permission to leave. Just sign here and I will handle your back pay and thirteenth month pay as fast as I can,” sabi niya sa akin sabay turo sa linya sa baba ng papel na nagsasaad na effective tomorrow ay pwede na akong hindi pumasok.
Tumango naman ako at mabilis kong pinirmahan iyon then nakipagkamay ako sa manager ko and stood up.
Bago ako makalabas ng office niya ay tinawag niya ako.
“A moment Tanya.”
Lumingon ako at nakito si Sir na nakangiti sa akin kindly.
“Yes sir?”
“You are always welcome here. Alam mo ang contact number ko. Just give me a call and I promise we will be glad to have you back to us anytime you want,” sincere niyang sabi sa akin.
This time hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Tumango ako at ngumiti.
“I will remember that sir. Thank you po sa lahat.”
“Likewise,” sagot niya sa akin quickly.
After that ay lumabas na ako ng almost empty na resto-bar na naging tahanan ko na for more than a year.
-0-
“Miss sorry wala na pong vacant position” bungad agad sa akin ng empleyado ng realty company na tumawag sa akin kahapon lang.
Kumulo agad ang dugo ko at nagtaasan ang mga kilay ko, “Paano mawawalan ng vacant position eh kakatawag lang sa akin ng supervisor kahapon?” inis na tanong ko dito.
Nagulat ata sa reaksyon ko ang empleyado, bago pa ito makasagot ay lumabas ang isang lalake na naka-corporate attire at mukhang nakinig ang sagutan namin ng pobreng empleyado.
“What is the problem here?” pa-importante nitong tanong habang tinitingnan ako.
Grabe si Sir. Porke mataas lang ang position ay ang lakas na makapang-mata sa akin.
Kung hindi lang ako sanay sa ganito ay baka tumungo na lang ako, “Sir kayo po siguro yung tumawag sa akin kahapon. Naka-schedule po yung interview ngayon.”
Mukhang natigilan ang lalaki tapos hindi agad sya nakasagot sa akin, “I—I’m sorry miss but I don’t recall contacting someone for interview today. Baka na scam ka lang.”
Sasagot sana ako pero may biglang tumigil sa harapan ng office na sasakyan. Infairness, mamahalin sya huh? Chevrolet Cruze at brand new! Mas nakakaloka ang bumaba ng sasakyan. Mala Jesse Mendiola ang dating, Maria Mercedes ang peg!
Hindi ko malaman kung outfit for interview o para sa show ng pole dancing ang suot ni ate. Hindi ko din malaman kung Clorox ba o Glutha ang inintake nya para pumuti at higit sa lahat, hindi ko magets kung bakit kailangang mag shades eh sobrang kulimlim naman.
Sensual itong ngumiti sa kausap ko at ibinaba ang shades. Sisigaw sana ako ng alien dahil halos wala ng puti sa mga mata nya sa laki ng brown contact lens na parang may nagtumpok ng tae sa mga mata nito. Ramdam ko ang bigat ng mukha nya sa kapal ng foundation at hindi ko masabi kung bakla sya o binabae dahil mas makapal pa sa dati kong Full Blast Sagala Edition ang make-up nito.
Tsaka ko lang nasigurado na babae ito ng umimik na ito na parang may sumasakal dito. “Breathless” mode.
“Sir, I’m Divine Ayala. I just received your phone call early this morning about the H.R position. I hope I have dressed properly for the interview” sexy nitong imik sabay spread ng above the knee nitong pulang dress na may slit pa sa gilid at plunging neckline na kakulay na kakulay din ng mukha nito. Cream.
May skin tone pala na cream, kala ko sa Persian cat lang yun...
Tumaas baba ang Adam’s apple ni Sir at tumango agad, ang mga mata ay hindi maalis sa dibdib ni ate, “Oh no. I mean it’s fine. Please come in to my office” nagmamadali nitong bukas ng pinto.
Ng napatapat sa kinatatayuan ko si ate ay lumingon ito ng saglit sa akin, akala ko nga bubuka ang bibig nito at sasabihin ang mga katagang “MY PRECIOUS” pero nagkamali ako. Tiningnan lang ako nito mula ulo hanggang paa, itinias ang kanang kilay at nag-chest out ng mabilis at inirapan ako sabay sunod kay Sir manyakels.
Bumuntong hininga na lang ako at napailing.
Hindi na kayang bilangin ng mga galamay ko sa katawan ang dami ng instances na nangyari ito sa akin pagkatapos kong mag-resign sa GG’s two months ago.
Lagi na lang merong mas maganda sa akin, in all aspects hah?
I mean, yung mas maganda sa akin physically. Hindi naman ako kapangitan, pero sabi nga nila pag mataba ka, chances are, mas mapapansin sa iyo ang fact na mataba ka kesa sa mukha mong acceptable naman.
Next, mas maganda yung background sa akin, financially, di-hamak na mas mayaman. Scholarly, hindi hamak na galing sa At-neyoh and De L-Salle.
Sa credentials lang ako nahabol. Wala akong grade below 1.5 noong grumaduate ako. Consistent deans lister ako at wala akong back subjects. Kahit nga p.e ko, ninety plus lahat ng grades ko pataas considering the fact na obese ako. Nasungkit ko din lahat ng awards sa lahat ng setting ng ojt ko at kung ano-ano pang academic awards. Not to mention ang ganda ng experience ko sa one year and a half ko sa GG’s. Maganda ang recommendation letter sa akin ni Sir Darius at ng H.R ng company.
Pero ano silbi nun kung kulang naman ako sa ganda at puro lang taba?
“Ah... Miss... sorry ha?” biglang sabi sa akin nung empleyado.
Napatingin naman ako sa kanya. Napansin ata na natulala ako at malayo ang iniisip. Naawa ako sa hitsura nito, mukhang guilting-guilty.
Ngumiti ako ng matamis at tumango sabay nagsinungaling, “Naku wala yun ate!” masaya kong sagot dito sabay tawa kahit mangiyak, ngiyak na ako sa loob.
Parang gusto ko nang tadyakan ang sarili ko dahil nag-resign ako sa huli kong trabaho! Dapat pala nagtyaga na lang ako na awayin at pahirapan ng mga katrabaho ko at least may work ako!
“Ganun talaga ang boss ko, nung dumating yan dito ang kinukuha agad ay either maganda at sexy o yung mukhang madaling kulbitin. Sayang hindi mo naabutan yung branch head na tumanggap sa akin”
“Ganyan talaga ang buhay ate. Unfair. O, sya, una na ako ha, salamat!” masayang paalam ko dito sabay talikod at naglakad na ng palayo.
Para lang akong nasa scene ng isang movie o libro. Naglalakad sa gitna ng daan. Kasabay ang madaming tao. Tulala at malapit nang mawalan ng pag-asa.
Na-absorb lang naman ako sa GG’s nung nag O.J.T ako sa kanila kaya after I graduated ay kinuha agad nila ako.
Two months na akong walang mahanap na work at unti-unti nang nauubos ang perang naipon ko kasabay ng pag-asa ko.