“Alam kong buhay ko ang topic natin pero bago ako magsimula, anong name mo?” tanong ko sa kaharap ko. “Irma,” matipid niyang sagot sa akin. Ngumiti ako at nilaro-laro ang green apple na nakapatong sa counter na inilabas ko kani-kanina lang. “Irma, ang lakas ng pakiramdam ko sinusumpa mo ang buhay mo ngayon. Buntis ka, halatang single mother at mukhang may sakit ka pa. Mukhang sa buong panahon ng pagbubuntis mo ay puro hinanakit ang nasa puso mo,” seryoso kong sabi sa kanya. Hindi siya sumagot sa akin, bagkos ay nakatitig na nakatitig sa aking mga mata. Na ang isa ay wala nang kulay at ang isa naman ay kasing berde nitong mansanas na hawak-hawak ko ngayon. Nakatungo ako bago ako nagpatuloy, “Bigla ko na lang naisip na sana dati meron ding isang tao na kinausap ako bago g

