I’m a nervous eater.
Ninenerbyos na ako ng sobra. Pa three months na wala pa rin ako mahanap na work.
Pag hindi disqualified, overqualified or “not fit to work”. Fit meaning masyadong mataba.
Nilakihan ko ang subo ko at binilisan. Kain lang ng kain. Para kahit saglit matakluban ng sarap ng lasa ng kinakain ko ang pait na nararamdaman ko ngayon.
Tatagal pa naman ang pera ko sa bangko pero not for long. Paubos iyon at hindi padagdag. Ilang buwan pa at sa kalye na ako pupulutin.
Naubos ko na ang naiwan ng mga magulang ko sa pagpapagamot. Wala na akong kamag-anak na pwedeng takbuhan.
Mas dinamihan ko pa ang subo ko ng kanin at ulam habang nag-iisip ako. I don’t care kung nakakailang order na ako dito sa karinderya. Basta kailangan kong kumain kundi mababaliw ako!
Madami pang mga isipin ang sumagi sa aking kokote at hindi ko napansin na may umupo na pala sa bakanteng sila sa tapat ko.
Isang matandang babae na may katabaan at nakangiti siya sa akin.
“Masarap ba ineng?” tanong niya sa akin.
Tumango naman ako sabay nguya at lunok ng kinakain ko bago sumagot, “Opo. Sobra. Nakakailang order na ata ako.”
Napatawa naman ang matanda, “Pansin ko nga ineng. Inubos mo na ang paninda ko,” sabi niya sa akin sabay turo sa mga wala nang laman na kaldero na hinuhugasan ng mga tindera ng karinderya.
“Ahhh... Kayo po ba ang may-ari? Pasensya na po ha?”
“Naku wala iyon ineng. Natutuwa nga ako at sarap na sarap ka sa luto ko.”
Tumango-tango ako at uminom ng tubig bago dumighal ng malakas at tinapiktapik ang aking dambuhalang tiyan at sumandal sa pobreng upuan na nalangitngit na sa bigat ko.
“Mukha kang may problema. Baka gusto mo makipagkwentuhan sa isang matanda?” offer niya sa akin.
Hindi ko siya kilala. Pero... wala akong kakilala o kaibigan na mapaglabasan ng mga hinaing at hirap na nararanasan ko kaya natagpuan ko na lang ang sarili ko na kinukwento sa kanya ang lahat ng nangyari sa buhay ko, ang naging sakit ko dati, pagkabulag ko, pagkakaron ng isang mata, pag-aaral, pagtatrabaho, pagreresign at ang unsuccessful job hunting ko.
Tahimik lang siya.
Tahimik na nakikinig sa akin.
Parang gumaan ang loob ko ng mailabas ko ang aking saloobin sa ibang tao na matagal kong kinimkim at pinilit ibaon sa limot.
“Naku ineng. Ganyan talaga ang buhay. Hindi mo alam kung hanggang kailan ka masaya o malungkot. Kung sigurado ba ang buhay mo o hindi. May bahay ka pa bang uuwian o pagkain na kakainin,” mahinahon niyang sabi sa akin habang hawak niya ang kanan kong kamay, “Hindi ka makahanap ng trabaho diba?” tanong niya sa akin.
Tumango ako at ngumiti siya tapos may kinuha siya mula sa bulsa niya at ipinatong sa aking kanang palad. Isang maliit na notebook.
“Ineng hindi kita pinipilit pero bakit hindi mo subukang mag-negosyo? May hilig ka, may tyaga at may pinag-aralan. Bakit hindi mo subukang magbukas ng karinderya?” suhestiyon niya sa akin.
Nanlaki naman at umiling agad ako, “Naku! Wala po akong alam sa pagpapatakbo ng negosyo! Wala akong masyadong alam na putahe na pang karinderya!” mabilis na tanggi ko.
Napangiti ang matanda at tinapik ang notebook na ipinatong niya sa palad ko, “Kaya nga binibigay ko sa iyo iyan. Buksan mo,” utos niya sa akin.
Sinunod ko ang sinabi niya at binuksan ko ang maliit at mukhang napagdaanan na ng ilang dekada na notebook.
Napasinghap ako sa nakita ko.
Mga personalized recipe ng mga putahe. Caldereta, Afritada, Adobo, Sisig, Sinigang, Pinakbet, Relleno, Nilaga at kung ano-ano pa. Meron ding mga nakasulat na notes kung paano magpaikot ng pera at makatipid sa pamimili. Paano makisama sa mga customer at ang tamang paglilinis. Sulat kamay at halatang hindi na mabilang ang beses na binuklat ito at tiningnan.
Napatingin ako sa matandang babae at nakangiti lang siya sa akin na parang apo niya ako na tinuturuan niya.
“Bakit? Bakit ninyo po binibigay ito sa akin? Sikreto po dapat ito diba?”
Napabuntong hininga siya at tuming sa kanyang karinderya na wala nang tao maliban sa isang lalaki at babae na mukhang nag-eempake ng mga kasangkapan. Ako na lang ang natitirang customer at napangiti siya na parang kuntentong-kuntento sa buhay niya.
“Huling araw na ito ng karinderya ko. Mahigit apat na dekada ko itong pinatakbo at nakapagpatapos na ito ng dalawang anak ko na ngayon ay may trabaho na sa America. Natanda na din ako at gusto ko nang mamahinga kaya pumayag na ako sa kanilang dalhin na nila ako doon,” itinuro niya ang dalawang tao na nakatingin sa amin at kumaway sila bago pumunta sa likuran ng karinderya.
“Pero...” simula ko pero sinangatan ako ng matanda.
“Gusto ko lang maipasa sa isang tao ang mga nalalaman ko. Walang hilig sa kusina ang aking mga anak kaya nang makita kitang kumakain naalala ko ang sarili ko nung kabataan ko. Hindi ko alam kung gagamitin mo iyan o hindi. Ang tangi ko lang hiling sa iyo ay wag kang susuko sa mga problema ng buhay. Wag kang matakot sumubok ng bago. Wala akong pinag-aralan pero nagawa kong maitaguyod ang pamilya ko sa karinderyang ito. Hiling ko lang ay makatulong din ako sa iyo,” seryoso niyang sabi sa akin.
Napatingin ako sa hawak kong notebook na napaglipasan na ng panahon. Hindi masusukat sa pera ang halaga ng mga nakasulat dito. Dugo at pawis ang sinakripisyo maperpekto ang mga recipe na nakalagay.
I know first hand na pang first class restaurant ang lasa ng mga luto ng matanda.
“Nay! Naempake na lahat! Kung ok ka na diyan pwede na tayo magsara. Bukas na ang flight natin. Uwi tayo ng maaga para makapamahinga tayo!” sigaw ng babae niyang anak mula sa likod.
Tumayo na ang matanda at inakay niya ako palabas ng tindahan niya.
“Paano ba yan iha? Mukhang kailangan muna natin maghiwalay. Ikaw na ang bahala diyan ha? Libre na ang kain mo kasi huli na kitang customer. Tandaan mo, dapat maganda ang pwesto mo para bumenta ka,” paalala niya sa akin bago niya binitawan ang kamay ko at naglakad na siya pabalik sa tindahan niya.
“Teka po, ano pong pangalan ninyo?”
“Marcela anak. Ikaw?”
“Tan---“ napailing ako at minabuting buuin ang pangalan ko, “Tabithanya po.”
Ngumiti siya at tumango sa akin, “Ingat ka lagi.”
Iyon lang at ibinaba na ng anak na lalaki niya ang tabing ng karinderya ng matanda para tuluyan na itong maisara.
-0-
Heto ako nakahiga sa kama ko.
Kakauwi ko lang galing sa recent interview ko na wala na namang kinahinatnan kundi ang mga katagang “We will call you later.”
Kakaiyak.
Gusto ko nang umiyak talaga.
Pinangako ko dati sa sarili ko na hindi na ako iiyak ulit pero parang gusto ko na talagang magpakawala ng isang malakas na palahaw at mag-gugulong sa kama.
Sukong-suko na ako. Ang hirap makahanap ng trabaho. Bumalik na lang kaya ako sa GG’s?
Hindi... Hindi pwede. Ayoko na doon. Ang dami na may galit sa akin. Nahihirapan lang ang loob ko.
Huminga ako ng malalim at pumikit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tatry pa ba akong mag-apply?
Bumalikwas ako sa kama ko at may naramdaman akong nadagaanan ng malaki kong pwet.
Kinakapakapa ko kung ano iyon at napakunot ang noo ko ng makita ko ang notebook na binigay sa akin ni Tita Marcela at binuklat ko ito.
Lahat ay personalized recipes. Napakadaring ng matanda. May mga ingridients na hindi mo akalaing makakapagpasarap sa simpleng ulam ang ginagamit niya. Madaming bura, correction at mga notes.
May mga tips sa proportioning, pamimili, paglilinis, pagtitipid at kung ano ano pa.
Meron ding mga tips kung paano makahatak ng mga customers.
Gintong ginto ang lumang notebook na ito. Bilang isang Culinary Degree Holder, masasabi ko na almost perfect at nababagay ang mga nakasulat doon. It only shows na kayang tapatan o higitan ng experience ang pinag-aralan dahil isang hindi nakapag-aral ang sumulat nito pero ang mga idea niya ay higit pa sa mga nakapagtapos.
“Ang tangi ko lang hiling sa iyo ay wag kang susuko sa mga problema ng buhay. Wag kang matakot sumubok ng bago.”
Naalala ko ang sinabi ni Tita Marcela sa akin almost a month ago.
At hindi ako nito pinatulog magdamag.