Ang lakas ng negosyo ko! Kakarenovate lang ng aking pwesto at mas namaximize ang space efficiency nito thanks to Besty’s interior designing expertise. Naging mukhang sosyal ang aking kainan kahit tig twenty five pesos lang per meal ang tinitinda ko. Thanks sa skill ni Besty sa presentation at aesthetics, napagmumukha niyang mamahalin ang mga pagkaing sineserve niya. Kami ang may pinakamalakas na kainan dito sa labas ng mall. Natalo ko ang mga nauna sa amin. Lagi kaming jampacked tuwing lunch at dinner time. Kahit dadalwa kami ay kayang-kaya namin ang trabaho kahit hataw kami sa customers. Ako ang bahala sa luto, preparation at hugas samantalang siya ang bahala sa serving, linis at kaha. One to two hours lang naman ang itinatagal ng peak hours namin. After that linis m

