Lumipas ang mga araw at lalong dumali ang trabaho ko sa aking karinderya. Magaling na kasama si Riela at magiliw sa mga customers. Mabilis siyang matuto at hindi patamad-tamad. Dahil na din sa pagtulong niya ay na-extend ang operation hours ng kainan ko. Hanggang gabi na kami bukas dahil nakakapag-focus na ako sa kusina habang sa serving at kaha si Riela. Dumoble ang kita ko at dumami ang ulam na aking nailuluto. Blessing talaga si Riela sa buhay ko. Hindi nagtagal ay naging mabuti na kaming magkaibigan. Nagkwekwentuhan at nagbibiruan na kami lagi. Hindi na nakakabagot ang buhay dahil may kadaldalan ka na. Besty ang tawag ko sa kanya at Bessy naman ang tawag nya sa akin. Sanggang dikit na kami dito at wala na ako mahihiling pa. My business is booming and I hav

