Dalawang linggo na ang nakakalipas at hindi ako makapaniwala sa nangyari. Tama si Tita Marcela. Mula sa isa naging dalawa, naging apat, naging walo hanggang sa dumagsa na sila! Kung dati tatlo o dalawang ulam lang ang niluluto ko ngayon pito na! Ang dami ko nang customers! Nagsilipatan sila sa akin dahil mura na, masarap pa ang luto tinda ko. Hindi tulad sa mga katabi ko. Ang mamahal. Thirty five ulam pa lang yun. ten pesos kanin at ten ang coke sakto. Sa akin twenty five lang may kanin, ulam at coke ka na! Hindi ko kailangang magtaas ng presyo dahil sapat na ang kinikita kong pang puhunan at pang renta sa pwesto. More or less seven hundred nga ang kinikita ko a day which is doble sa sinasahod ko sa GG’s. Wala pati akong boss o katrabaho! Walang manlalait

