Several years later... Ano ba itong pesteng taon na ito?! First, nagkaroon daw ng pandemic, then nagsarahan lahat ng mga tindahan sa paligid to the point na hindi ka na makabili ng mani sa sari-sari store sa kanto. Covid daw. Susko! Hindi lang suking sari-sari store ang nagsara kundi pati na din ang restoderya ko. Soon pati ang bulsa ko ay magsasara na din. What the actual frack?! No choice ako kung hindi i-advise ang aking mga tauhan na magkanya-kanya na kami dahil malabo pa sa sabaw ng crunchy kare-kare ko na kumita ang restoderya namin to provide for everyone of us. Wala na din namang walk-in customers dahil sa restrictions and curfew, not to mention cancelled lahat ng naka-book na gatherings at events so what’s the point

