Two weeks na ang nakakalipas at hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko (at higit sa lahat, sa nakita ko). Pinatira ko sa aking pwesto ang babaeng palaboy. Riela ang pangalan niya at grabe, aaminin ko insecure ako sa kanya. Pagkasabi ko sa kanya na pwede siyang makitira sa akin ay pumayag ito. Mukhang wala siyang uuwian at sa kalsada lang natutulog. Isinara ko na ang aking karinderya at sinama ko siya sa makeshift na banyo sa likuran at doon ko siya tinulungang maligo. And God! Setting aside na sobrang payat niya. She is one hell of a looker! Matapos kong malinis siya ng mabuti ay tumambad sa akin ang isang napakagandang babae! I can easily say na hindi siya purong Pilipino. Maputlang balat at Platinum Gray eyes. Matangos ang ilong at malalantik ang pilik mat

